Sa isang napakataas na building kami lumapag. Unang lumabas ang mga bata kasama ang isang lalaki tas sumunod kami ni Shiba. Bahagya pa akong napahawak nang mariin sa kaniya.

''You're shaking.''

Sabi niya pero ngumiti lang ako. Kinakabahan talaga ako. May ala ala ba akong hindi maganda dito?

Nang bumaba naman kami ng elevator ay puro bati nang 'Good afternoon sir, maam.'' Ang sinasabi ng mga tao. Lalo akong napakapit sa braso ni Shiba habang karga niya si Thiago. Nang magising kasi ako ay walang masyadong tao sa paligid, kaya siguro ako naninibago.

''Mom, it's okay.'' Nakangiting sabi ni Bree.

Sa huli ay napingiti na ako at tumitig sa dalaga ko. Magkamukha talaga kami, kaso nga lang may dimple siya.

''My god! Sina Shiba! Lorvin! Andito na sila!''

Ang boung akala ko ay bahay pupuntahan namin pero hindi pa kami lumalabas ng building na yun ay may sumalubong na agad sa amin na seksing babae! Yumakap  agad ito kay Bree. Sunod ay kinuha niya si Thiago kay Shiba at niyakap ang asawa ko.

Sa asawa ko.

Asawa ko yun at hinihigad niya. P*ta!

Tinaasan ko siya ng kilay  saka hinila si Shiba. Tumawa siya at napatingin doon sa lalaking may peklat sa gilid nang kilay.

''Well - well - well... Youmie Eunice Diomampo, welcome back. Kumusta ang tulog mo? ---''

''Tita, stop acting like a bitch! Uhm -- mom she's Tita Glenda and she's tito Lorvin, mga pinsan ni dad.''

Sabi ni Bree at pumasok sa isang pinto. Punyeta! Pinsan pala! gaga ka rin kasing magselos Youmie! Pero di ko maiwasang mapatingin doon sa Lorvin. Kumakabog ang dibdib ko kapag tinitingnan ko siya.

''How are you?'' Tanong niyang nakapamulsa. Malungkot ang kaniyang mukha.

Ngumiti ako sa inaasal ni Shiba baby ko ng bigla niya akong akbayan. Nagseselos kaya siya?

Ilang sandali ay nasa kotse na kami. Hindi muna kasama si Bree dahil mamamasyal daw muna siya. Nang makarating naman kami sa bahay ay nagulantang ako.

''Welcome home, Youmie!''

Maraming tao lahat ay di ko kilala maliban kay Baste at lola.

''Lola!'' Humagulhol kaming
dalawa miss na miss ko na siya. Pero totoo ngang ilang taon akong nawala, bigla ay tumanda siya ngayon.

Marami kaming kwentohan masaya ako dahil kasama niya pala si Nathalie. Yung pinsan kong maliit pero maganda naman. Ang ganda nang mama at papa ni Shiba baby ko. Kaya mana ito sa kanila. Sobrang saya naman, ganito din kaya kasaya noon?

Sa Metro na ang follow up check up ko. Tuloy parin ang inom ko nang gamot upang maiwasan ang pananakit. Mag isa lang ako ng araw na yun, naisipan ko pang dumaan sa botika at bumili ng Pregnancy kit. Delayed  kasi akong ng ilang linggo at kanina ko lang napansin. Magdadalawang buwan na rin kasi mula ng mag umpisa kaming gumanon ni Shiba.

Nang matapos akong masuri ng doctor ay nagbanyo muna ako at dala dala ang PT. Napangiti ako nang makita ang resulta. Dios ko! Dalawang linya iyon! May baby ulit kami! Ganito pala ang pakiramdam ng pinagbuntis ko na ang mga anak ko? Dios ko!

Agad akong sumakay sa taxi na nakaabang ng mahimasmasan. Sinabi ko dito ang address ng may ngiti sa labi. Hawak hawak ko lang ang Ptk. Alam kong sasaya nito si Shiba. Dapat talaga ay magkasama kami ngayon kaso nga lang ay dumating iyong Glenda na sexy. Marami silang pinag usapan kaya umalis na ako, alam ko naman ang lugar.

Napansin kong ibang daan na ang dinaanan nang driver kaya sinabihan ko siya pero di siya kumibo. Sinamangutan ko siya habang kinakalabit.

''Manong, sabi mali ang daan mo.''

Bumalot sa akin ang kaba. Lalo na nang nasa isang mapunong lugar na kami at walang katao tao doon. Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Babae? May hinugot ito sa kaniyang gilid. Lalo akong nahitatakutan. Dios ko! Napahawak ako sa akinh dibdib.

''Sino ka? B - Bakit may baril ka?''

Lumabas siya at mabilis ako hinila. May bahay akong nakikita sa di kalayuan. Nag isip ako ng paraan pero nawala iyon nang itutuk niya sa akin ang baril.

Nang tingnan ko siya ay halos di pa ako makapaniwalang magagawa iyon nang isang magandang babaeng tulad niya.

''Hindi nila ako makakasuhan dahil baliw ako! Punyeta! Dahil sayo ay nawala ulit sa akin si Sean!''

Kusang tumulo ang luha ko. Nanginginig ako at nagmamakaawang kumapit sa damit niya. Pero hindi siya natinag sa halip at kinadakad niya ako papunta sa bahay.

''H - Hwag .. nagmamakaawa ako!''

''Bullshit! You don't remember me? Dapat pala pinuruhan na kita noong una! Pero, akalain mo yun? Mahahanap pa pala kitang hampaslupa ka! ---- oh bakit? Masakit ba ang ulo mo? Iinarte? Hahahaa!''

Bigla ay sumakit ang ulo ko pero hindi ko yun ininda.  Pinuruhan? Saan?

''Tu - tulungan mo ako.. ang sakit nang ulo ko..''

Napahawak ako nang madiin sa sentido. Sobrang sakit na may mga ala alang bumabalik pero kapag pilit kong inalala ay lalong sumasakit ang ulo ko.

''Fuck you! Ano ka, si Ella? --- ''

Reffaella Cellestial Lambert.

Ella -- babe.. you don't have the rights to say's Ella's name, Lorvin!

Mga tinig na naririnig ko mula sa nakaraan. Bigla ay natigil ang pag ikot nang mundo ko.

''Ella? Raffaella? --  si Ella..''  ang dating asawa ni Shiba.

May kung anong pumantig sa ulo ko na nagpaluhod sa akin. Natitigilan ako at naninigas. Dios ko, bakit ang sakit?

''Shit! Anong nangyayari sa'yo?! -- Up!''

Di ako makagalaw kaya ang sa huli ay sa buhok niya ako nahawakan at hinila iyon na lalong nagbibigay sakit sa ulo ko , pati sa puson ko.

''Hindi!! Hwag! Tama na!!''

----

Abangan:

''Sweet goodbye.''

---

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now