48: Mission Failed

Start from the beginning
                                    

Nagsimulang magsitakbuhan ang mga bata para salubungin ako.

"Sabi mo...Sabi mo...(ಥ_ಥ)" Nakatinging sabi ko kay Van.

"Sinabi kong nandyan sila Mom and Dad. I forgot to mention that they're with my other relatives."

"Uuwi na akoooo (ಥ_ಥ)"

Pinitik niya ako sa noo.

Naramdaman ko na ang paghawak ng mga bata sa damit ko.

"Ate Mei-Mei!!ヾ(*'∀`*)ノ Ang priti priti naman ng Ate Mei-Mei, Kuya Vanny!!" Hyper na hyper na sabi nong isang batang naka-bun ang buhok. Mukha siyang intsik na ewan.

"Magaling ako e." Sagot lang ni Van sa bata.

"Ate Mei-Mei!! Ate Mei-Mei!! Shabi ni Kuya Bani, wala ka daw boobs!! ∪ˍ∪" Hindi ko alam kung nalulungkot ba siya nang dahil doon.

Sinamaan ko ng tingin si Van at saka siya nakatikim ng legendary upper cut mula sa 'kin.

"Fvck!! What?!" Tanong pa niya.

"Bakit mo 'yon sinabi sa bata?! Mema kwento ka e 'no! +_+"

"E sa nagtanong siya e! Tss, kesa naman sabihin kong meron tapos kapag nakita ka ma-disappoint."

Lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Napakagaling talagang magbigay ng rason +_+

"Tara na nga ron." Hinila na niya ako papunta sa living room.

Para akong natutuyuan ng laway sa lalamunan habang papalapit kami sa mga kamag-anak ni Van.

Lahat sila nakatingin sa 'kin.

Hindi naman sa mukhang ayaw nila sa akin pero...

Ang weird nila ngumiti (ಥ_ಥ)

"You two look good together." Si Tita Leila ang sumalubong sa 'min. Kiniss siya sa right cheek ni Van tapos yumakap naman sa 'kin si Tita at siya ang humalik sa kanang pisngi ko.

"Thanks, Mom." - Van

"I am happy for the both of you, Son." Naghand shake silang magtatay tapos pagdating sa akin, katulad lang ng ginawa ni Tita.

"Hija, your parents will be here later. Halika, ipakikilala muna kita sa mga relatives ng Future Hubby mo. We will be your future relatives too. Promise me na hindi ka maiilang sa amin, okay?" Ani Tita Leila na halos mapunit na ang labi kangingiti sa akin.

"O-Okay po, Tita."

Bigla niyang tinanggal ang magkahawak na kamay namin ni Van at saka ako hinila papunta sa mga kamag-anak nila. Hahabol sana si Van ang kaso, binigyan siya ng kakaibang tingin ni Tita. Para bang ayaw niyang makisali sa 'min ang anak niya.

Habang naglalakad, nakalingon lang ako kay Van nang may ganitong pagmumukha...

(ಥ_ಥ)

"It's alright. Iloveyou." Yun lang ang isinagot niya sa tingin ko.

Pakilala here, pakilala there. Pakilala everywhere! ╮(╯3╰)╭ They are kind. Tapos ang hahyper. Feeling ko nga, naligaw ng landas si Van sa kanila e. Lahat kasi sila parang hindi gagawa ng masama.

"Noong bata pa 'yan si Van, pulos kalokohan ang alam sa buhay. Nandyan nga't ipinatawag ang Mommy niya dahil nilagyan niya ng bunot ang bag ng kaklase niya."

Ang paglalagay ng bunot, Van (─‿─)

"Tapos, pagkalipas lang ng ilang araw, ang Daddy niya naman ang pumunta dahil sinuntok niya ang kaklase niya nang gantihan siya nito." Kwento pa ni Tita Sophia.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now