Chapter Four

1.2K 28 3
                                    

-Cute Kasi Ako-

TOINK

"ARAY!" Ouch. Napahawak ako sa kaliwang parte ng ulo ko. Naheadbang ako. Naglagay kasi ako ng blindfold sa mata ko tapos hinanap ko sarili ko. Yung parang day and night na laro. Yung ib-blindfold ka tapos iikot enden hahanapin mo ang kasamahan mo. Kaso in my case mag-isa lang
ako kaya hinanap ko sarili ko. Ang hirap hanapin! :3

After a few seconds eh. Nauntog ako sa pader. Akala siguro ng pader na 'yun siya ako. Ang ganda naman niya masyado!

Hay naku! Iwan na natin ang larong yan. Pababa na ako sa stairs para kumuha ng ice. Bumukol ata eh, mapulapula at basta masakit!

Binuksan ko na ang ref at kumuha ng pagkain tapos umakyat na. Pagbalik ko sa room sumakit nanaman ang bukol ko kaya bumaba ulit ako para kunin ang ice. Pagbukas ko nanaman ng ref kumuha ako ng juice tapos umakyat na. Pagtapak ko sa room kumirot nanaman ang bukol ko without knowing naalala ko nanaman ang sadya ko! Bumaba ulit ako at kumuha ng isang pirasong ice para sa ice bag. At umakyat nanaman for nth time.

Talino ko talaga kailangan dapat paulit-ulit para magaling ang kalalabasan. Try and try until you remember diba? Kaya ayan bababa ulit ako para kumuha ng ice kasi nagmelt na ang isang pirasong ice na kinuha ko a minute ago. Kukuha ulit ako ng one ice cube! ^_^

Atleast malilibang ako sa paraang ito. Masyado kasing : One word, six letters, ayokong madanas, pero madaling mangyari, it is a capital: B-O-R-I-N-G! Ang boring ngay!

PLUK

Tumulo na ang pawis ng ice ko nakakakuha ko lang. Nasa stairs palang ako nagmelt na. Ang bilis naman. Andaya, kung si nanay kumuha ang tagal magmelt pag ako wala pang limang segundo lusaw na?

Ayoko ng makipag-argue sa sarili ko or should I say, ayoko ng matabunan ako ng napakaraming question mark sa ulo.

Kaya bumaba ulit ako para kumuha ng isang pirasong ice..nanaman... Matalino kasi ako eh. (^^;)

~*~

*kruuuu~Ang Panget ng natutulog~kruuuu~Naglalaway pa~kruuuu~Panget talaga~kruuuu*

Bigla akong napamulat at nailimpunaga dahil sa ingay ng alarm clock. Dahil sa inis ko ibinato ko iyon sa labas ng bintana.

SPLASH

Siguro nasa kailaliman na iyon ng pool. (>д<)

Sinabihan ba naman akong panget! Kung alam niya lang ni katiting ng libag niya walang panama sa fes ko! Maylibag ba yon? Basta! Aba malay! Kung makasabi naman kase na panget at naglalaway ako, akala mo kung sino! Alarm clock lang siya di nagtatagal, nawawalan ng baterya eventually itatapon nalang.

Isa pa! Sabi niya naglalaway ako, aba't prinsesa ata akong matulog. Aakalain mong patay ako dahil sa pwesto ng magkabila kong kamay! Tsaka yung gandang fes ko mukhang anghel.

Napatingala ako sa bilog kong orasan na kasalukuyang nakasabit sa pagitan ng mga purple kong kurtina. Sa aking kalkulasyon ang dalawang kamay ng orasan ay nasa 5 at 6. Ay malay ko?! Yung maiksi nasa 5 samantalang yung mahaba nasa 6. 5:06 na pala. Ang aga pero tama lang para makarating ako sa school.

Habang pinagmamasdan ko ang paggalaw ng oras hindi ko maiwasang magtaka kung bakit ang tagal. Samantalang pag-enjoy na enjoy ako parang kung mayhinahabol ang oras dahil mabilis siyang lumipas. Para bang may ipinahihiwatig. Parang sinasabi niya na lahat ng ginagawa ko ay limitado na may ending point.

Kinalog kalog ko ang ulo ko. Kasi naman iieeeeehhhh... *pout* Sumasakit ang ulo ko pag nag-iisip ng, out of the box chenesss na yan!

Tumayo na ako galing sa pagkakaupo sa kama. Tumungo na ako sa bathroom ko. Nandun na lahat ng kailangan, nakaready na lahat. Naexcite ako kagabi eh, kaya pati pagp-platsa ng uniporme inangkin ko. Kaya yung isang pares nasa basurahan na dahil nabutas ng sobrang lake. Nasunog ih.

Ang Inosenteng TangaWhere stories live. Discover now