"Omg! Oppa! Papunta na kami jan!"
"CNBlueeeeee!!!!"
"WHAT?! NANDITO ANG CNBLUE?!" Nagtinginan yung magkapatid tapos naghawak ng dalawang kamay.
"Halika na! Di natin to pwedeng mamiss! Ikamamatay ko kung mamimiss ko 'tong opportunity na 'to!" - Gorje
"Hintayin nyo kami CNBlue!" - Allison
And with that... Naiwan akong nagiisa. Guys, nakalimutan nyo bang kasama nyo ko? T____T Uuwi na nga lang ako. Naglakad lakad ako hanggang feeling ko nalibot ko na yung buong park. Bakit ba hindi ko makita yung daan palabas? Hopeless case na 'to Elle.
Tama! Cellphone! Papasundo na lang ako kay Manong Jerry. KInapa ko yung cellphone sa bulsa ng costume ko.
WAAAAAAH! Nawawala. Yung tanging pag-asa ko, nawala ng parang bula! Baka nalaglag nung nabunggo ako nung mga bata kanina. Pano na ko nito.
Naupo ako don sa may bench malapit sakin. Tinanggal ko na yung costume ko since may iba pa kong damit na suot sa loob. Nangalumbaba na lang ako, umaasa na may taong mahuhulog sa langit na sasagip sakin sa islang 'to. Ay OA 'te? HAHA. At nagsimula nanaman ako magmonologue...
"Dito na kaya ako mamamatay sa park na 'to? Wag naman sana. Madaming iiyak na boys."
"Boys? Bat naman sila iiyak dahil sayo?"
Napalingon ako sa taong katabi ko. O____O Anong ginagawa nito sa tabi ko?
"Grabe na pala yang kakapalan ng mukha mo. Di mo try ipaFacial?" Pigilan nyo ko, uupakan ko talaga 'tong asungot na 'to.
"Teka nga. Bat ba nandito ka? Diba may kadate ka?"
"Huh? Paano mo nalaman na may kadate ako? Stalker talaga kita. Aminin mo na." He smirked.
"A-ano.. Sinabi sakin nung magkapatid. Alam mo naman yung mga yon... Tsismosa." Whew. Nadulas ako don. Pero parang walang kwenta naman yung dinahilan ko sknya. -___-
"So interested ka pala sakin?"
"Mukha mo!"
"Teka nga.. ano bang ginagawa mo dito? Bat magisa ka lang?"
"Ano bang pake mo. Ituro mo na lang yung daan palabas, matuwa pa ko sayo!"
"EH kung ayoko?" Ngumiti syang nakakaloko.
"Eh kung ipahalik ko kaya sayo yung lupa?"
Tumayo na sya tapos naglakad. Sumunod na lang ako kasi ayoko namang dito na mamatay. Naglakad lakad kami ng mga 10minutes hanggang napansin kong paikot ikot lang kami.
"Oy Shin! Nasan na yung daan palabas? Mukhang pinaglololoko mo lang ako we!"
"Sino bang nagsabing ituturo ko sayo yung daan?"
Waaaaaah! Ilayo nyo po sakin 'tong lalaking 'to at baka sapian ako ng demonyo!
*ting!*
Biglang nagliwanag yung mga mata ko. Sa isang stall, nakita kong may nakasabit na stuffed toy na baboy. Sobrang kyoooooooooooot! Kaso hindi naman pwedeng bilhin e. Kailngan mo munang barilin yung mga sundalong laruan para makuha mo yon. Haaaaaaay.
"Ano ba yang tinitignan mo? Tignan mo nga yang itsura mo. Parang pasan mo yung mundo."
"Wala. Lika na..."
Hay. Wala na ko sa mood. Nakayuko na lang ako habang naglalakad. Gusto ko talaga nung baboy na yon. Kaso malabo namang kunin ni Shin para sakin yon. T____T Ang malas ko naman talaga.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #10 (Miracle)
Start from the beginning
