Chapter Twelve

503 14 4
                                    

-Waiting-


The next day...

"HELLOOOO!" Sinubukan ko siyang gulatin dahil nakatingin lang ito sa kawalan.

Agad ko namang nakuha ang atensyon niya pero magkasalubong ang kilay. Ano na naman ginawa ko?! "Isa pa at sasapakin na kita!"

Napaupo tuloy ako sa tabi niya. Andito siya sa likod ng school, wala masyadong dumadaan dito, feeling ko nga maykaratulang nakalagay na 'CLYDE DAIRE NAVARRO's PROPERTY' eh! Siya ang madalas dito parang siya talaga ang nagmamay-ari. Sinasamaan niya ng tingin ang mga naglalakad eh. Psh.

"Eiiieeeee! Ang bait bait mo lang kahapon tapos ngayon tinubuan ka na naman ng kasungitan!" I crossed my arms and started murmuring..

"Daire. Daire. Daire. Daire. Daire~"

"Iba ang kahapon sa ngayon. Since wala na akong atraso ba't ako magiging mabait sayo di ba?" He said in a matter of fact tone. Jusko po! Bakit ang sungit na naman niya?! Kung kahapon moderate ngayon extreme!

Nanahimik nalang ako at nagsimulang magtanggal ng damo. Isipin nalang nating buhok to ni Master na sinasabunutan at kinakalbo ko. Hindi ko maiwasang magduck face dahil sa katahimikan. :3

Maya maya'y biglang may umilaw na lightbulb sa tabi ng ulo niya ewan ko kung guni-guni ko lang yun kasi bigla niya akong inutusan na parang yun dapat ang trabaho ko hindi ang makidaldal sakanya.

"Alipin. Bilhan mo ako ng pagkain bilis!"

"Alipin. Gatorade rin lang pala."

"Ah, alipin. Gusto ko ng candy punta ka na canteen."

"Alipin! Maynakali---"

"ANO NA NAMAN?! SASAKALIN NA TALAGA KITA ANG RAMI MONG INUUTOS SAN MO BA LINAGAY UTAK MO AT PALAGING MAYNAKAKALIMUTAN HA?!" Dyosa ako nung pagpasok ko tapos ngayong 'di pa nags-start ang klasse taong grasa na agad ako! Pinagpapawisan at hinihingal na ako! Samantalang ang isa dito preskong preskong nakupo sa damuhan at nakasandal sa isang puno.

O__O

Natigilan ito at mukhang manghang mangha sa biglang pagsabog ko. Ako nga rin natigilan, nagalit ba ako? Hala! Hindi! Nainis lang ako! Oo, nainis lang ako.

"Now that's how you turn a good girl gone bad" Agad kong hinablot ang polo niya at humingi ng sorry. Hindi ko sinasadya! Wahhh! Ang sama ko! Bakit ako naging ganun, bad yun! Umiirap na naman siya bigla at, "Or maybe not. Tss"

*KRING*

Time na.

Nakaupo ako ngayon sa upuan ko habang nagdadasal. Humihingi ako ng tawad sa Diyos dahil sinigawan ko ng 'di kanais nais si Master. 'Sorry na po Papa God. Hindi na iyon mauulit. Huwag niyo pong bawiin ang kagandahang binigay niyo sakin, magpapakabait na po ako. Pramis po iyan!' Dasal ko.

Maingay ang klase as usual pero napadami ata ang sumasama ang tingin sakin. Gossip there, Gossip here. Bugbugan there, Bugbugan here. Ganyan ang nangyayare ngayon. Mangilan ngilan lang ang iba ang ginagawa tulad ko. Pero agad rin kaming natigil dahil sa malakas at biglang pagbukas ng pintuan ng classroom.

Dun namin nakita ang adviser namin na seryosong naglalakad papunta sa teacher's desk. Padabog niyang inilapag ang mga papers niyang hawak na nagpapitlag sakin. Katakot naman nito. Brrr!

"I have an important announcement! So listen carefully!" Nagsign language ako ng letter 'K' at tinaas para makita niya. Muntikan na nga akong batuhin ng eraser buti nalang at pumasok ang ibang latecomers. Imbis na matakot natatawa pa ako, bakit ba kasi siya inis na inis?

Ang Inosenteng TangaWhere stories live. Discover now