Habang papalapit kami nang papalapit sa puntod nila ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Pati yata yapak ng paa ko sa lupa ay tila bumabaon na dahil pakiramdam ko tumatatak doon ang damdamin ko.

Regrets. Siguro isinisigaw iyan sa akin ng puso ko ngayon.

"Pards! Nate!" Narinig kong tawag ng doofuses at saka ng mga kaibigan niya. They are all standing, looking at the graves, with those sad gazes... Alyx and Shana were placing flowers on each tombs, while the others were praying and lighting the candles silently.

Kagaya nang nakasanayan siya ang hinanap ng mga mata ko, pero hindi ko siya natagpuan doon kaya naman napapikit na lamang ako nang panandalian at saka napabuntong hininga. Dumiretso na ako papunta sa kanila. Nginitian nila ako... Ngiting malungkot.

"Nangungulila pa din ako sa kaniya..." Malungkot na sabi ng kapatid ko. Agad ko siyang dinaluhan at saka inakbayan. Inilihis niya ang ulo niya sa akin at saka idinantay iyon sa dibdib ko. Ramdam ko ang matinding pangungulila niya.

"Ang dami kong hindi nasabi sa kaniya at matinding pagsisisi ang nararamdaman ko." Dagdag pa niya sa mahinang tinig. Nababasag ang boses. Alam ko na agad na may mga tubig na natumutulo sa kaniyang mga mata.

"Hindi ko man lamang siya napasalamatan sa lahat lahat nang nagawa niya para sa akin... para sa amin..." Doon ko narinig ang panginginig ng boses niya na tila ba hindi na kaya pang umimik.

"You need to be tough." Mahinang bulong ko. Hindi na tinangkang magsalita pa ng mas mahaba, mas ginusto nang iklian na lamang ang lahat para hindi na makadagdag sa sakit na nararamdaman niya.

Niyakap na lamang niya ako at ginantihan ko na lamang siya. Sa ganoong paraan pakiramdam ko kahit papaano naiibsan noon ang sakit na nararamdaman niya.

"Sorry for everything, thank you for everything, we miss you everyday..." Napalingon kami ni Lian noong marinig namin ang pahayag ni Shana. Maikli iyon pero tagos sa puso. Mararamdaman mo doon ang lahat nang ikinukubli niyang damdamin. Maging pangungulila at takot ay maririnig mo sa kaniya. Sinserong sinsero. Walang halong ibang intensyon kung hindi paiparating iyon sa kaniya... sa kanila.

"Akala ko ba may happy ending? Bakit kayo walang happy ending? Ako iyong nasasaktan para sa inyo. Kung pwede lang hukayin iyang lupa tapos mabubuhay na ulit iyong mga namatay. Ang tagal ko na sigurong nagawa. Bakit ba ang aga mo kaming iniwan?" Halos ngumawa si Alyx habang sinasabi iyon. Inalo agad siya ni Anthony. Kahit pabiro ang pagkakasabi niya hindi mo maikakaila na nasasaktan din siya kagaya namin.

They've been through so many things together...

Umiiyak ang tatlong magkakaibigan habang inaalo sila ng mga nobyo nila. Pinaubaya ko na din si Lian kay Timothy dahil alam kong gusto din ng kapatid ko mahagkan ang kasintahan.

Tahimik lamang kaming tatlo nina Skyler at Annicka. Annicka's deep breaths were the evidence of her heavy feelings. Nakatitig lamang siya sa umiiyak na mga kaibigan niya. Pakiramdam ko nga ay maiiyak na din siya habang tinitingnan sila na nagluluksa. Hindi ko sila mapigilan, itong araw talaga na ito iyong masakit sa kanila.

It's her birthday after all... but the thing is... she is not here anymore.

Idagdag mo pa ang mga puntod na katabi niya. Nakakalungkot isipin na marami ding nagbuwis ng buhay para lamang sa mga kasinungalingan at kahangalan na naganap. Parang kapag naiisip ko na wala na sila sa mundong ito, ako ang nanghihinayang dahil hindi nararapat sa kanila ang kamatayan na iyon.

Lalong lalo na sa kaniya...

Pinagmasdan ko na lamang ang mga nakahanay na puntod sa harapan ko. Ang mga nakaukit na pangalan doon ay hindi dapat nakalagay doon. Kung naagahan ko lamang sana ang lahat... Sana walang ganito... Sana hindi ito nangyari.

Liars CatastropheWhere stories live. Discover now