CHAPTER 35

120 3 0
                                    

Dahil sa kawalan ng magawa sa shop at sa kawalan ng makakausap ay naisipan kong lumabas ng opisina.

Nakita ko ang isang staff ko na nasa may counter, nilapitan ko ito. "Nana, asan sila pandak at alien?" Tanong ko rito.

"Umalis po si Ateng Alien. Si Ateng Pandak po di pa pumapasok mula kahapon." Sagot nito at agad na ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.

Tumango ako at saka inilibot ang paningin sa paligid. Wala namang nagbago maliban sa expansion ng shop, tsaka mas dumami pa ang staff namin kesa dati. May kasama na rin si Kyungsoo sa kusina. Sa lumipas na taon ay mas bumubuti ang kalagayan ng business namin. Maliban na lang sa dalawang iyon na hindi ko maintindihan.

Naisipan kong bisitahin si Namjoon sa opisina nito, wala kasi akong magawa dito eh.

Halos matigilan ang mga taong nadadaanan ko sa lobby pa lang ng building nila Namjoon. May dumaan kasing dyosa. Wala sa loob na napapangiti ako. Eh sa ganda ko eh, hahahaha.

Malapit na ako sa opisina niya ng makarinig ako ng mga tinig mula sa loob. Syempre, aarte pa ba ako eh numero unong usisera ako kaya naman dahan dahan akong sumilip. And there they were.

Walang pag-aatubiling binuksan ko ang pinto. Bakas sa mukha ni Namjoon ang gulat at halatang naasiwa naman si Katie. Tinaasan ko sila ng kilay at lumapit agad kay Namjoon kasabay ng mabilis na halik sa labi.

"Hi." Matipid kong sagot. "Looks like... Your busy." Kibit balikat kong saad.

Agad na nagpaalam si Katie. Pero bago ito tuluyang umalis ay lumingon ito sa kanya at may kakaibang galit sa kislap ng mga mata nito. Madapa ka sanang kalansay ka.

"What brings you here?" Tanong ni Namjoon kasabay ng paghaplos sa maliit na umbok ng tiyan ko.

Tinaasan ko ulit siya ng kilay. "Just visiting you. Wala akong magawa sa shop eh."

He laughed. "Ohhhh. Bakit di ka na lang naglibot sa mall?"

"Pinaaalis mo na ba ako?" Malungkot kong tanong. Wag niyang sabihing ayaw na niya akong makita dahil pag nagkataon ay makakarate ko ang nilalang na tinubuan ng dimples. Bestfriend na kami ni Sandy at Spongebob.

He laughed again, with amusement this time. "No. Nagsusuggest lang naman ako." Lumapit ito sa akin niyakap ako mula sa likuran. "Isa pa..." His voice becomes husky this time. I knew it! Alam ko ibig sabihin nito. "I might not hold myself this time. Baka..." Then he leaned his face to my shoulder and I felt his lips kissed my sweet spot on my shoulder. "Di ko mapigilan, your damn hot right now." He he looked turned me around to face him and then he kissed me hungrily.

Yeahhh. Namjoon the monster, here he comes.

Before I could return to his kisses, he stopped immediately. "Just sit down.  Ill just need to finished somethings. Tapos aalis na tayo." He said then distanced himself. I smiled. Puputok na nagpigil pa rin.

Nakaupo na siya sa swivel chair niya ng muling magsalita. "Kamusta ang hita mo? Masakit pa ba?" May pag-aalala na tanong niya.

Umupo ako sa couch na nasa gilid ng opisina malapit sa bintana. "Medyo. Saka makirot din. Pero okay lang."

"Bumalik kaya tayo sa ospital. Baka kung ano na yan?"

Umiling lang ako. Pinairal na naman niya ang pagiging sobrang maaalalahanin. "Okay lang. Ikaw ang dapat magpatingin sa doktor. Mukha kang magkakasakit eh."

Nitong mga nakalipas na araw ay halos hindi na nakakatulog pa si Namjoon. Puro trabaho. Halos wala ng pahinga. Paulit-ulit niyang nirereview ang proposals ng kompanya para kay Mr. Choi. Daig pa niya ang estudyanteng magtatake ng board exam.

Ngumiti lang siya pero halata ang pagod sa mukha niya. "Im fine. Dont worry." Pilit na pinagsigla ang boses na sagot niya.

Masusi ko lang siyang pinapanood habang nagtatrabaho.

Di ako makapaniwala na ganito na siya ngayon. Dati rati isa lang siyang estudyante na walang ibang ginawa kung hindi ang buwisitin ako sa klase. Kulitin ako at kausapin ng kausapin. Nang maging kami, akala ko fairytale. Siya ang prince charming, ako ang princess.

Pero nagkamali ako. Dahil walang prince charming ang mananakit sa princess niya. Taon ang lumipas at akala ko...akala ko okay na ako. Nakamove na. Pero akala lang pala. Dahil nang bumalik siya. Bumalik din ang lahat ng sakit at pagmamahal.

Tapos ngayon ito na. Kasal na kami at magkakababy pa. I couldnt ask for more but the happiness and strongness of our marriage.

"Jin." Bigla akong napatingin kay Namjoon. Nakatayo siya ngayon sa harap ko.

"Bakit?"

"I said lets go." Nagtatakang sagot niya.

Tumango ako at saka inalalayan niya akong makatayo. Paglabas ay nakita kong nakasimangot si Katie. She looked pissed off. Tinaasan ko lang siya ng kilay. I shouldnt be threaten with her. Namjoon is MINE.

Pagkauwi sa bahay ay agad na sumalampak si Namjoon ng higa sa kama. He really looked tired. Lumapit ako at dahan dahang minasahe ang noo niya.

"I love you." Nagulat ako sa sinabi niya. Nakapikit pa rin siya.

Minsan talaga di ko siya mapredict. Bigla bigla na lang akong pakikiligin nang hindi ko namamalayan.

"I love you." Ulit niya. I smiled.

"Dapat bang mag 'I love you, too' ako?"

"Di na. Alam ko namang patay na patay ka sakin." Still, nakapikit pa rin siya.

Tinapik ko ang noo niya ng mahina. Saka lang siya tumawa. "Yeah, your supposed to say I love you, too. Pero di na kita pipilitin kung ayaw mong magsalita." Nakapikit pa rin siya. His dimples are slowly showing off now.

Imbes na magsalita ay hinalikan ko na lang ang noo niya, pababa sa ilong hanggang sa labi. "Wag mo kong dramahan, hindi bagay." Before he could utter a word, I claimed his lips and kissed him in a sweetest way...

NAMJOON'S

Pagkatapos mapirmahan ang lahat ng mga papeles na nasa mesa at patamad kong inihilig ang likod sa sandalan ng upuan. Sobrang pagod ako at sumasakit pa ang ulo ko.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising lang ng maramdaman kong may humahaplos sa balikat ko. Pagmulat ko ay nagulat akong si Katie ang nakita ko.

She's smiling like... Ewan. Agad akong tumayo at lumayo. "Ano bang problema mo, Katie?" Di ko na itinago ang iritasyon sa boses. Iilang beses na bang ganito siya. Pakiramdam ko mararape ako ng wala sa oras sa babaing ito.

She looked at me confused. "I want you Namjoon." She exclaimed.

Bakit nga ba hindi ko siya sesantihin? Well, nakiusap siyang kailangan niya ng trabaho para mabuhay dahil walang iniwan ang namatay niyang asawa sa kanya kahit pa mayaman ito. Dahil sa awa kaya ko siya hindi sinesante. Pero bakit ganito ang isinusukli niya? Halos lantaran na kung makapangahas siya sakin. At sumusobra na siya.

"Your fired, Katie." Walang pag-aalinlangan kong saad.

Bigla nangunot ang noo niya. "Bakit!!! Mahal lang naman kita Namjoon. Sa simula pa lang dapat ako na ang nasa kalagayan ni Jin. Hindi siya kung hindi ako ang dapat na asawa at kasama mo ngayon!!! Lahat kaya kong gawin!" At bigla niya akong sinunggaban ng halik at dahil sa sakit ng ulo at pagkahilo ay bigla akong natumba. Bumagsak ako sa malamig na tiled floor at nakadagan siya sakin.

Pilit ko siyang inaalis sakin kaya naman halos bumaon na ang kuko niya sa balikat at leeg ko. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si...Jin?

----
Updating without editing. Pasensya na sa kinaya chingudeul.

DANGER (NamJin FanFic)Where stories live. Discover now