Ngumiti ako at babalik na sana sa mga ginagawa ko nang makita ko siyang nag-aakmang buksan ang pop tab.

"Ruzz wait!!" sigaw ko ngunit huli na.

Nakita ko ang pagdaluyong ng mga laman niyon mula sa lata patungo sa damit na suot-suot niya habang ang iba naman ay napunta na sa sahig. Sa sobrang pagkabigla ay ilalapag niya na din sana iyon sa mesa ngunit mabuti na lang at naagapan ko at hindi nadamay ang mga dukumento.

"Oh my God. Your shirt is ruined."

Agad kong kinuha ang panyo ko sa bag saka pinunasan ang kanyang basang-basang damit. Kulay puti pa man din iyon na ngayon ay nagmistula nang spotted brown dahil sa natapon na inumin.

"Do you have an extra shirt or something? I'll just have to take this and wash it." saad ko sa kanya habang iniisa-isang tanggalin ang mga butones ng kanyang polo.

Natigil ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"I'll do that." hinihingal niyang saad.

Nangungunot ang noong sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya ng office. Pupunta yata siya sa suite niya para magpalit. Sayang naman, hindi ko na malalabhan iyong damit.

Habang wala siya, inayos-ayos ko na din ang nagkalat na mga rootbeer sa sahig. Hindi ko na pinakialaman ang mga papeles dahil baka magalit pa siyang lalo at sibakin ako sa pagiging personal secretary niya.

Narinig kong nag-ring ang telepono sa mesa ko kaya dinaluhan ko iyon matapos itabi ang mop.

"Hello?"

"Deireen.." nakakainis na kahit ang boses niya ay sadyang ginawa para pabilisin ang takbo ng puso ko.

"Baby.. Why?"

"Come up here please. Dalhin mo ang damit ko at ipa-dry clean mo."

"Yes baby!" natutuwang saad ko.

Makakapasok na ako sa bahay niya! Makikita ko na ang kaloob-looban ng pagkatao ni Ruzzia. Ang magiging future na bahay ko sa mga darating na panahon.

"And by the way," saad niya pa. 

"Po?"

"Stop calling me baby. I don't like it."

Yung lobo na kinalalagyan ko kanina na magdadala sa akin sa langit dahil sa sobrang kaligayahan ay parang tinusok ng karayum dahilan para bumulusok ako pabagsak sa lupa.

Ang sakit.

"Ahhh.. O-opo.."

"How many babies do you have anyway! Tss."

Iyon lang at marahas na ibinaba niya na ang telepono habang ako naman ay naiwang nakatitig doon sa pader.

Ano daw? How many babies do I have? Ilan pa ba, e siya lang naman..

Tapos naalala ko yung usapan namin ni Zed kanina na tinawag ko siyang baby Zed. Hindi kaya..

Takte! Hindi kaya nagseselos siya? Napatili ako sa tinatakbo ng utak ko. Hindi kaya nagsisimula na siyang makaramdam ng kakaiba sa akin pero hindi niya pa maunawaan kung ano yun?

Hindi kaya.... 

Hindi kaya nag-aassume na naman ako. Ganito din kasi yung kaninang nangyari e. Akala ko pagseselosan niya si Kier, iyon pala vaklush ang loko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Darating tayo diyan Dee. Mamahalin ka din ng pangarap mo.

Agad akong pumanhik para makarating sa suite niya kaso pagdating ko, hindi ko mawari kung alin sa apat na elevator ang dapat sakyan. Pagkatapos ay kahit anong pindot ko sa apat na andun, wala ni isa ang rumeresponde.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now