Chapter Eight

714 17 5
                                    

- Nakiki-Alipin! Papansin!-


"Ugh!" Napasabunot ako sa buhok ko. "Ang sakiiiit!!" Feeling ko ilang sandali nalang ay sasabog na ang ulo ko. Parang isang bulkan na gustong sumabog. Bigla akong napamulat dahil sinisilipan ako ng araw. Nahawi ang kurtinang kulay puti. Napahawak nalang ako sa kumot at tinakip sa ulo ko. Ang sakit talaga!!!

Napansin ko ang kulay asul na kwarto na palakas ng palakas. "Huwag mong pagbuntungan ng sakit ang yang kumot." Rinig ko ang paglapag ng kung anong bagay sa side table. "Binaha mo na ng laway yang higaan. Tss" pilit niyang kinukuha ang kumot. Kahit anong pigil ko ay masmalakas parin siya kaya natalo ako.

No choice, bumangon at inalog alog ko na siya. "Waahh! M-master yung ulo ko puputok na!" magkakaroon ng fire storm paghindi na agapan! Naparoll lang siya ng mata. Tinuro niya ang tray sa side at sinabing kainin ko ang sopas? Lugaw? Noodles? Ewan ko. Basta ubusin ko raw iyon tsaka inumin ang gamot. Dali dali kong inubos ang pagkaen. Kulang. Bitin. Binuhat ko nalang ang baso kasama ang gamot. Maykailanagan akong ipagawa. Tsaka gusto ko pa, sarap nung linuto niya eh!

Pagbukas ko ng pinto ay medyo nalula pa ako sa rami ng daanan sa mini-hallway niya. Hanggang hallway, black and white, napakaplain dahil walang bahid ng decoration manlang sana. Masakit talaga, kaya napahawak ulit ako sa sentido ko. Lakad lang ako ng lakad hanggang marating ko ang sala-ng nakita ko kalaunan pero wala siya kaya nagdiresto na naman ako hanggang madatnan ko siya sa kusina, nagluluto?

Omo! Naamoy ko ang sinangag. Napasimangot ako. Bakit masmasarap ang pagkain niya kesa sa akin?! Andaya! Andaya! Bias! Nakarice siya samantalang ako, wala?! Inis akong lumapit at kinalabit siya.

"Nagluluto ka?"
"Hindi ba obvious?"
"Magtatanong ba ako kung oo?"

Pinagmasdan ko siya mula kuko hanggang buhok. Biglang nawala ang insecurity ko sa pagkain, napalitan ito ng malawak na ngiti lampas sa tenga. Ngayon ko lang napansin na.. "Ang cute mo naman! Nakaapron, nakahat na pangchef with matching sandok pa! Waahahahhaa!!" Napahalaghak ako sa tawa. Di ko inakalang ganito siya manamit kung nasa kusina. Pfft. Bagay niya! Bwahahaha! Okay sana kung plain ang kulay at lahat lahat kaso.. Pfft!!

Saka lang niya narealize na ako pala ang kausap niya. Nanlaki ang dalawa niyang mata at masmabilis pa sa hanging linampasan ako. Bwahahahaha!! Nahiya pa, nahuli na nga sa akto! Hahaha!

Ilang sandali ay bumalik rin siya pero wala na ang kanyang cosplay, tinaggal na niya! Sayang! Linampasan na naman niya ako pero ngayon ay patungo na sa stove para ituloy ang linuluto. Namumula ang magkabilang tenga niya, ang cute!

Linapit ko ang mukha ko sa kanya kaso pilit niyang iniiwasan ang kahit ano mang sakin o eye contact naman sa isa't isa. Hindi ko akalaing ganito pala siya mamatay sa hiya! Ang unique naman!

Sinundot ko siya sa tagiliran. "Wush~ Panda pala ah! Hahahahaha!!" Napasuntok ako sa lababo dahil hindi ko na kaya, hindi ko na alam kung saan ko ibubuntong ang tawa ko. Namumuo na ang mga luha sa gilid ng mata ko. Kahit masakit ulo ko parang nabawasan iyon dahil kay Master! Pampawala pala 'to ng sakit e! Masakit naman ngayon ang tyan ko. Nawawalan na ako ng hininga kakatawa. Pfft. "Shut up" kunot noong sabi niya puno ng inis pero masnanaig parin ang pagkapula ng mukha. Naku~ Naku~

"Ang grumpy, Grumpy mo!" Natatawa kong pahayag. Ilang sandali ay biglang nagliwanag ang utak ko kahit medyo kumukulog pa. Linapag ko ang baso at gamot sa table at...

"Alam ko na ang alternative mo Master!!!" Pinatay na niya ang stove at linagay ang naluto sa plato. Hala! Wrong timing si food my labs! Ugh! Oh, tukso layuan mo muna ako mamaya ako kakapit sayo~ "Anong katangahan na naman yan?!" Iritable niyang tanong.

Ang Inosenteng TangaOnde histórias criam vida. Descubra agora