Chapter Six

784 19 2
                                    

-Gusto Pa Kitang Makilala-

"Simula ng araw na 'to ako lang ang susundin mo. Lahat ng iuutos ko gagawin mo. Ibibigay mo sakin ang mga hinihiling ko. At higit sa lahat simula sa araw na 'to, akin ka lang. Akin" Tugon niya.

"Baket? Anong meron? Boss na ba kita?" Mukhang naliwanagan naman siya sa tanong ko napaisip siya sandali bago magreply. "Oo. Boss mo ako" Lumayo na siya sakin at tumayo. Habang ako nakaupo parin sa sahig.

Inistretch ko ang kamay ko at humingi ng tulong para hilain ako patayo. "Help!" Biglang tumaas ang kilay niya. "Ako boss mo tapos ako uutusan mo?!" Napanguso naman ako. "Pwede rin! Alangan naman wala kang gagawin no!" Napa-'tsk' siya at umiwas ng tingin. Hindi niya talaga ako hinila. Ang sama!

Bumwelo ako para makatayo. Pinagpag ang palda kung meron mang duming dumikit rito. Ang cute pa naman ng uniform namin. "So..unang una dahil natapunan mo ako ng lecheng pandak na boteng pink na 'yun. Magpapalit ako" Maautoridad niyang pahayag. "So? Your point is?" Habang nakafold ang magkabilang kamay sa aking dibdib. "Huwag mo nga akong ineenglish english dyan! Tsk! Halika nalang! Letcheng mantsa" Kinaladkad niya ako papuntang parking lot. Naiwan sa Cafeteria ang mga nakangangang mga estudyante. Ang ilang babae ay sinamaan ako ng tingin, nagbelat lang ako. Psh. Masyado akong maganda. Anu be yen!

*lakad lakad*

"A-aray!" Napasubsob ako sa cemento. Hala! Sana walang gasgas, ang legs kong pinakainiingatan ko mula pagkasuot ng diapers! Sana walang sugat sa bandang tuhod, major turn off yun! Wala, wala yan! Sana! "Psh. Tanga na nga. Lampa pa. San ka pa? Psh." Inalayan niya akong tumayo. Pagtingin ko ay nakahinga ako ng maluwag. Siyempre nakamedyas ako ng mahaba kaya safe kung hindi kakalmutin ko talaga siya! Aba! Akala mo wala siyang kasama kanina, kung makakaladkad kasi ang bilis at ang higpit ng hawak e no?!

Bigla nalang siyang naglakad patungo sa mga motorcycle part ng parking lot, sumunod ako este inunahan ko siya papunta roon! "Wah! Hindi ka straight?! Bakit pink motor mo?! Tapos mayhello kitty design pa! Major turn off! Sayang ka naman! Nabawasan na naman ang mga liga ng lalak---ASAN NA YUNG KAUSAP KO?!" Nagpalinga linga ako! Huwag mo sabihing iniwan niya ako?! Noooo! Mahina ako sa directions! First day pa ng klase tapos ganito ang hinantungan?! Panu nalang kung tinawag ako ng kalikasan? Panu yun?! "Ahuhuhu. Iniwan niya ako! Ahuh--"

"Hoy engot. Baliw ka nga. Katabi mo lang ako tas sasabihin mong iniwan kita?! At isa pa bopols ka talaga. Hindi yan akin. Pinangunahan mo agad ako, ito ang motor ko!" Sabi ng lalakeng katabi ko sabay turo sa shimmery black na motor. "At maslalong hindi ako bakla, gusto mo patunayan ko pa?!" Hindi ko nalang siya pinansin at pinagmasdan ang sinasabi niyang motor. Mukha siyang naiinis sa inacto ko. Hmph! Patunayan patunayan! Whatever! Basta maganda ang lahi ko, PERIOD! Wala e nadistract ako kasi..

Huwah! Ang ganda! Kasing itim ng motor ang kulay ng mata niya! Pati narin ang magulo at maitim niyang buhok. Pinagmasdan ko ang mukha niya at naghahanap pa ng black na kulay. Ayun! Yuong dalawang earings na black rin sa kanang parte ng tenga niya. "Hoy tama na ang pagpapantasya sakin!" Napabalik ako sa wisyo ng pinitik niya ang noo ko. Napahawak ako rito. Medyo naasar ako kasi..

"Ang FC mo naman. Si Beshy lang ang nagpipitik ng noo ko! Tapos ngayon pati ang boss busabos ko nakikipitik na!" Kumunot noo niya dahil sa boss busabos na word. Narinig ko yun sa mga teleserye sa TV, yung mga comedy. Napatawa naman ang karamihan ba't ito hinde?! Hindi ba niya alam ang joke?! Pakituruan nga po, Mamaya'y napalitan rin ito ng simpleng ngiti ng narealize niya ang pinapahiwatig ko sa pagpipitik ng noo. "Pwes simula ngayon lahat ng pwedeng gawin sayo ng mga kaibigan mo, pamilya mo o pati alagang kuto mo ay magagawa ko na dahil alipin kita."

Ang Inosenteng TangaWhere stories live. Discover now