17

5K 149 28
                                    


**

"KUMAIN ka nga ng marami diyan." Bulong ko sakanya sabay lagay pa ng kanin sa plato niya. "Ang payat-payat mo na oh." Tumingin siya sakin tapos ngumuso pa. Sabi niya kasi sakin busog na raw siya? Busog? Agad-agad? Eh kung kumain kaya 'yan parang manok.

"Umayos ka nga, love." Seryoso ko'ng sabi sakanya at inilagay ang kamay ko sa hita niya sabay sandal. "Kain ka na diyan."

"Di ko kaya 'to."

Tinignan niya 'ko. Naku, alam ko 'yang tingin na 'yan eh. Paawa pa eh. "Hay, sige na nga, tulongan nalang kita." Sabi ko kahit busog naman na talaga ako. Siya kasi inaalala ko. Ang konti nga lang ng kinain niyan eh. TSS. "Siguro nung wala ako hindi ka na naman maayos kumain, no?" Sabi ko habang kumakain gamit ang tinidor niya.

"Kumakain kaya ako ng maayos."

"Oh ba't ka nakasimangot?" Mahina lang ang boses naming habang nag-uusap. Sa ingay din naman nila 'di rin nila kami maririnig. Inirapan niya ko at kumain nalang. Bakit ba ang sungit nito? Meron na ba siya ulit?

Normal couple lang naman kaming dalawa eh. Nag-aaway din minsan na parang mag-asawa, ganon. Buti nga ngayon nako-kontrol ko na pagseselos ko eh. Mga 2 percent na 'yong improvement. Oh diba. Ang hirap kaya magimprove ng 2 percent kala niyo ba.

"Usog ka nga 'ron," Tinulak niya upuan ko ng marahan. Napakunot ang noo ko. "Bakit ba?"

"Ang sikip kaya."

"Natutulog nga tayong magkayakap magdamag eh?"

"Ehhhh"

Mukha nga. Mukha ngang time of the month niya ngayon. "Love, meron ka?"

"Shut up nga!"

Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi eh. Ang cute niya talaga. Hay. Hindi ko nalang siya kinulit. Tinignan ko naman mga kasama ko. Panay tawanan. Bakit parang 'di naman naming naririnig ni Akeisha tong mga 'to? Wala eh, may sariling world.

"Hoy Luigi! Ano na? Salita!"

"Please guys, no talk to me.. let me alone."

"Ay puta,"

"Malala na 'yang fren mo, Kuya Kiko."

"Hindi ko 'yan kilala, gago."

"Hahahahaha!"

Ba-baliw talaga ng mga kasama ko eh. Hindi ko ba alam ba't nagtagal kaming magkakaibigan. Napakabait ko kaya. Unlike sa kanila.

"Ang tahimik mo yata ngayon, malabs?"

Let me alone daw pero kung makapagsalita sa girlfriend ko! Wooh! Ayos!

Sinamaan siya ng tingin ni Akeisha kaya natawa sila Kairo. "Hahaha! Wala ka pala, Luigi eh."

"Why are your eyes to me, huh? Malabs? Why are your eyes?" Nung hindi pa rin siya pinapansin ng girlfriend ko, nagsalita na naman siya. "Told me, please. I'm beg to you. Why are your eyes to me? Why!?"

"Tol, please 'wag ka na mag-english. Parang awa mo na."

"Pakiusap."

"Guys, I'm fluent in speak. Come on."

Tumayo naman si Kairo at niyaya si Cedric. "Tara na tol, uwi na tayo."

"Hahahaha! Gags!"

LISTEN CLOSELYWhere stories live. Discover now