Tm2 - 12

7K 230 6
                                    

Ang sarap nang pakiramdam ko. Akalain mo yun, kasama ko ang amo kong bugnutin sa kainang pang mahirap? Aarte pa eh, kakain din naman pala. Alam ko namang nagustuhan niya doon yung pagkakain. Pinarada ko ang sasakyan nang makabalik na kami nang kompanya. Tahimik pa rin siya pero okay lang yun. Dalawang araw pa lang pero nasasanay na ako sa kaniya.

''Sunduin mo sa school si Bree, around three pm. Wala akong out meeting kaya yun na ang gagawin mo mamaya.'' Bilin niya sakin bago siya bumaba.

Tumango ako, alam ko naman na din yung paaralan nung bata. Kaso nga lang, di ko pa siya lubusang kilala basta ang alam ko ang madrama siya. Yung iyaking bata.

Nang wala na akong gagawin ay naisipan kong bisitahin muna si Baste. Pero ang grupo ulit ni Lorvin ang nakasalubong ko at kahit iiwas ako ay huli na dahil nagtama na ang tingin namin.

Letcheng pusong to! Ba't ba pag nakikita ko siya ay bumibilis agad ang pintig nang puso ko?

''Youmie!''

Ngumiti lang ako at tatalikod na sana.

''Wait! --- uhmm, magkita nalang tayo sa office.'' Sabi nito sa grupo niya at lumapit sakin.

Ano ba naman yan, nahihiya ako sa kaniya. Dapat kasi iiwasan ko na siya, baka kasi malalaman pa ito nang boss ko.

''Hi! ''

Sinabayan ko ang lakad niya. Ang bango niya. Bakit ba palaging agad na pumapasok sa isip ko ang hubad niyang katawan? Katulad kaya ito nang katawan dun sa porn na pinapanood ni Baste? Hay, dios ko! Nababastos na ang isip ko!

''How's your lunch?''

''Ha, ah -- eh, okay lang. Dun kami ni sir Iba sa karenderya nang kaibigan ko.''

Di ko naman maiwasang mapangiti dahil alam kong busog na busog ang boss kong gay.

Tumigil siya sa paglalakad at nakatingin siya sakin. Di ko alam kung dumi ba ako sa mukha o magulo ba ang buhok ko.  Kinunutan ko siya nang noo.

''You called him, Iba?''

''Opo, kasi nga po masyadong mahaba yung Shiba Sean. Edi, Iba nalang para naman maiba di ba?''

Tumawa pa ako nang onti pero mabilis itong mapawi nang ibalik ko ang tingin sa kaniya.

''Naku sir wala po akong hidden desire kay sir Iba.'' Gusto ko pa sanang idagdag ang tinatagong sekreto ni sir Iba eh.

Humugot siya nang hininga.

''Okay ---- alright. What about sabay tayong mag dinner mamaya? Libre ko.''

Ay! Pagkain at libre!

''Sege bah! Uhmm -- '' ang bilis ko naman kasing makasagot!

Tumawa siya at ang gwapo lang. Gusto kong himatayin sa sobrang gwapo niya. Ang gwapo niya at mabango.

''So paano? Hihintayin kita sa labas mamaya?''

Ngumiti ako nang matamis at tumango. Nakita ko siyang umiling-iling saka niya ginulo ang buhok ko.

Teka ilang beses niya nang ginawa yun ngayong araw?

----

Eksaktong alas tres nang hapon ay nasa labas na ako nang campus nung anak ni sir. Hindi ko alam kung alam niyang ako ang susundo ngayon. Wala din akong numero niya para matawagan ko. Nasa labas lang ako ng kotse habang patingin tingin sa mga studyanteng lumabas.

''Youmie? -- bakit ka nandito?''

Yun na nga hindi ko siya makita sa mga papalabas nang gate dahil papasok pala siya. Napatingin ako doon sa lalaking kasama niya.

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now