TM2 - 13

6.8K 282 24
                                    

Mabilis na lumipas ang araw na naging buwan na at minsan nalang kaming nagkikita ni Baste. Patuloy naman din ang labas namin ni Batman, mag kaibigan na kami. Palagi na rin kaming nag  a - ice cream ni Bree.

Ilang araw na wala paring kibo si sir at puro  'bobo' ang naririnig ko sa kaniya na nakasayan ko na. At mahigit dalawang buwan ko na ring pinaplano kung paano ko makita ang ngiti ni sir Iba. Pero paano nga ba?

----

NAPAMURA ako nang matindi nang biglang umusok ang harap ng sasakyan ng tanghaling iyon.

''What happened?''

Napapikit ako nang magsalita ang boss ko. Ihahatid ko siya ngayon sa isang meet up meeting sa isang hotel pero hindi pa kami nangangalahati ay biglang umusok ang makina nang sasakyan. Urgent pa naman yun! Pakshit!

''Miss Diomampo, I have a meeting with the board!''

Lumabas ako at binuksan ang hood nang kotse.

''Tang ina!'' Napa ubo pa ako nang malanghap ko yung usok. ''Sir, pasensya na tinopak si Potpot.''
Umiling iling ako habang kinakausap siya sa bintana.

''Who's Potpot?''

''Este, ang sasakyan po.''

Natawa pa ako nang onti, Potpot kasi ang tawag ko sa kotse niya.

''And what do you want me to do now, Miss Diomampo?''

Naka busangot ulit ang boss ko. Lumabas siyang padabog ng kotse at nakapameywang nang humarap sa akin.

''Sir, aayusin ko nalang po. Tatawag nalang po muna ako nang taxi para masakyan niyo.''

''Of course you can do that! But where you can find a cab at these place? I told you not to go with short cuts, see what happened?!''

Nilibot ko din ang tingin ko at nagsisi. Nasa isang eskinita ko pala minaneho ang kawawang kotse ng amo ko. Nanlumo ako, napaka bobo ko kasi.

Kinuha ko ang tools sa likod ng may tawagan ito at pumwesto ako sa harap. Maayos ko naman ito kahit sampung minuto lang.

''Stop that Miss Diomampo! Be sure to securely lock the car, papunta na dito ang mekaniko ng kompanya.''

''Eh, sir. Maiiwan nalang po ako dito baka mapano ---''

''Atleast if I'll ride a bus may kasama ako. Get my things.''

Minsan gusto ko nang sapakin tong lalaking 'to pero dahil natutuwa akong mag ba - bus kami ay isinantabi ko na ang sapak na yun at ereserba sa pagdating nang tamang panahon. Namis ko na ring mag bus.

Pero sa kamalas malasang pagkakataon ay sa isang punong bus ang nasakyan namin. Nahihiya ako sa amo ko, siguro first time niya dahil halatang hindi siya komportable sa kinatatayuan niya.

Marami pang napapatingin sa kaniya dahil wala sa hitsura niya ang sasakay ng bus. Bakit ba kasi hindi ko chi - neck yung kotse! Bumuga nalang ako ng hangin at lihim na nagdadasal na sana makarating na agad kami.

Nang pumik - up pa ang driver ng pasahero ay mas lalong sumikip ang distansya namin ni sir. Luminga pa ako para maghanap nang mapakiusapang naka upo pero wala. Walang gustong makipagpalit nang tayo at ibigay ang pwesto. Mahigpit pa ang hawak ko sa papeles kesa sa hawakan, importante yun eh.

Agad akong yumuko nang mahagip ko ang tingin ni sir. Nakasimangot at konting konting nalang ay parang sasabog na siya. Alam kong nagpipigil lang siya doon sa mga taong bumabangga sa kaniya kapag may ba baba. Gusto ko pang matawa, akalain mo yun, ang isang Shiba Sean Lambert na napakayaman ay sumakay nang bus?

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now