10.3

564 8 0
                                    

Kinabukasan pa nakapagbigay ng kanyang statement si Liezle. Namumutla pa rin siya, nanlalaki ang mga eye bags sa sobrang pag-iyak. Magulo ang isipan niya pero hindi sapat para maiwasan niya ang interogasyon ngayon araw.

            “Nakita mo si Erick sa beach isang gabi bago mamatay ang iyong kaibigan?” tanong ni Reyes.

            “Opo.”

            “At ano ang nangyari?”

            Hindi makasagot si Liezle. Naalala pa niya ang sinabi sa kanya ng abogado. Wag niyang sasabihin ang totoo dahil posible siyang maging suspek sa kaso! Tumingin pa siya sa katabi niyang abogado bago siya sumagot.

            “Wala po. Tumakbo siya nang makita niya ako.” Sagot ni Liezle.

            “Alam mo rin ba na si Cara ang babaeng nililigawan ni Erick Lacsamana habang magkasintahan pa rin kayo at ayon pa sa aming pagtatanong ay nagkaroon sila ng lihim na relasyon?”

            Nag-apoy ang mga mata ni Liezle sa narinig. Hindi siya makapaniwala! Paano nagawa ni Cara sa kanya ang bagay na ito?

            “Hindi. Hindi ko po alam.” Namumutlang sabi ni Liezle. “Hindi magagawa ni Cara sa akin ang bagay na iyon!”

            Bumuntung-hininga si Reyes.Marami pa siyang itinanong.Mga tanong na maaaring makapag-bigay linaw sa totoong nangyari nang gabing iyon.

            “Sa ikatlong gabi ng inyong paglalaro, may nangyaring hindi inaasahan. Hindi sinasadyang nakainom si Armie ng tubig galing sa boteng iniinuman mo. Nakuha namin ang result galing sa laboratory at mayroong pampatulog na nakahalo roon. May-”

            “Wala akong nilalagay na pampatulog sa iniinom ko. Please, maniwala kayo!” naiiyak na sabi ni Liezle.

            May inilabas na dokumento si Reyes at inilapag iyon sa mesa. “Hindi magsisinungaling ang result na ito.”

            Naguguluhang umupo si Liezle. Napainom siya sa tubig na nakalagay sa mesa. Naghihintay naman si Reyes sa susunod na sasabihin nito.

            “Ang totoo...”

            “Liezle, let me handle this.” Singit ng abogado. “SPO1 Reyes-”

            “Wine. May halong wine ang tubig ko. Hindi pampatulog! Kung gusto n’yo i-check nyo uli ang boteng naiwan sa beach house! Siguro naman hindi rin iyon pinalitan ng pumatay sa kaibigan ko!”

            “Liezle!” pigil ng abogado.

            “I am being framed here! Wala akong alam sa nangyari sa kaibigan! Hindi ko iyon magagawa sa kanya!”

            Umiiyak na si Liezle. Naitakip niya ang palad sa kanyang mukha. “Never. Kahit pa si Rick, hindi sapat na dahilan para... para saktan ko siya. Well, pagkatapos ng nalaman ko tungkol kay Rick at Cara, at kung buhay man si Cara ngayon, I will hurt her! Pero hindi ko siya papatayin! Damn you all!”

Midnight Scare - COMPLETEWhere stories live. Discover now