Chapter Three

1.6K 36 9
                                    

-The Bag Incident-

Palabas na kami ni Beshy sa sinehan. Sayang ang bayad tsaka yung popcorn hindi ko man lang lubusang naenjoy. Huhuhu TT_TT

Well, anyway subway. Anu kaya nangyari kay babes? Nahabol kaya siya o nahuli? Siguro pagnagkataong nahabol siya ipapadala si babes sa prisinto dahil sa salang umutot ng walang permisyon. Pagnahuli naman siya baka idampot siya ng mga tao ilagay sa sako. Ah wait lang baka masira ang sako, kawawa naman siya. Sige iba nalang. Ipapalapa nalang siya sa mga monkeys tapos itapon sa pasig river dahil sa paglabag niya ng law of human rights. Tsk Tsk! ┐('•_•')┌

Ayan kakalabas lang namin sa madilim na sinehan. HHUUU! Grabe, ang init nanaman. Parang gusto ko bumalik. Bakit ba kasi di nagsnosnow sa Pilipinas. Unfair. Kung gayon dapat may aircon sa lahat ng sulok dito. Nagbabayad naman kami este sila ng tax ah! Share share dapat! Kaya kinuha ko ang panyo ko. Pinahid ko sa mga pawis kong continous na tumutulo tsaka ko ginawang pamaypay. Ang init parin. Feeling ko malulusaw na ako. Mainit din ba sa inyo?

So ayun nga nakalabas na kami ni bes. Paulit-ulit?? Oo nga noh! Ang Nonsense ko namang kausap. Hindi ko kasi gets ang pinag-uusapan ng utak ko. Kinamot ko ang ulo ko. Naglalakad na kami sa floor.

Ah basta! Nagpalinga linga ako....

At may nahagip ang aking singkit na mata. Alam niyo ba ang feeling na nakita mo si crush. Yung feeling na naiihi ka na, nasusuka kase nag-upside down ang sikmura mo at parang nagslom-ow ang paligid. Yung kayong dalawa nalang ang natitira sa mundo parang amin ang espasyo na ito. At pagtinitignan mo siya maslalo siyang gumagwapo (づ ̄ ³ ̄)づ ...

Kase nakita ko ang crush ko!! Alam niyo ba kung ano? hihihihihi. Siyempre hindi, 'di ko pa sinasabi eh.. Depende nalang kung mind reader kayo..

Well nakakita lang naman ako nang..

DADADADAAANNNGGG!!

Ice cream!! Ice cream the love of my life the ever sweetest sugar plum! I'm here yu hu?! Oo na ako ng patay gutom. Ako na ang matakaw na kahit kakakain ko lang kanina gutom na ulit ako. That's my nature and I'm super proud of it.

Lalakad na sana ako palapit duon sa stall ng ice cream eh kaso nahuli ako ni bestfriend kaya automatik na hinila niya ang laylayan ng damit ko. At kinaladkad ba naman ako na parang asong nakadumi sa isang backyard at ilang segundo nalang may-eeksenang matandang mayhawak ng stick at ipapalo sa aso paghindi pa kinaladkad pabalik. Yun ang feeling..=_=

Wala na akong magagawa. Tanggap ko naman na ayaw niya akong pagtrabauhin na maging tagakain ng left overs. Yun lang naman kaya kong gawin eh tsaka may experience ako kunti sa pagluluto kaso expert ako sa paglamutak ng foods..


"Meanie!" *feeling cute pout* Binigyan kase niya ako ng nakakaasar na tingin then later on bumelat pa. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya at tignan ang papalayong distansya namin ni Ice cream. Nagbuntong hininga ako at nagtataka kung bakit hanggang ngayon feel na feel niya ang pagiging strict sa pagkain. Minsan ng siya pa ang pursigidong magpakain sa akin ng sobra tapos ngayon strict. Naku~ Di na ako nasanay sa trip niya....

Tsaka isa pa hindi naman ako tumataba kaya why bother di ba?

Nangmakalayo layo kami sa paradise ng pagkain. Binawi niya rin ang kanyang kamay na mahigpit nanakahawak kanina sa T-shirt ko. Tsaka siya nagpeace sign at tumawa ng malakas. Nawawalan na siya ng tino.

Oh ayan back to normal na kame. Lakad lang kami nang lakad habang ako'y nakabusangot at si Chloe ay proud. Sabay at magkatabi kaming naglalakad hanggang sa may dalawang taong dumaan sa gitna namin. Kaya napausod kami ni Beshy.

Ang Inosenteng TangaWhere stories live. Discover now