Prologue

8.3K 121 9
                                    


PROLOGUE.

May mga taong darating sa buhay ng iba sa hindi sinasadyang pagkakataon. Sa hindi inaasahang sitwasyon.

Taong magpabago sa kanyang paniniwala. Taong magpabago sa kanyang pagkatao.

Nakilala mo siyang masama. Nakilala mo siyang walang direksyon sa buhay. Nakilala mo siyang walang kinatatakotan. Ang sarili lang ang pinaniniwalaan.

Isang matapang at walang inuurungan. Isang GANGSTER.

Ngunit paano kung isang araw, malaman mong nag-iba na siya. Magugulat ka nalang sa ipagtatapat niya.

Paano kung nakita mo na ang saranggola mong lumilipad ay pagiwang giwang na at wala ng pag-asang makuha mo pa? Paano kung ang saranggolang iyon ay bigay lang sayo. Bagay na dumating at nagpabago sayong pagkatao. Kakapit kapa ba, aasang may pag-asa kahit alam mong may sabit na siya?

Hindi niya inaasahang maramdaman ulit ito. Hindi niya inaasahan na mapaniwala ulit siya sa salitang LOVE. Pero nagbago ang lahat ng ito ng dumating ka sa buhay niya. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya o ginawa mo sa kanya. Hindi rin niya alam kung ano tong nararamdaman niya pero ang tanging alam lang niya ay naramdaman niya ulit kung ano ang naramdaman niya noon. Matinding damdamin. Kakaibang pagmamahal. Isang pag-ibig.

Nahuhulog na siya. Gusto kana niya. Mahal ka na niya.

Alam niyang hindi pwedi, pero kahit na. Dahil binago mo siya, handa na niyang gawin at ipaglaban ang sinisigaw ng puso niya.

Kaya ikaw na bagong saranggola niya, ay kakapit na siya sayo. Hindi kana niya bibitawan. Hahabolin ka niya kung sakaling makawala ka man at handang isakripisyo ang sarili, hindi ka lang mapahamak. Ikaw na kanyang saranggola.

Ngunit ang tanong, handa ka bang salohin siya ngayong alam mo, na ang GANGSTER na nakilala mo ay nahuhulog na sa katulad mo?

WHEN A GANGSTER FALLS IN LOVE

When A GANGSTER Falls In Love *COMPLETED*Where stories live. Discover now