30: Twist of Fate

Start from the beginning
                                    

“Nag-aalala lang ako kay Kuya Lee. Ayoko kasing makatuluyan niya ang isang Chloe. Kaya mas mainam nang makahanap si Chloe ng ibang lalaki para hindi matuloy ang kasal nila ni Kuya.” Sagot niya sa akin.

“What do you mean?” medyo confused na ako.

“Si Ma’am Chloe at Kuya Lee kasi ay naka-fixed marriage na sa pamilya namin. Mapapawalang bisa lang ito kung magback out si Kuya Lee. Sa palagay ko, ang tanging paraan lang para magquit si Kuya Lee ay kapag nakahanap ng ibang lalaki si Ma’am Chloe. That’s it. No wonder…  Si Sir Rye na siguro ang ipinakilala ni Ma’am Chloe kay Lee. Kaya nga na-cancel na ang kasal.”

Sa haba ng explanation niya, ang tanging naintindihan ko lang ay: Kailangang magkaroon ng boyfriend ni Chloe para hindi matuloy ang kasal nila ni Lee. At nangyari na nga.

“Last day nga, nasalubong ko si Ma’am Chloe. Namamaga na ang mata niya kakaiyak. Pa’no kasi, sinugod siya ng Mama niya sa school dahil sa cancellation ng kasal nila ni Lee. Galit na galit nga ‘yung Mama ni Ma’am Chloe.”

“Eh what happened sa Kuya mo?” tanong ko. Mas lumapit ako sa kanya dahil medyo complicated ang kwento niya.

“Si Kuya Lee na mismo ang nagquit sa kasal. Tinigil niya na rin ang paghabol niya kay Chloe dahil alam niyang masaya na ito kay Sir Rye. Ang complicated, ‘di ba?” tanong niya sa akin.

“Kahit kelan, wala ng nagawang mabuti si Chloe. Buti na lang, hindi siya ang nakatuluyan ng Kuya mo.”

Kaya lang. Si Rye naman ata ang nakatuluyan ni Chloe. Well. Pero wait, si Lee? Siya siguro ‘yung nakasabay ko sa isang waiting shed… ‘Yung lalaking nagpakilala sa akin nang isang gabing umuulan…

“Ang gulo ng pamilya namin no?” sagot ni Denise. “Actually, okay naman kami noon, nang hindi lang ipinilit nila Mama at Papa si Chloe sa buhay namin. Palibhasa, alam nilang patay na patay si Kuya sa babaeng ‘yon, kaya mismong magulang ni Chloe, sinuyo nila para ipaubaya si Chloe kay Kuya.”

“Siguro. Hayaan na natin. Baka. Baka hindi lang talaga si Chloe at ang kuya mo ang tinakda.”

“Sana. Sana nga hindi na sila. Sana. Kaya lang. Sorry nga pala sa nangyari sa inyo ni Sir Rye. Nakikiramay po ako,” sagot niya sa akin.

“Adik. Hindi mo naman kasalanan ‘yon. Sadyang may isang bacteria lang ang pumasok sa utak ni Rye, kaya niya siguro ako iniwan.” Sagot ko naman.

“Pero. Don’t lose hope. May mga bagay na sadyang bumabalik sa dapat nitong kinalalagyan.”

“Sana. Pero, mas naniniwala na ako sa kasabihang mas masarap mag-isa. Mas konti lang ang problema.”

“Alam mo. Ate Bec, ipagdarasal kong mameet mo na ‘yung taong tunay na magpapahalaga sa’yo.”

“Sana naman magkatotoo na ‘yan,” at nginitian ko siya.

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now