NGINITIAN AKO NG CRUSH KO! King ina na yan!

Tae na dis! Akala ko mawawalan ako ng ulirat kanina. Kailangan naka-record ito sa diary ko! Kailangan may pictures ako para makita niya ang itsura ko nung nginitian niya ako sa high school. Dapat isulat ko na agad para malaman ng mga magiging anak namin ang love story namin ng tatay nila!! 

Akmang kukunin ko ang diary ko sa bag nang biglang may pumitik sa noo ko ng pagkalakas-lakas. Asar na binalingan ko ang walang hiyang kumag nang mapansing mukha pala iyon ni Skye. Nakalimutan ko na andito pala siya.

"Ikaw ang pumitik sa akin?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Ay hindi! Ayun oh!" saad niya sabay turo sa kawalan pagkatapos ay umirap. "May nakikita ka pa bang ibang estudyante na umaali-aligid dito?"

Sarkastiko ng bruha.

Ang sungit talaga ng babaeng to, porket walang lovelife, bitter na agad.

Nagulat siya ng imbes na kutusan ko  bilang ganti gaya ng dating asaran namin, ngumiti ako at binalingan ulit yung bag.

Nagsasalita pa siya pero hindi ko na rin naman marinig. Naging abala na ang utak ko sa pag-iisip sa mga mangyayari sa hinaharap, kapag naipanganak na ang mga kukwentuhan ko ng buhay namin ni Ruzz.

"Magsusulat ka na naman? Pang-ilang diary mo na yan?"

"Apat."

"Since First Year?"

Tumango na lang ako saka nagsimulang magsulat ng mga pakiramdam ko. Mga nag-uumapaw na pakiramdam. Iyong tipo na feeling ko, hindi sapat ang mga salita para ipaliwanag.

Pagkatapos ay kinuha ko din ang camera ko saka nagpicture. Tumunog ito at hindi nagtagal ay naglabas ng isang maliit na papel. Pinagpag ko pa iyon sa hangin para matuyo at upang lumabas ang mukha ko sa larawan.

Pagkatapos ko iyong maidikit, ibinalik ko na muli ang mga gamit ko sa bag at tumingin kay Skye.

Ang tumambad sa akin na mukha niya ay kakaiba at hindi ko lubos mawari.

"Bakit?" nag-aalala kong turan sabay kapa sa noo niya kung nilalagnat ba o may sakit. Normal naman.

Tinabig niya ang kamay ko saka humalukipkip.

"Apat na taon Deireen Luz Masaga! Apat!?" hindi niya makapaniwalang tanong.

Last year lang kasi kami nagkakilala nitong si Skye doon sa field trip namin. We were assigned to be buddies and then poof, ewan ko kung anong nangyari, pagkatapos nun, hindi na kami mapagkit sa isa't isa. That's why, hindi niya pa alam na four years ko nang pangarap si Ruzzia Montereal.

"Oh bakit? Improving naman ah. Nung first year ako ni tapon ng tingin wala, nung second year, nagkabungguan kami, nung third year, aksidenteng sinabuyan niya ako ng tubig--"

"Aksidente nga ba?" nakataas ang dalawang kilay na saad nito.

"A-aksidente siyempre. If his friends didn't dare him to do it, then of course he won't." paliwanag ko at ganun na rin ay pagtatanggol kay Ruzz.

"Then of course he won't talaga. He won't even notice you." pinagduldulan niya ang mga huling kataga sa akin.

"Whatever," umikot ang mga mata ko, "but now, tumingin na siya sa gawi ko, tapos ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis." pinagsalikop ko ang dalawang kamay na parang nagdadasal at tumingin sa langit.

"K." saad niya.

Napatingin ako sa gawi niya dahil din sa gulat. K lang!?

"K? Sa haba ng salaysay ko, K lang ang isasagot mo sa akin?"

"Oo duh, alam mo ba ang ibig sabihin ng K? Iyong tipong scientific?"

Napaisip ako.

"Potassium?" alanganin kong sagot.  "Ano namang kinalaman ng potassium sa mga sinasabi ko kanina?"

"Potassium Deireen! Puta, wag kang mag-assume. Potassium! I thank you!" saad niya sabay yuko na parang nagbo-bow sa entablado.

This time, binatukan ko na talaga siya. Nakakaasar yun ah!

"Ginamit mo pa ang science sa mga kalokohan mo!" asar na bulyaw ko.

"Atleast ako, nagagamit ko ang pinag-aralan ko. E bakit ikaw? Alin dun sa katangahan mo kay Ruzzia ang maikokonekta sa science?"

"Meron! Newton's law! For every action, there is an equal and opposite reaction!" pagmamalaki ko. Nagmalaki ako kasi meron ngang koneksyon sa science yun. Ang kaso napagtanto ko na literal nga na iyon ang theory ko. "Kasi diba, kung gaano kalaki yung pagmamahal ko sa kanya, completely opposite naman ang reaction niya." pagtatapos ko sa sinasabi ko sa malungkot na boses.

Napabuga siya ng hangin.

"Imbyerna, alam mo palang tanga ka e."

Hindi ko na siya sinagot kundi inayos ko na lang ang bag ko para maghanda sa susunod na subject kahit isang oras pa ang layo nun. Absent kasi ang teacher namin kaya kung saan saan kami pagala-gala ng mga kaklase ko.

Naalala ko yung sinabi ni Skye nung unang magkasama kami at nahuli niya akong tumititig kay Ruzz. Sinamaan niya ako ng tingin na sinabayan pa ng pagtataas niya ng kilay at nagsabi, "Wag mong pakatitigan at baka mahulog ka. Rule number one: Never fall for Ruzz Montereal. He only breaks hearts and nobody falls out of love with him."

Umismid lang ako. Hindi ako naniwala e.  I don't care if I don't recover from my infatuation. Masaya na ako na makita siya araw-araw.

Kaso nung nagtagal na. Nung yung infatuation nauwi na sa something deeper and something way stronger, I realized how right she is.

Yes. I know now that nobody ever falls out of love with him.

Ako mismo ang patunay.

And yes, I know now that he only breaks hearts.

Ako din mismo ang katibayan.

Because I, Deireen Luz Masaga, daughter of the late Don Honario Masaga and the still living Donya Luziana Masaga and heiress of the Masaga Incorporated, am head over hells in love with Ruzzia Rafael Montereal of the Montereal Empire.

And I swear from this day, till my last breath, that I will love him forever, until my heart gets too broken for him to break.

Amen.


******

--a/n: bugbugin ang nasa tabi, may story na si Ruzzi! Takte! 😂😂😂

*basa ng offline? Pag online diretso vote.
*basa ng online? Sige lang pindot the bituin bebe.

Haha. Thank you. Muah! 😘😘

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now