8.2

795 13 4
                                    

“May mamamatay ngayong gabi?” mahinang sabi ni Cara.

Nagkatinginan sina Moira at Armie. “Wag mo ngang sabihin yan, nakakakilabot!” saway ni Armie. Pero wala sa mukha ni Cara na gusto nitong tumigil.

“I’m gonna die tonight.” Sabi pa ni Cara.

Narinig nilang tumawa si Moira. “Ang laro ba mamayang gabi ang tinutukoy mo? Na mamamatay ka dahil sa larong iyon?”

Dahan-dahang tumango si Cara. “Pero nangako ako kay Liz. Itutuloy ko ang laro mamayang gabi.”

“Then, do it! Walang mawawala sa’yo!” sabi ni Armie. “And speaking of Liezle, bakit kailangang sampalain pa niya sa Cara? Duh!”

Moira only shrugged her shoulders. Maging siya ay naguguluhan sa mga ikinikilos ni Liezle. Lately, parang madalas na wala sa sarili si ang pinsan niya. At kapag nasa sarili naman ito, laging galit.

“This vacation was supposed to be relaxing.” Ani Moira.

“And then we decided to play The Midnight Man, at heto, nagkakagulo-gulo na.” Sagot ni Moira. Sa kabilang side ay agad niyang nilingon si Cara at inunahan ang kaibigan bago ito makapagsalita. “And nope, you will not be exempted from this game.”

Ngumuso lang si Cara.

“Tara na at matulog na tayo. We still have a few hours bago lumiwanag ang araw.” Yaya ni Moira sa dalawa.

Nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan nang magising si Armie at mapansing wala si Cara sa kanyang tabi.

Hindi maintindihan ni Armie ang kakaibang pakiramdam niya  na para bang may hindi magandang nangyayari.

Tumayo siya para i-check ang c.r. at wala roon ang kaibigan niya. Bumaba siya sa kusina, sa sala, wala rin doon si Cara. Nagsisimula na talaga siyang kabahan.

Mulis siyang bumalik sa kuwarto nila at tatawagan sana ang cellphone ang kaibigan pero nakita niya ang cellphone nito sa bedside table. “Hindi umaalis si Cara na wala ang cellphone niya!”

Mabilis ang mga hakbang na pinuntahan niya ang kuwarto nina Liezel. Binuksan ng inaantok na si Moira iyon matapos ang ilang katok.

“Nandito ba si Cara? Wala siya sa buong baha?!” hindi maitago ang histerya sa boses niya.

“Ano?” inaantok pa rin si Moira at hindi rumehistro sa utak ang ibig sabihin ni Armie.

“Nawawala si Cara!”

“What?” Nanlaki ang mata ni Moira. Kinusot pa ng isang kamay ang inaantok nitong mata. “Are you sure?”

“Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita! Gosh! That stupid girl! Iniwan niya ang cellphone niya sa beside table kaya hindi ko siya matawagan!” sunud-sunod na sabi ni Armie.

“Anong nangyayar diyan?” ang inaantok na boses ni Liz iyon. “Moira?”

Hindi ito pinansin ni Moira. “Relax. Hahanapin natin siya, okay? Baka pumunta lang iyon sa dagat or somewhere... Liz, bumangon ka. Hahanapin natin si Cara.”

Ilang sandali pa ay lumabas sila. Nagkukulay-orange na ang langit at unti-unting lumalabas ang haring araw. Nagpasya silang maghiwa-hiwalay para maghanap.

Matapos ang ilang minuto. Saktong sinakop na ng liwanag ang kalangitan, sumigaw si Armie.

Nang matagpuan nina Liezle at Moira si Armie, nakita nilang umiiyak ito.

Dumako ang tingin nila kay Cara na walang malay sa loob ng kubo/bodega.

“Relax! She’s not dead okay!” sabi ni Liz. Lumapit naman si Moira at pinulsuhan si Cara.

“She’s just unconscious, Armie. Pagtulungan natin siyang dalhin sa house.” Sabi ni Moira.

Nang madala nila si Cara sa loob ng house ay saka sila nakaramdam ng relief. Parehong may mga tanong sa isipan nila.

Tama bang nilaro nila ang Midnight Man game?

 ______________________________________________________________________

Vote and comment! Help me advertize this story!!!

Love,

iLinaSky

Midnight Scare - COMPLETEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin