Hinatid ako ni Japs sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Medyo malapit lang ang office niya rito kaya pinrefer niya rin sakin 'tong place. Kaibigan niya rin kasi ang may-ari.

Balak kong bumili ng doughnuts for Renzel. Tapos this Sunday, balak ko siyang itreat sa labas. Hindi naman kalakihan ang sweldo ko pero pagkakasyahin ko basta lang may para sa anak ko. Isa pa, as a scholar, may allowance rin ako kaya okay na 'yon.

"Good morning, Keish!" Bati sakin ni Rio. 18 pa siya pero hindi siya naga-ate sakin kasi mukha naman daw akong mas bata pa sakanya. "Hi, Rio!"

"Uy, Ate. May naghahanap sayo dito kanina ah."

"Huh? Meron?" Napahinto ako sa paghahanap ng cap sa bag ko. "Sino naman?"

"Ewan. Basta medyo maputi. Basta nakaporma."

Maputi? "Hindi ba si..."

"Yung asawa mong sikat? Sure akong hindi siya 'yon." Oo nga kasi, Akeisha. Hindi naman siya maputi.

"Ano bang sabi?" Sabi ko at sinuot na ang cap na hinahanap ko.

"Tinanong kung asan ka raw. Tapos sabi niya balik nalang daw siya mamaya pag aalis ka na. Haha."

"Hmm, hindi ko naman alam sino 'yon."

"Halaaaa, baka ano gawin sayo nun, ah." Medyo worried siya nang tignan ko kaya napatawa ako. Dumaan ako sakanya bago lumabas. "Wag ka nga."

"Pero mukha naman siyang nag-aaral—ay! Pareho pala kayo ng lanyard!"

Napalingon ako ulit kay Rio. "So same school kami?"

"Malamang, Akeisha?"

"Sino naman 'yon?" Medyo napakamot ako sa ulo. Ang sakit sa kokote manghula ah. "Ikaw haaaa, may jowa ka naaa."

"Weh, issue ka. Bahala ka nga riyan."

"Lagot ka ng as---assistant manager natin. Hehehe."

"La?" Umiling nalang ako at tuluyan ng lumabas.

Nagstart na akong mag work. Isa sa nagustohan sakin ng manager naming ay energetic ako at palangiti. Siyempre, todo bigay ako kasi kailangang kailangan ko ng work. Para sa anak ko 'to kaya dapat ibigay ko lahat. Kahit naman kasi konti lang nabibigay ko para sa tuition niya, okay lang naman daw sabi ni Ramces. But I won't settle for that. I will work and study really hard para mabigay ko lahat ng wants and needs ni Renzel.

"Hi, Miss."

"Your order sir?" Pagkatingala ko nanlaki ang mata ko. "U-uy, Nick?"

Ngumiti siya hanggang mars. "Hi, I just want to remind you na hanggang 12 lang ang work mo at meron pa tayong thesis na tatapusin." Napatingin ako sa wall clock. Oh shoot. 11:58 na pala!

"Ah, sige, sige, wait." Sakto namang dumating si Rheeza. Ang kapalit ko. "Rheeze, ikaw na ah!"

"Yas, bye!" Pumasok na ko at hindi na nga nakapagbihis ng damit, kinuha ko nalang yung bag at tinanggal yung cap. "Andiyan na?" Natatawang tanong ni Rio sakin.

Tumango ako. "Oo, eh. Bye!"

"Bye Akeisha!"

Pagkalabas ko, nakatayo siya sa gilid ng kotse niya. Nakapamulsa pa ang partner ko sa thesis. "Ah, magji-jeep nalang ako." Sabi ko at tipid na ngumiti sabay talikod. Nakahihiya kasi.

"Uy, Keish!" Napahinto ako at lumingon sakanya. "Yeah?"

"Sabay ka na sakin. Ikaw talaga pinunta ko."

"Ha? H-hindi na! Okay lang! Bye!" Nagmadali akong maglakad palayo sakanya at papunta sa kabilang kanto para makasakay ng jeep pero may lahi pala siya ni flash dahil naabutan niya agad ako. "Come on, sasakay ka lang naman, Keish. Tsaka para mas mapabilis tayo." Huminto na rin ako kasi di siya humihinto, lakad pa rin ng lakad.

"Hindi, okay lang talaga. Tsaka di naman masyadong traffic papuntang school." Tumingin ako sa paligid. May iba na kasing nakakikilala sakanya eh. Hay.

"No, traffic kaya. Tsaka mas mabilis kung sakin. Plus, mainit sa jeep. Tara na." Hinawakan niya ko sa palapulsuhan. "let's go." Hihilahin niya na sana ako pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"I can't."

"Keisha, wala namang masama diba?"

Nag-aalangan pa rin ako. Kinuha ko ang kamay ko sakanya at umiwas ng tingin. "Ayaw ko lang naman kasi—"

"Ano ka ba. Don't mind them. Partners tayo sa thesis. Gagawa tayo ng thesis. Para sa grades natin 'to. Okay? Wag mo nalang pansinin 'yang mga 'yan, tara!" Kinuha niya ang kamay ko at walang pasabing hinila ako papunta sa kotse niya.



**

Sorry for the long wait. At sorry din kasi sembreak na pero busy pa rin ang lola niyo.

Hindi ito edited dahil busy nga at may gagawin pa. Huhu. Sorry 

LISTEN CLOSELYWhere stories live. Discover now