Chapter Eleven

577 13 1
                                    

-Uniform Date-


"OWS DI NGA?!"

"Ay p*ta! Seryoso ako dito tapos ARGH!!" Ginulo niya ang buhok as a sign of frustration. Ewan ko pero imbes na matakot ako dahil mukha siyang bubugbog ng tao, ayun nagawa ko pang ngumiti ng parang aso.

Hawak hawak niya ang itim niyang buhok at dahil inis na inis siya ay parang gusto niyang kalbuhin ang sarili kaso ako? Titig na titig sa kung paano magflex ang kamay niya. Kung paano niya itakbo ang daliri niya sa kanyang ulo, kung paano niya ipikit at ipress ang labi niya, kung paano niya dahan dahang singhutin ang hangin tapos ibuga ulit. Ang hot.

OH MY GEEZ!

Ano ba itong iniisip ng utak ko?! Kailan pa ako naging ganito kaobservant na pati paghinga ineexamin ko?! Hay, nasisiraan na ata ako.

Napamulat ako sa katotohanan ng hinawakan niya ang pulso ko at hinila sa sasakyan nakahilera sa gilid ng daan.

"Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo" Saka niya pinaandar ang kotse.

Putek! Wala talaga akong kawala sakanya na kahit gaano pa ako mag-isip ng pwedeng ipalusot o umangal sa utos niya, ay sakanya't sakanya parin ang bagsak ko. Napangiti ako sa naisip.

Matagal tagal 'rin ang katahimikan hanggang sa naisipan ko itong sirain.

"Ah eh.. San tayo?" Nahihiya kong tanong pero 'di mawala ang kislap ng mata ko. Kung wala lang siya siguro kanina pa ako tumatalon sa saya! Gustong gusto ko lumabas kasama ang iba. Hindi naman sa ayaw ko kasama si Beshy, ang point ko lang gusto kong lumabas kasama..

Siya..

"Dati." Panimula niya kaya sakanya agad atensyon ko. "Dati 'di ba sabi mo gusto mo pa akong makilala?" Tumindig ang balahibo ko sa kaseryoso ng boses niya diretso lang ang kanayang tingin sa daan hanggang sa nagred light at pumreno siya para tumingin saking mata. Dahil dun, dahil nakatingin na naman ako sa malalim niyang mata ay feeling ko nakikita niya ang kaluluwa ko sa taas ng intensity. Parang binabasa niya ang lahat ng nasa isip ko na ikanalunok ko. Huwag mong sabihing nabasa niyaa ng kamanyakan ko kanina?! Huwag naman sana! Ipapakulam ko talaga ang kapatid ko, siya ang maykasalanan! Siya ang pasimuno, siya ang ipapalamon ko sa lupa habang nag-eexplain ako kay Master kung bakit ganun ang laman ng isip ko.

Biglang umangat ang kilay niya ipinapahiwatig na sagutin ko na ang tanong niya. Kaya sinagot ko agad siya ng oo, masyadong mabilis kaya maslalong ikinaangat ng kilay niyang gwapo este itim!

"Then, I'll show you bits of my world" Napapalakpak ako sa sinabi niya. Dapat lang Master! Ako alipin mo kaya dapat alam ko lahat!

Nag green light na kaya muli niyang pinaandar ang kotse lumiko ito sa daang hindi ko alam saan papunta. Biglang naging seryoso ulit ang mukha niya. "Pero once na pumasok ka sa mundo ko, hindi ka na makakabalik pa.." Napatigil siya saglit para sumulyap sa nagtataka kong mata.

"Hinding hindi kita papalabasin kahit ano pang pagpupumiglas ang gawin mo. Hinding hindi kita bibitawan once na nakatapak ka dito.." Itinigil niya ulit para iconcentrate ang pagliko gamit ang manibela.

"Ngayon gusto mo pa bang pumasok o umalis nalang habang maypagpipilian ka pa?"

~*~

"Hala! Huwag mong sabihin magv-vandalize tayo?!" Sigaw ko sakanya dahil bigla niya akong inabutan ng spray paint. Ngumisi nalang siya at lumakad para lampasan ako, para pumunta sa malinis na brick wall sa walang katao-taong lugar. Sumunod ako sakanya.

Ang Inosenteng TangaWhere stories live. Discover now