Chapter Seven

731 15 4
                                    

-Bar Bar Bar-


*KRRIIIINNGGG*

Uwian na. Ang bilis ng oras kung nag-eenjoy ka. Napakabilis na hindi mo mapapansing tapos na pala. Sa sobrang bilis ay hindi mo malamang nabatukan ka na pala.

"Aray!"

"Huwag mo nga akong inaaray aray diyan! Pagkatapos mong mawala, nalate ka pa! At ang matindi kasama mo pa yung y-yung.." Ituturo niya sana ang kasama ko kanina kaso mukhang hindi niya mahanap. Lingon ng lingon pero hindi niya talaga mahanap si Master. Oo, Master hindi na boss pinag-usapan namin yuon kanina habang nakasakay sa motor niya papunta sa school.


"Hoy" tawag nito sakin.

"Po?" Magalang ko ring tanong sakanya. Kasalukuyang nakatingin ako sa blue na sky, kung saan maraming ibong magkakalinyang lumilipad. Ang sarap rin ng hanging dumadaan sa aking balat kasabay ng pagpapagaspas ng buhok ko. Napagtanto kong masgusto ko na ang motor kesa kotse, kahit first time ko sumakay kanina at ngayon ay second time na, namalayan ko nalang na masmaganda pala kung hindi mo inakala.

"Nag-isip ako kanina.." Bigla naman niyang nakuha ang pansin ko dahil sa pahayag na yun. Wow! Nice choice of words si boss. Nag-isip raw siya kanina so meaning...

"Baket hindi ka ba nag-iisip ngayon?" Pangangatwirang tanong ko. Aba, nakakapagtaka naman kung ganun! Ngayon lang ako naka-encounter ng taong nag-iisip kanina pero ngayon hindi.

"Ugh! Pucha naman, ang hirap mong kausap! Ang ibig kong sabihin ay may napaisip ako kanina kaya sasabihin ko sayo ngayon, so makinig ka ng mabuti dahil importante ito" hindi na ako nakisabat at matamang tumango nalang. Mukhang seryoso siya kaya kailangan ko talagang makinig! Id-digest ko ng mabuti para hindi ako malito sa huli!

"Di ba boss ang tawag mo sa akin?" *tango tango*

"Ayoko na nun. Iibahin ko na"
"Hmm. Baket naman?"
"Ang jeje pakinggan. Tss."
"Anong jeje dun?"
"-__- malay ko. Feeling ko lang."

Tumango ulit ako. Sinabi kong ituloy na niya ang sasabihin para mas-astig! Humigpit ang hawak ko sa bewang niya. Sinusubukan kong maslumapit para clear ang details. Medyo nafrooze siya nung una pero after a few seconds ay nagbalik rin ito sa dati.

"So ano na ang tawag ko sayo?"

"Dahil alipin/slave kita. Dapat magkasalungat di ba? Sa tingin mo ano ang tawag ng isang slave sa masnakakataas na status?" Aniya.

Napaisip naman ako bago sumagot.."Height?" Naparoll nalang siya ng mata at hindi pinansin ang sagot ko.

"Ang itatawag mo nalang sa akin ay.." He trailed off. May pasuspense suspense pa siyang nalaman! Aba!

"Ay???"
"Master"

*VRRROOOMMMM*


"Asan na yung kasama mo kanina?! Bigla nalang nawala?! Asan na?!" Liningon ko si Beshy at nakangiting umiling. Nuong pumasok kami ni Master ay kalagitnaan na ng first subject ng afternoon classes. After nun ay bigla bigla nalang siyang umalis, na mukhang bore na bore. Hindi niya napansin dahil panay ang masamang titig nito sakin mula kanina. Hehe.

Ang Inosenteng TangaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang