String #10 (Miracle)

Mulai dari awal
                                        

"Shin! San ka pupunta?" Naglalakad na lang sya palayo kaya hinabol ko sya. Nakita kong papunta sya don sa may stall kung nasan yung baboy. 

"Magkano yang baboy na yan? Bibilin ko." Tanong nya.

"Sir, hindi po pwedeng bilhin. Kailngan po bumaril kayo ng 50 sundalo sa loob ng dalawang minuto para makuha nyo yan as a price."

"Tsk. Eto...." Nagbayad sya tapos kinuha yung baril na gagamitin. Teka nga, ano bang ginagawa ng lalaking 'to? Gusto din ba nya nung baboy? Waaa! Aagawan pa nya ko! Traitor! T____T

Nakita kong nagaattract na sya ng maraming tao. Halos puro babae yung lumalapit sa stall.

"Uy! Ang gwapo  ni kuya oh!

"Kaso parang taken na. Kasama yata nya yung girlfriend nya e."

"Hayaan mo na! Panuorin na lang natin! Di naman masama e."

Wait. Ako ba yung tinutukoy nila? EW. 

"Your time starts..... now!"

Nagsimula nang barilin ni Shin yung mga laruan. Wow, in fairness, ang galing nya. Sandali lang, nakaka30 na yata syang sundalo. Ang astig lang ng itsura nya. Para syang si Lee Minho sa City Hunter. >////<

"Wow! ang galing ni Kuya! Swerte naman ng girlfriend nya saknya!"

"Oo nga! Gwapo na, ang galing galing pa!"

"Kung di lang taken 'to, magaapply na kong girlfriend nya! hihi"

Ay. Lantuds naman. Hirap talaga pag may kasama kang gwapo we. Pero hindi naman talaga sya gwapo, mukhang gwapo lang talaga. HUH? Ano daw? Pakitranslate. Haha

Wala pang 2 minutes pero nakabaril na sya ng 50 sundalo. Tapos binigay sknya nung may-ari yung stuffed toy. Parang nabasag yung puso ko. Nahaheart broken ako <////3 Hindi ko na nga nakuha yung baboy, tapos sknya lang pala mapupunta. Gusto kong hablutin yung baboy sknya tapos itatakbo ko palayo. Tumalikod na lang ako dahil ayokong makita ang gantong scene. Mangaagaw talaga sya! 

"Sayo na yan. Kala ko maganda, di naman pala.." Inabot nya sakin yung stuffed toy na baboy tas naglakad na sya palayo. Waaaaaaaah. Totoo ba 'to? Pakipitik naman ako sa noo. Hulog ka ng langit, Shin! Ok, ngayon ko lang 'to sasabihin dahil binigay nya sakin yung baboy. Hinabol ko na sya habang may ngiting tagumpay sa mga labi ko. 

"Ayaw mo talaga nito? Sige ha! Wala nang bawian!" Wala na talagang bawian. Kahit bawiin nya, di ko na ibibigay. BWAHA! "Hi Miracle! Yon na ang tawag ko sayo, little piggy ha. Mukha ka namang babaeng baboy, kaya ayos na yon. ^___^ Ok ba name mo?" Ginalaw ko yung ulo nya tapos tinango. "Good, buti nagustuhan mo." 

"Baliw." Epal mo Shin. Kundi mo lang binigay tong si Miracle sakin, magaagaw buhay ka sa ospital. 

Kaya Miracle pangalan nya, kasi milagro na binigay sakin ni Shin yung baboy, kahit halatang bitter sya. BWAHAHA!

Dahil wala naman kaming ginagawa, at maaga pa naman, sinulit na namin yung binayad namin. Sumakay na kami sa iba't ibang rides. Kaso parang ako lang naman yung nagsasaya. Salita ako ng salita pero sya, no comment lang. Tili ako ng tili habang nasa roller coaster kami, pero sya parang nakasakay lang sa bus. Imba!

"Oy Shin. Nasan na ba yung kadate mo ha?'

"Umuwi na."

"Bat naman?"

"Kailngan daw sya ng papa nya. Problema sa business."

"Ohhhhhhh."

Sumakay pa kami sa mga rides. Naubos na nga yata yung laman ng wallet nya dahil pabili ako ng pabili ng kung ano-anong pagkain e. Hehehehe. Sorry sya, wala akong dalang wallet. Buti nga napapayag kong ilibre ako e. Himala. 

Pero sa totoo lang, blinackmail ko talaga sya. Sabi ko, ipagkakalat ko sa lahat na nagdate kami kung hindi nya papakainin ang nagwawala kong mga intestines. At yon, pumayag! Ayaw daw nya maissue na kasama ako. Hindi ko nga alam kung maiinsulto ako o matutuwa, pero hamu na. At least libre! Mwahaha!

Halos 4 na oras na kaming naglalakad at sumasakay sa mga rides. Hindi na ko makalakad ng maayos, namamaga na yung paa ko. Size 7 kasi ako, pero yung nasuot ko pa lang sapatos eh yung pinaglumaan ko. Eh size 6 lang yon. Tanga lang eh.  Pero syempre, hindi ko pinahalata kay Shin. Ayoko sa lahat yung pinag-aalala yung ibang tao. Kaso feeling ko konti na lang, bibigay na ko..... Naglakad lakad pa din kami for 30 minutes.. Wala yatang kapaguran 'tong taong 'to! Napapangiwi na ko sa sakit. Hanggang di na ko makatiis..

"Shin. Upo muna tayo."

Syempre hindi nanaman sya nagsalita. Simula nung ibigay nya sakin yung baboy, tahimik na lang sya. Bitter siguro. Mehe~

Umupo kami sa malapit na bench. Mejo inalis ko yung paa ko sa doll shoes na suot ko para hindi masyadong mamaga. Tinignan ko yung paa ko, pulang pula na pala. Gusto kong hawakan kasi sumasakit na talaga, kaso mahahalata naman ni Shin. 

"Punta lang ako sa restroom.." Patayo na sana ko ng bigla nya kong hinila paupo. Tapos lumuhod na lang sya bigla at tinanggal yung sapatos ko.

"Sh---shin. A-no ba yang ginagawa mo. Bitawan mo nga yung paa ko! Sisigaw ako ng manyak dito!" Hinahawi ko sya pero patuloy pa din sya sa ginagawa nya. 

"Magang maga na yang paa mo."

"Alam ko. Di ako bulag. Wag mo nga akong pakelaman!" 

"Bakit ba ayaw na ayaw mong sinasabi kapag nasasaktan ka na. Lika na, iuuwi na kita....." Kung makapagsalita naman 'to, para bang kilalang kilala na nya ko. -___- Gusto ko na ding umuwi kaya sinuot ko na yung sapatos ko at papalakad na.

"Tch. Kita nang magang maga na yung paa. Pumasan ka sa likod ko."

"Huh? Ayoko nga! Baka kung ano pa isipin ng ibang tao. Baka may makakita pa sating taga BA. Diba ayaw mong maissue tayo?" Paika ika pa din akong naglakad palayo. 

"Ayaw mo ha.."

"Waaaah! Shin! Ibaba mo ko! Shiiiiiiiiiiiin!!" Grabe 'tong lalaking to! Bigla bigla na lang akong bubuhatin. Tintignan na kami ng mga tao. Pwede na bang maglaho? Ipalamon nyo na ko sa lupa. >___< Para kaming bagong kasal. Dapat pala pumayag na kong pumasan kesa buhatin nya ko ng paLover's carry. ToT

Nang makarating kami sa kotse nya, binaba na ko sa passenger's seat.

"Ipahinga mo paa mo....."

Pinaandar na nya ang gwapong gwapo nyang kotseng Lambourghini Gallardo. Iba na talaga pag mayaman! Sunod sa luho. Tahimik lang kami, walang gustong magsalita. Unaunahan na lang mapanisan ng laway. Haha. 

Walang pasabi, bigla na lang umulan ng malakas. As in malakas. Ang lakas lakas din ng hangin. Parang ga-munggo na nga yung patak ng ulan e. Binuksan ni Shin yung radio para makinig sa balita...

"Mga kabaranggay, magiingat po kayo, lalo na yung mga nasa kalsada. Pumasok na po sa Pilipinas si Bagyong Denya. Mainam kung mananatili na lang kayo sa kanya kanya ninyong tahanan. Ingat, mga kabayan!"

WHAT?! Anakngtinapa! Malayo pa ang hotel namin. Mga 15 minutes pang byahe. At kitang kita ko na delikado na nga kung babyahe pa kami.

"Shin, pano 'to? Malayo pa ang hotel namin. Delikado na."

"Malapit lang yung bahay ko. Don kna muna tumuloy."

"ANO?! Ayoko!"

"Simulan mo na ang paglalakad pauwi sainyo."

T_______T

Ang sama! Paglalakarin ako, eh bumabagyo na nga. Lagot sakin yung dalawang magkapatid na yon! Dahil sakanila kung bakit nangyayari 'to e. Bibigyan ko ng tigisang kutos yun kapag nagkita kami!

"M-may... ibang tao ba senyo?"

"Wala."

I'M DOOMED. Lord, sagipin nyo ko! Paano na lang kung matempt sya sa kaseksihan ko at kuhanin ang V ko? Oh nozzzz! Bata pa ko! T_____T 

"Wag kang assuming. Di kita pagnanasaan."

Ay galing? Nabasa yung isip ko? Haha. Mas ok na nga sigurong don muna ko sakanila, kesa maaga kaming mamatay....

Strings of FateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang