"Hi Miss Giana!" bati ko ng makalapit sa lugar na inuukupa nila. May kasama siyang isang matangkad na lalaki na parang model ng Bench sa sobrang gwapo. Nakaharap siya sa akin kaya nakikita ko ang pagsunod niya sa akin ng tingin. Iyong parang kinikilatis ako mula ulo hanggang paa. 

"Dee! Tara kain na. Kumuha na kami ni Kier ng para sayo." saad nito.

"Dee?" biglang singit nung lalaki. Kahit ang boses ay pang-model ang dating. Ang sarap pakinggan!

"Ay! Ito nga pala si Kier, kaibigan ko," pagpapakilala niya sa lalaki pagkatapos ay humarap din siya dito at ipinakilala ako.

Ang gwapo nga! Talagang magseselos dito si baby Ruzzi pag nagkataon. Dapat nga talagang hindi ako makikipaglapit sa kanya.

Halos tumalon ako sa gulat ng biglang tumili iyong Kier. Tumili siya sabay tayo at yakap sa akin ng mahigpit. 

"Oh my gulalay! Ikaw yung Dee? Yung new girl sa opis ni Sir Ruzz? Mamatay ka na babae ka, nakaka-inggit ka naman!" tili niya sa tainga ko. 

Halos malaglag ang panga ko sa pagkabigla. Iyong gwapo na macho na punyetang pagseselosan dapat ni Ruzzia ay bakla pala! Hayop! Paasa! Walang kwenta, ang sarap jumbagin ng feslak.

"Yakap pa Kier? Gusto mo putulin ko si Manoy?" singit nung babae na naiwang mag-isang nakaupo sa mesa na dapat ay inuukupa namin ngayon.

Agad naman siyang bumitaw at umirap.

"Hmp! Akala mo naman kung sino, nakaisa lang sa akin, pag-aari na ako!" maktol niya sabay upo sa dating inuupuan sa tabi ni Giana.

Kahit halos mabilaukan na ako sa pagkabigo, hindi pa rin mawala ang nagbabadyang tawa na gustong kumawala sa aking lalamunan. Hindi kasi ako makapaniwala na ang gwapong lalaki sa harap ko ay isang eba! Ay hindi, Adan pero pusong eba. King ina!

"Ba-ba-ba--" nauutal kong saad.

"Bakla yes! Beki, bakekang, binabae, baklita. Yes, that's me! Iisa lang yan at ako ang lahat ng yan! So proud to be me!" saad niya pa.

Napakurap ako. Hindi pa rin makabawi sa mga nagaganap.

"Meaning--"

"Oo nga kasi. I'm gay, okay?"

"Hindi, I mean, meaning, hindi kayo magka-ibigan nitong si Giana?" naguguluhan kong tanong. "Kasi diba sabi mo kanina, nakaisa na? Meaning?" paghihinging linaw ko.

"Meaning, chismosa ka. Itong pakbet, kumain ka at ng magkalaman naman ang katawan mong payatot." sagot nito saka inilapit sa akin ang isang tray na may gulay. 

Sinamaan ko siya ng tingin kasabay ng tawa na pinakawalan ni Giana.

"Pagpasensiyahan mo na. Bastos yang baklang yan e. Walang karespe-respeto."

"Tumigil ka. Sinisiraan mo na naman ako." saad nito.

"E bakit? Totoo naman kasi.."

"Mamili ka, jumbag o jugjug?"

Nabitawan ko ang kutsara na hawak ko dahilan para gumawa iyon ng ingay sa buong paligid. Ilang empleyado rin ang nagawi ng tingin sa amin bago nagpatuloy sa pagkain.

"Tumigil ka nga Kier! Nasa hapag kainan. Bumuka pa ng isang beses yang bibig mo na yan, susupalpalin kita talaga." banta ng isa. 

Tumirik lang ang mata ng bakla tapos ay nagpatuloy lang sa pagkain.

"Hay naku, so anyway, kumusta ang first day? May nangyari ba?" naeexcite nitong tanong. 

Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa. Nasama na din siguro na madali akong makipagkaibigan kaya nagawa ko ring magkwento ng buhay ko sa kanila. Tuloy, halos hindi ko na nagalaw ang pagkain ko sa mesa habang sila naman ay busog na busog sa mga kwento ko lalo yung tungkol kay Ruzz.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon