CHAPTER 13

133 4 0
                                    

JIN'S POV

Bumalik na ang lahat sa dati, nandito na ulit si Taehyung, pero matagal ko nang napapansin na hindi na nagpapansinan sila alien at pandak.

"May problema ba, mylabs?" Tanong ni Namjoon na bigla na lang akong niyakap mula sa likod. He even smelled my neck, that makes me shiver. Nakikiliti kasi ako. Taglandi na naman ang bebelabs ko.

"Wala naman. Medyo napapansin kong di nagpapansinan sila Tae at Jimin. May problema kaya sila na di sinasabi sakin?" Sagot ko naman habang pinaglalaruan ang mga daliri niya na nasa may tiyan ko. He only hummed and continuied to smell me. He started to kiss my neck pero inawat ko siya.

"Dont. Nasa shop tayo, Namjoon." I chuckled.

"Pero nasa office naman tayo eh." He answered childishly. Lalo akong natawa. He tighten his hugged and just lean his chin over my shoulder. Minsan ito talaga ang namimiss ko kapag hindi kami nagkikita. Yung simpleng gestures lang niya pero nagagawa pa rin akong mapakilig nang sobra.

"San mo gustong magvacation?" He asked after a few moments. Humiwalat ako sa pagkakayakap niya at saka siya tiningnan.

"Bakasyon? Pero diba busy ka pa sa trabaho mo?" Tanong ko bigla. Sumandal siya sa desk ko at hinila ako sa kamay ko papalapit sa kanya.

"Yap, busy pa nga. Kaya nga magpaplano na tayo ngayon para kapag di nako busy, makakaalis agad tayo." Nakangiting sagot niya. I sighed. Minsan talaga kapag may gusto siyang gawin, walang makakapigil sa kanya.

May narinig kaming pagkatok kaya naman napaalis ako sa pagkakahawak sakin ni Namjoon. Si Jimin pala yun.

"Bakit Jimin?" Tanong ko. Pumasok siya at napansin ko agad na nakasimangot siya , sabay tingin kay Namjoon. These passed few days, pansin kong lagi siyang aburido at daig pa ang nagmemenopause eh.

"May gustong kumausap sayo, Jin. Nagrereklamo sa pagkain."

Pagkasabi niya nun ay agad akong napalabas ng office. First time na may nagreklamo samin. Pagtingin ko sa mga customer, isa lang ang nakaagaw ng pansin ko-si Yoongi. Anong ginagawa ng isang to rito?

"Siya yun." Turo ni Jimin kay Yoongi. So siya pala. Nagmartsa ako papunta sa kanya.

"Excused me, Yoongi. May problema ba sa foods namin?" Magalang na tanong ko pero deep inside gusto ko siyang balatan at ihalo sa kumukulong tubig. Banas eh!!!! Kakasira ng araw ko.

"Oh wala naman. Gusto lang talaga kitang makausap. Upo ka." Nakangiting sabi niya. Umupo ako para wala ng gulo. Uminom muna siya sa tasa niya bago nagsalita. "So, Jin. Kamusta kayo ni Namjoon?" He asked. He looked at me straight in the eye, as if he wants me bury right now.

"Okey naman. Doing fine. Ikaw ba?" Sarcastic kong sagot. May feeling akong gusto kong ipagmalaki na nasakin na ngayon si Namjoon. He smiled. A sad smiled.

"Ito, gusto ko ng magpakamatay. Ang sakit na kasi." Sagot niya sabay higop sa tasa niya. Di ko alam kung maaawa ako o maiinis sa kanya ngayon. Napabuntong hininga ako. Gusto ko ng umalis sa kinauupuan ko pero parang may pumipigil sakin.

"Jin. Mahal mo ba talaga si Namjoon?" He asked using a tone of someone who was defeated.

"Oo naman. Ikaw ba?" Tanong ko rin. Parang ang tanga ng tanong ko ah.

"Oo naman. Kaya nga magpaparaya ako. Para sumaya siya." Pagkasabi niya nun ay agad siyang tumayo at nagiwan ng pera sa desk. Nakatulala lang akong nakatingin sa papalayong si Yoongi. Tumayo ako at parang wala sa sariling pumasok sa office. Napaiyak ako pagkakita ko kay Namjoon na nakaupo sa couch habang nagbabasa ng mga files sa office. Napatingin agad siya sakin at saka ngumiti. Lumapit ako at niyakap ko siya. Di ko alam bakit ako umiiyak, pero di ko mapigilan, lalo na ngayon na nasa harap ko siya at kayakap.

"Hey, mylabs. Anong problema?" Takang tanong ni Namjoon, habang hinahagod ang likod ko. "Nagalit ba yung nagrereklamo?" Tanong niya ulit. Umiling ako at saka tumingin sa kanya. I cupped his face and gave him a peck on the lips.

"Si Yoongi, he let you go." Mahina kong sagot. He only smiled and kissed my forehead. "Now, lets talked about our vacation." He said.

Im only looking at Namjoon, who was busy talking to those places he went. I just stared at him, as if he would dissappear if I lose my sight on him. I dont know but Im loving him even more and more. Parang sa sobrang sagad, I might end up losing myself if I ever lose him.

DANGER (NamJin FanFic)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu