"Nakikita mo to Skylar!" saad ko pagkatapos himurin ng bula ang buong bunganga, "nagtotoothbrush ako babae ka!"

Mas lalo kong idiniin yung toothbrush na sa kabutihang palad ay iyong malambot ang bristle. Kung hindi ay baka kanina pa nagdurugo ang gilagid ko sa sobrang inis.

Lumabas ako sa banyo ng nakahubad. Mas gusto ko kasing ang buhok ko ang natatabingan lalo at sa kapal nito, halos mabasa ang carpet ko sa dami ng pumapatak na tubig kapag lumalabas ako ng banyo.

Matapos ang mga ginagawa kong ritwal, kinuha ko ang peach na damit saka isinuot iyon kasama ang black spandex na pamalit ko sa mga black na pencil cut skirts. Ang sa akin lang naman, maganda ang pencil cut pero mas humuhubog ang spandex.

One guy told me that I have this ass that men would kill for, kaya simula noon ay ginamit ko na iyong pang-boost sa confidence.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin bago kinuha ang make-up kit. Hindi naman sa hipon ako, pero sadyang mas kompyansa lang talaga akong lumabas na naka-full gear. Pakiramdam ko kasi, kapag naka make-up at naka style ako ng damit, parang kaya kong harapin ang mundo. It has been my pretend battle gear simula nung tumuntong ako ng kolehiyo sa banyagang bansa.

Natapos ako kakaayos ng bandang alas sais na ng umaga. Sumisilip na ang araw sa blinds ko kaya sa huling pagkakataon, nagkumahog akong sipatin ang aking kabuuan pagkatapos ay lumabas na ng condo.

Alas sais pa lang kaya wala pang katao-tao sa paligid. Ang mga kaulayaw ko lang ay ang mga ugong ng dumadaang sasakyan saka ang takatak ng sarili kong stilleto heels.

Naisuot ko yung peach dahil nawawala iyong kulay itim.

Ang huling ala-ala ko na lang doon ay iyong pagtapon ko sa bar nung masaktan ang paa ko at siguro ay hindi na nakuha pa ni Skye. Ayos lang naman sa akin yun kaso isa yun sa mga paborito ko lalo at sa loob ay pinalagyan ko iyon ng name print ni Ruzzia.

Ang totoo niyan, ang mga paborito kong gamit ay pinatatakan ko ng pangalan ni Ruzz.

Ewan ko ba, ginayuma siguro ako ng mokong na yun at ganito na lang ang obsession ko sa tao. Nakakapraning.

Kaya siguro kung halos pa lang ay ipagtulakan at ipagtabuyan niya na ako. Ay hindi pala halos, talagang pinagtutulakan at pinagtatabuyan niya na ako. I am longing for something permanent with him while he is busy looking for the temporary.

Coz with Ruzzia Montereal, I am not looking for something temporary. My goal is permanence. The thing that they call forever.

Binalingan ko ang kotse ko na nakatambay sa tabi pagkatapos ay nilakad ang distansiya sa pagitan namin. Pagkapasok ko, pinaandar ko na iyon at pibaharurot papunta sa Empire.

Pagdating ko sa Empire, dumiretso ako sa office saka inihanda ang kape na dinaanan ko sa Starbucks. Gumawa na din ako ng good morning note na ididikit doon. Pinag-iisipan ko pa kung lalagyan ko ng i love you kaso baka mabad-trip na naman siya sa akin kaya pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pagtadtad nun ng mga ginuhit na puso.

Sunod ay inayos ko ang kanyang mga gamit kahit lahat naman dun ay nasa tamang pwesto. Mukhang isang control freak ang baby Ruzzi ko. Sadya nga talagang magkalayo ang ugali namin.

Inilabas ko na din ang picture frame ko saka inilagay sa desk niya. Pagkatapos ay nagsimula na din akong ayusin iyong sa akin.

"Ang gwapo mo!" mahinang bulong ko habang hinihipo ang larawan ni Ruzzia na nakalagay sa kaparehong picture frame na inilagay ko din sa table niya. This way, para kaming may couple frame. Nag-iisip din ako na magpapagawa ng couple shirt at couple caps para kompleto ang set up namin.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon