/25/ Murder the Past: Ireneo

Magsimula sa umpisa
                                    

"S-sorry po, ma."

"My goodness, James! Tingnan mo ang kuya mo! Malayo ang mararating ng kuya mo sa pag-aabogado at never siyang naging pangalawa!"

The most painful thing for him is that his mother can't accept his imperfections, lagi siyang kinukumpara sa kuya niya na di hamak na mas dobleng mas magaling kaysa sa kanya. Kaya naman, lahat ng makakaya niya ginagawa niya.

 "B-bawi po ako next time, ma, I'm sorry."

He couldn't do anything but just to follow his mother's commands. He's a puppet for the whole time in his life.

"Dapat lang! I-eenroll kita ulit sa pinakamaganda't pinakamahal na cram school. Alalahanin mo James, ako ang presidente ng PTA, at anak kita."

Pero hindi niya natutupad ang pangakong yon. Dahil sa pressure na kinikimkim niyang mag-isa, isang factor na rin yung wala siyang malapit na kaibigan. Unti-unti siyang bumababa sa rankings. Third, Fourth, Fifth, Sixth, Seventh... until nawala siya ng tuluyan sa best ten. Mas nagalit ang nanay niya. Nawalan siya ng interes sa pag-aaral at may mga pagkakataong hindi na siya pumapasok sa eskwelahan.

Hanggang sa dumating ang isang pagkakataon na makilala ang isang kaibigan.

"Wow, naglalaro ka pala ng Pokémon, James."  

 It's Stephen.

 Stephen Yue, ang kasalukuyang rank forty ng klase.

Yeah, they've been friends. For real. Believe it or not.

Napabalikwas siya nang dumating si Stephen, mag-isa lang kasi siyang naglalaro ng portable game player sa student plaza. Hindi siya makapagsalita dahil iyon nga siguro ang unang pagkakataon na may lumapit sa kanyang kaklase para makipag-usap.

"Ah... Oo."

"Gusto mong mag trade tayo." Magiliw na sabi ni Stephen at nilabas din ang game player niya. Doon nagsimula ang masasabi mong pagkakaibigan nilang dalawa, dahil sa Pokémon trading.

Mula noon, lagi silang magkasama tuwing vacant para maglaro at magtrade ng pokemon. Stephen somehow helped him to change a little. Nakakausap na rin niya ang iba naming mga classmates, because of Stephen he learned how to trust others.

Bumalik na rin kahit papaano yung interes niya sa school. But he still remained second sa class standing. He doesn't mind anymore if kinukumpara at pinapagalitan ulit siya ng nanay niya, nasanay na siya.

 Dahil na rin sa nakakausap niya na ang lahat, doon nagsimula na maging leader siya ng bawat group activities. Magaling na leader si Ireneo, mahusay siya at alam niya kung paano magpagalaw ng mga tao. Doon lumabas ang galing ni Ireneo, "everything he touches turns to gold", analytical thinker.

Hindi na nakapagtataka kung ang grupo lagi na kinabibilangan niya ay nagiging outstanding o nakakakuha ng pinakamataas na marka. Kaya naman kapag nagkakaroon ng intern competitions, siya na ang namumuno sa aming lahat.

Isa roon ang cheering competition. We won for the very first time at isa 'yon sa memories ng klase namin. Section 1-B.

"Hi James." Nagulat siya nang may umupo sa kaharap niya, "pwedeng makishare ng table?" tumango lang siya, hindi makapaniwala. Hindi niya kasama ng mga oras na yon si Stephen dahil nag-aaral siyang mag-isa sa library.

 "Congrats nga pala." Lucille cheerfully said as she pulled out her book from her bag. The reason why he remained in rank two was that of her.

"Ah... wala yon."

Lucille Marin was the class representative and the rank one in our class standing.  Lagi lang siyang pumapangalawa rito. Dahil siguro sadyang mas masipag at mas matalino si Lucille kaya she always made it to the top.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon