2

7.2K 205 32
                                    




**


NAKITA ko siyang nakatayo sa labas ng gate. Sa gilid ng guard dito sa entrance gate. May dala siyang gitara at may backpack pa. Doon kasi siya natulog sa kabanda niya kasi nagsisimula na naman silang gumawa ng kanta. Nakatayo siya with his usual expression, naka-kunot noo. Lagi 'yang ganyan at nasanay nalang ako.


Nakita niya akong naglalakad palapit sakanya. Nang dumaan ako kay Manong guard, tinangoan niya ko at nginitian. Kilala niya na rin si Ramces kasi lagi akong sinusundo. Kaso lang, 'di niya naman ito kinakausap. Sabi nga ni Manong ang suplado daw ng boyfriend ko. Hehe


Pagkalapit ko palang, nagsimula na siyang maglakad kaya nakasunod naman ako. Tumayo kami sa sakayan ng jeep. Naghihintay, walang nagsasalita. Nasanay na ko'ng ganito siya. Ugali niya talaga 'yan. Hindi naman dahil sa malamig siya sakin pero ganyan talaga si Ramces. Mahiyain pa'ng maging sweet sa public places. Depende nalang kung sinumpong.

Pero kapag kaming dalawa lang, malambing din naman.


Pumara siya at pinauna akong sumakay. Nasa dulohan kaming dalawa. Punong-puno na at buti nalang si Ateng kaninang nasa dulo ang umusog. Ipinalibot niya ang braso niya sa likod ko. Hinawakan niya ko sa bewang at pinalapit pa sakanya.


"Si Cindy?" Bulong niya.


"Nag-stay siya. Punta sila sa birthday ni Jairus." Sabi ko habang hindi nakatingin sakanya. Hinawakan ko ang buhok ko'ng nakalugay kasi nililipad. Hindi ko kasi natali, e.

Hindi naman siya sumagot. Ang daya naman. Kapag kapatid, ayos lang. Kapag girlfriend, lahat bawal. Huhu.


Inabot kami ng 30minutes na nasa byahe. Sa kanila kami pumunta. Uwi nalang ako mamayang gabi.

Nasa isang compound 'tong bahay nila. Naglakad kami papunta sakanila. Siguro naroon na ang Mama't Papa niya.

Umakyat na kami at siya ang unang pumasok. Nasa sala si Tita Karla. "Oh, andito na pala kayo." Tumayo siya, nagbless kaming pareho sakanya. After that, dumiretso si Ramces sa kwarto niya. Tinignan lang naman siya ng Mama niya tapos ay, inaya ako sa kusina kasi nagluluto daw siya ng dinner nila. Nakasandal lang ako dito sa may counter habang siya tinignan lang saglit 'yong food.


"Kumusta na, nak? Busy ka ata?" Tanong niya sakin. Two weeks na kasi akong di nakakapunta dito kasi busy sa school, e.


"Oo nga po. Ayos lang naman po, Tita."


"Si Cindy ba? Bakit di pa umuuwi? Di nalang sumabay sainyo."


"Uhm, birthday po kasi ni Jairus. Kaya baka mamaya pa siya makauwi."


"Ahhh.. eh ikaw? Bakit di ka sumama?" Hindi pa nga ako nakakasagot na gets niya na agad. "Nga pala, di ka pinapayagan niyang si Ramces." Sabay iling at medyo natawa. Ngumiti nalang ako.


"Ewan ko ba diyan sa boyfriend mo bakit ayaw mag-aral ulit. Pero wala eh, siguro ganon niya talaga kamahal ang pagba-banda." Tumango ako. Sobrang mahal niya ang paggawa ng kanta, pagtugtog. Dati tumutugtog sila sa isang bar sa QC gabi-gabi. Pero ngayon kasi, na-offeran na naman silang gumawa ng kanta at magka-album, that's why they are working hard on it. Dati may mga tours din at mga gigs. Hindi naman 'yon nakasira ng relasyon namin kahit na sobrang busy niya pa. Siguro pareho lang kaming nagkakaintindihan sa parteng 'yon. At kahit naman andito siya o wala, hindi parin niya ko papayagan sa mga bagay-bagay. Sadlife haha.

"Suportahan nalang po natin siya, Tita."


Ngumiti si Tita Karla. "Kaya nga, e. 'Yang Papa niya ayaw na ayaw dati kaso, wala, wala namang nagawa si Rommel. Nakikita rin naman kasi naming masaya siya. Ayos na 'yon kahit na di niya napagpatuloy pag-aaral niya ng engineering."


LISTEN CLOSELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon