26

4.4K 140 48
                                    


**

"NAPAGOD ka ba?" Tanong ko sakanya habang nagmamaneho. Ako lang kasi ang narito pero sasakyan ng banda ang gamit ko. Wala pa akong sariling sasakyan. Uunahin ko munang pagipunan yung bahay tsaka pang-kasal naming bago 'yon. Sabi nga ni Kuya Kiko, madali nalang naman kung sasakyan. Pero gusto ko talaga muna mapagipunan ng todo 'yong bahay.

"Medyo. You? May rehearsal ulit kayo bukas?"

"Oo eh. Pero mga 2:30 pa naman. Ikaw, ano oras pasok mo? Baka pwede kitang ihatid?" I said smiling at her. Kanina lang pagod na pagod ako. Samantalang ngayon, parang kakasimula pa lang ng araw ko. Nakakagana mabuhay kapag katabi ko siya. Yung pag naisip ko lang na konting distansya lang ang namamagitan samin..

"10am eh. Okay lang ba? Magrest ka nalang muna by that Mahal. Magco-commute nalang ako, okay?"

"Tsk," Kumunot ang noo ko. "Gusto kong ihatid ka tsaka makasama ka. Busy ka pa naman."

"Sure ka? After that uwi ka nalang agad okay?"

"Opo," Bumalik naman ang ngiti sakin nang pumayag siya. Lately kasi talagang ayaw niya. Pagod raw kasi ako and that she wants me to rest, that I need to rest.

Natahimik lang muna kaming dalawa. Buti nalang 'di traffic. Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay sa may lap ko. Nag-iingat naman ako at medyo kumpyansa lang dahil madaling araw na't wala masyadong kotse.

"Love, mag-focus ka nalang sa pagda-drive." Tinignan ko siya. Kunwari ayaw pero nakangiti naman. Sus.

Hinalikan ko ang kamay niyang hawak-hawak ko. "I love you, Mahal." I said and then I smiled at her.

"I love you, too.Bitawan mo na 'ko."

"Ayoko nga. Ilang araw ko na 'tong di nahahawakan."

"Sus, sige na. Baka bumangga tayo. Naku, baka di mo na mahawakan!"

"Ssh! Ano ba 'yang pinag-iisip mo. Trust me nalang, okay?" Hinalikan ko ulit 'yon. Binabagalan ko lalo ang pagda-drive. Natatawa naman siya sa gilid ko. "Baliw ka, yung iba nagmamadali."

"Wala naman masyado. And they can overtake." Nakangisi ko'ng sagot. "Gusto lang po kitang makasama nang matagal."

"Eh we'll sleep together nga, 'di ba?"

"Eh, kahit na." Pinagintertwine ko ang mga daliri namin. Ang sarap sa pakiramdam. Sobrang sarap sa pakiramdam.

"Love, I wanna challenge you." Napaupo siya na nakaharap sakin. Mukha namang excited siya sa naisip niya. May nakita akong pwede naming pag-parkan. "Park ko lang." Kasi baka harutin mo ko, Love. Mabuti na 'yong prepared and proper.

"What is it?" Interasado ko ring tanong.

"Can you make a song write at this very moment?" In this very quiet street?

"Hmmm, sige ba."

"Sige nga..."

I cleared my throat and looked at her. "Okay eto na, listen ah.."

Nagsimula na ang pagisip ko ng mga salita, tono. Siya naman, nakangiti, naka crossed arms. Napapatingin ako sakanya tapos napapatingin sa taas, sa baba, sa gilid ko. Trying to find the right words for the song.

"Ah, eto, meron na.." Inayos ko ulit ang boses ko at tinignan siya nang diretso. Wala pa nga, nakangiti na siya. "Wag kang kiligin, okay?"

"Ang kapal!"

I reached for her hand. "And I'd give up forever to touch you..."

Naparolyo siya ng kanyang mga mata sa unang linya ko pero nakangiti pa rin.

LISTEN CLOSELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon