"O nababawasan niyan ang guilt feelings mo?! Answer me! Why are you suddenly being so kind to me!?" patuloy pa rin ang pagsigaw ko at naririnig kong ume-echo pa iyon sa buong parking lot.

"Dee.. I'll bring you home." marahang saad niya ulit ng hindi sinasagot ang tanong ko.

"Fuck you." bulong ko sabay agaw ng bag na hawak hawak niya.

"Deireen!!" ganting sigaw niya saka hinablot nang muli ang bag na kakaagaw ko pa lang. "Wag ngang matigas ang ulo mo! You are not in the right mind to drive, damn it!"

"Oh I will drive!" singhal ko sa kanya. "And you don't fucking care if I die while I drive!" singhal ko sa kanya.

Pagkasabi ko nun ay agad kong binuksan ang pintuan ng kotse at umambang papasok sa loob ngunit naunahan niya ako.

Hinila niya ako paalis sa driver seat saka dinala sa likod. He strapped me in the seatbelt and then continued his way to the front. Nagkumahog akong makawala ngunit automatic niyang ini-lock ang pinto kaya't kahit anong pagrereklamo ko wala na din akong magawa.

"Stop fussing or I'll bind you with my tie." pagbabanta niya ng hindi lumilingon sa gawi ko. "And put your seatbelt on."

Nawala ang mga luhang nagbabadya at napalitan ang sakit ng galit. Nagagalit ako sa kanya. Gusto kong hayaan niya na akong mag-isa ngunit nanatili siya sa driver's seat hanggang sa makabalik ako sa apartment.

He even scorted me there and used my key to open and close the door. Pero bago pa siya lumabas, he muttered a warning.

"I don't want you going anywhere tonight Deireen Luz. No drag racing and absolutely, no bar hopping." pagkasabi niya nun ay iniwan niya akong mag-isa sa condo unit.

At first I was shocked.

Alam niya kung nasaan ang kwarto ko. Balak ko pa sanang wag magsalita kahit tanungin niya ako kanina, just to spite him kaso dinire-diretso niya ang kinalalagyan ng pintuan ko saka ginamit ang eksaktong susi na para sa lock niyon. As if he's been doing it for a long time!

But the shock was later changed into anger and from anger to numbness.

Ibinalibag ko ang bag, pumunta sa kabinet para magpalit ng damit at lumabas para pumunta sa race.

Kaso wala akong kotseng nadatnan sa dating kinalalagyan niyon. My car has gone missing at hindi ko na kailangang mag-isip pa ng malalim kung anong nangyari sa sasakyan ko.

I smirked when I realized his move. Mukhang nasobrahan ng guilt si Ruzzia sa mga ikinikilos niya. He's being overly meddlesome pero ipapakita ko sa kanya na si Deireen Luz ay hindi kayang kontrolin ng kahit na sino. Kahit ng taong mahal ko.

Sumakay ako ng taxi at pumunta sa bahay namin. It's a good thing na nasa bakasyon pa rin si mommy last time that I texted her.

Pumunta ako sa garahe saka kinuha ang Honda NSX na pina-upgrade ko pa para lang talaga sa drag race. I hopped in it and before I knew it, nakikipagkarera na ako.

"Miss?" ang boses na gumising sa akin kanina ang nagbalik din sa akin sa mundong ginagalawan ko. I dragged my eyes back to him.

"Umalis na ang mga kasama mo dahil may mga trabaho pa daw sila. Do you have any contacts that we can call?"

Wala akong gustong abalahin sa kanilang lahat. I've done more damage to their lives that helped at ayoko nang maging pabigat pang lalo.

"Anong oras na po?" tanong ko na lang.

"Nakatulog ka din ng ilang oras. It's already 6 in the evening."

Napabalikwas ako ng bangon ngunit kasabay niyon ay ang pagguhit ng sakit sa ulo ko at sa bandang dibdib. Mas masakit yung sa dibdib kaya dun ako napahawak kasabay ng mariin na pagpikit.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now