Chapter Nine

697 14 3
                                    

-Ba't Ganito?-

"WHAT?!"

"You already heard me. Tss"

"I can't believe you! Hindi ko akalaing bumaba na ang standards mo sa babae, Clyde! Nagkaroon ka na nga ng girlfriend sa..." Putol niya.


"Sa??" Excited kong tanong! Omo! Ayan na! Isasamba na niya ako! Nakakahiya naman kung sa kapwa kong maganda ang ip-praise ako di ba? Naku! Ang hirap takaga maging diyosa! *sabay flip ng hair*

Inexamine niya ako mula ulo hanggang paa at binalingan ako with nandidiri expression. Lumapit ito sakin at a-at..

Tinignan ang hinaharap ko! Napatakip naman ako dito. Hala! Pati ba naman yun pag-iingitan niya?! "Sa babaeng walang boobs. Walang.." Pumunta ito sa likuran ko at t-tingnan ang pwet ko! Pinangtakip ko ang isa kong kamay ruon samantalang ang isa sa hinaharap ko. "Walang behind. Pandak. Walang taste sa fashion. Walang shape..." Hinawakan niya ang mukha ko at inilapit sakanya. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong mukhang natatae na ewan ang itsura ni Master dahil sa kaganapang nangyayari. "Makapal ang mukha. And last but not the least babaeng..." Bigla niyang binitawan ang mukha ko at humarap sa akin na nakapamewang.

"Mukhang Tanga"

Biglang lumakad si Master sa babae at.. "Diyan tayo magkakasundo! Appear!" Nag-appear silang dalawa na mukhang yun ang pinakaobvious na word para sa akin. Mukhang Tanga. "I know right" at nag-appear na naman sila. Gumuhit ang noo ko sa pinaggagawa ng dalawa.

Hello! Andito po ako! Kahit feeling ko magandang salita ang tanga pero malakas ang gutob kong iniinsulto nila ako. Sila nakangising nag-aappear samantalang ako sa gilid ay..

=_____=

Ouch ha! Ginawa ba naman akong invisible. Pshh..

Isa ring nakita kong katangian na parehas sila. *ehem* Parehas silang bipolar! Una pokerface si master habang smiling fes si gurl. Kanina kulang nalang magsabunutan sila sa kilay, kung makapagsigawan akala nila walang naiipit tapos ngayon! Tapos ngayon kung makapag-appear wagas, kung mangisi wagas! Psh! Sino ba tong babaeng to?!

Tsaka parehas sila ng kulay ng mata. Malalim at nakakalula ang ganda ng mata nila parehas na itim, nakaka-intimidate.

Mamaya'y naghunos dili na sila at back to the usual face. At nag-usap na naman sila ng hindi ako sinasama.

"So aso mo siya? Este girlfriend pala?" -girl
"Oo aso ko siya. Este girlfriend pala" -master
"Kaya ka ba umalis sa bahay ay dahil sa aso mo? Este girlfriend pala"
"Oo yun ang dahilan. Kahit tanungin mo pa sa aso--este girlfriend ko"

Bumaling silang parehas sakin at tinanong. "Tama ba ako aso--I mean girlfriend?" Kumislap ang mata ko ng finally! Napansin nila ako! Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa, sinagi si girl at kumapit kay Master. Agad akong nagsalute kay Master. Ehehe~

"Oh~ hi!" Biglang ngumiti si girl na halatang fake at kinamayan ako. Binigay ko ang kaliwang kamay ko. "Mali yung isa dapat" Kdot. Edi kung kanan! Psh!

"I'm Ciel Dawn Navarro. Your owner este boyfriend's sister"
"....."

Hindi ko siya kinausap. Pinagloko pa ako! Sister! Sister! If I know nag-apply lang yan bilang alipin ni Master! Pano ko nalaman? Siyempre maganda ako, maganda rin siya meaning maganda kaming dalawa. Akong maganda ay slave ni Master, at dahil parehas kaming maganda alipin rin siya.

Master ko siya kaya dapat ako lang ang alipin niya!

Napansin naman niyang wala akong imik kaya itinaas nito ang right hand at finorm ng parang puppet. "Oo nga no! Ang ganda ng pangalan mo!" Napatakip ako sa bibig. May mental disorder ba siya?! Kinausap ba naman ang kamay?! Omygolay!! "Oo nga, nice talking puppet kasi yang isa diyan!" Umalis siya sa harapan namin at tumungo sa sofa, umupo at nanood ng TV. Wow, feel at home! Alipin siya tapos nag act na parang reyna?! Che che bureche!

Ang Inosenteng TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon