"Pwede bang magpapicture? Fan kasi talaga ni Sherlock 'tong anak ko." Tanong nung mommy samin.
"Ummm. Sure po." Sabi ni Allison, na nagboboses lalaki. Lalaki si Sherlock, so kasama 'to sa disguise. I think.
"Lika dito, cutie pie." - Gorje
Tapos yon, nagpicture picture nga kaming tatlo.
"Thank you, Sherlock 1, 2, 3!" Nagwewave yung bata samin habang paalis na sila nung mommy nya.
"Shin! Lika, papicture tayo! #1 fan ako ni Sherlock!"
Ohshit lang. Wag mong sabihing......
"Pwede ba kaming magpapicture?" Tanong nung babaeng kadate ni Shin. Napatingin ako sa kamay nung babae na nakahawak sa kamay ni Shin. Bumitaw naman si Shin. Tapos biglang kumunot yung noo habang nakatingin samin.
"Have we met?" tanong nya habang nakatingin ng mapanuri.
"Uhhh. N-no. I dont think so. Lika, picture na tayo!" triny ko magimitate ng boses lalaki to the best of my abilities. Kaso, feeling ko boses palaka ako. Kung nagsasalita man ang mga palaka. -____-"
"Ako na magpipicture!" - volunteer ni Allison.
Binigay ni Shin yung camera nya.
Ganto yung pwesto namin:
Ako, Shin, yung girl, Gorje
"One, two, three....."
"AAAAAAAAAAAAAAAH!"
"Smile!"
"Ayan. Eto na camera nyo!"
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa mga mata ni Shin. Feeling ko nanigas na ko sa pwesto namin ngayon.
"Oy! Mag-iingat nga kayo kung maglalaro kayo ng skateboard dito sa park!" Sigaw ni Shin don sa mga batang dumaan at nasanggi ako.
Para akong nakahiga para hawak hawak ako ni Shin. Para kaming sumasayaw, yun nga lang, yung position namin eh yung ending pose. Ayokong makita kung ano itsura ko ngayon. Jusko Lord! Bwist na mga bata yan! Wag nyong sabihing napicture-an yon?! Aaaaah. Gusto ko nang maglaho!
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Shin.
Tumayo na ko bumigla. "Oo naman. Kala mo sakin, babae? Di ako weak no!"
"Talaga lang ha?"
Umiwas ako ng tingin. "O-oo naman! Lika na Sherlocks! Madami pa tayong mga batang dapat pasayahin!" Sabay hila ko sakanila bigla. Nang makalayo na kami, biglang nagtawanan yung dalawa.
"HAHAHAHAH. You're face was priceless, Elle!" banat agad ni Allison habang nakahawak sa may tyan.
"Sakto yung pagkakabunggo nung bata! Kuhang kuha sa camera ni Shin!" Makahalakhak naman tong si Gorje. Sana pasukan ng langaw yang mga bunganga nyo!.
"WHAT?! Bakit hindi mo dinelete?"
"Eh hindi naman namin camera yon e." -Gorje
"Psh. Uuwi na nga ako." Naglakad na ko palayo.
"Wait, Elle! Di pa tapos yung date nila. Sayang naman kung di natin makikita yung buong nangyari."
"So? Wala naman tayong mapapala. Buti sana kung magkakapera tayo dahil sa ginagawa natin na 'to."
"Hmmm. Sabagay." - Allison
"Lika na nga." - Gorje
"Kyaaaaaa! Nagpeperform daw yung CNBlue sa may center stage!"
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #10 (Miracle)
Start from the beginning
