TM2 - 16

6.7K 243 8
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas mula noong aksedenteng iyon. At ilang araw na rin akong tigalinis ng bintana sa second floor ng Ricaforte building. Okay na yun, basta ba may trabaho parin ako at sumasahod kahit mas kaunti iyon kesa sa noong driver ako. Yun nga lang di ko na talaga nakita ang tunay na ngiti niya. Palagi na ring si Baste ang aking kasama kapag umuuwi sa gabi. Kapag tanghalian naman ay laging si Lorvin ang kasama ko. Minsan niya pa nga akong inalok nang trabaho sa kaniya pero tinanggihan ko. Baka magkita pa kami ni Sir Iba.

Masama ang loob ko sa aking dating boss, pagkatapos kasi nang pangyayaring yun ay di niya na ako pinapansin. Naiinis ako sa kaniya dahil kapag nagtatagpo ang landas namin ay parang di niya ako nakikita. At ang masaklap ay di man lang niya pina alam sa kin na tanggal na pala ako bilang driver niya. Alam ko namang may mga mali akong nagagawa pero hindi sapat na dahilan yon para tratuhin niya ako nang ganito. Iba kasi talaga kapag mayayaman!

Inabangan ko si Lorvin sa may parking lot sa ground floor ng tanghaling yun. Ganoon kasi yung gawa namin kapag tanghalin na. Dito lang naman din kami kumakain sa kotse niya kapag nagdadala ako nang baon. kapag siya naman ang taya ay bumili din siya at doon pa rin namin iyon kakainin.

Ilang minuto naman din akong nauna kaya naghintay na ako. Libre ko naman ngayon kaya mas maaga ako. Napatingin ako sa dala - dala kong baon, pinagluto ko siya nang pritong tilapia at ginisang mongo. Pinabaunan din ako ni Lola nang Espasol para daw kay Batman dahil hinaluan niya daw iyon nang gayuma. Nasa iyon nang paper bag.

Napangiti ako nang maalala ang sabi ni Lola, ''pakainin mo nang Espasol para naman mas lalong mamahalin ka.'' Umiling pa ako si Lola kasi, kahit ano ang iniisip. Eh, sa mag kaibigan lang talaga kami ni Lorvin.

Luminga ako nang may marinig akong naglalakad. Pero natigilan ako, naging estatwa ang katawan ko. At sa hindi ko malamang dahilan ay lumakas ang tibok nang puso ko. Dinig ko ang bawat kabog ng aking dibdib. Kahit ang aking paghinga ay napigilan ko pa.

Si sir Shiba ang nakita kong paparating. Gusto kong magtago o tumakbo palayo. Mas mabuti na yung ako ang unang iiwas kaysa maunahan niya ako. Pero nakatayo lang ako doon at nakatingin sa paglapit niya. At nang magtagpo naman ang tingin namin ay bumagal ang hakbang niya.

Dios ko, bakit parang nagslow motion siya? Bumuntong hininga ako nang tumapat siya sa gawi ko. May mga tumutubo na balbas sa mukha niya na nagpapalakas lalo nang appeal niya.

Pinilit kong yumuko dahil ayokong una niyang irapan ako at di pansinin na parang di niya ako kilala. Wala naman akong gusto sa kaniya pero bakit nakakaramdam ako nang konting kirot sa mga pangyayaring yun? Ewan, pero nasasaktan ako kahit ayokong aminin.

Napatingin ako doon sa sapatos na huminto sa harap ko. Mabuti nalang at nandito na si Lorvin. Gumaan ang pakiramdam ko at na napangiti nang mag angat ng tingin.

''S - Sir Iba.''

Nagkamali ako dahil sa dating boss ko pala ang sapatos na yun. Deretso ang tingim niya sa mata ko. Ilang minuto bago siya humugot ng hininga.

''Samahan mo akong kumain.''

Saka siya tumalikod. Syempre, di ako naka imik. Nagulat ako doon, hindi naman na niya ako driver pero kung makapag utos ay parang kahapon lang kami huling nag usap. Hindi ako gumalaw sa huli, ni hindi ko siya sinundan ng tingin. Narinig ko siyang huminto at napa tss. Ang yabang, pero may kung nag - utos sa akin na harapin siya. Nayayamot siya, pero paki alam ko ba?

Bumalik siya sa kinatatayuan ko at kinuha ang dala dala kong paper kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Hindi pwede , maghihintay sakin si Lorvin.

''Kasi sir, may hinihintay ako, oy!'' hindi siya tumigil.

Mabilis ang hakbang niya upang di ko siya maabutan pero nang tumapat naman kami sa sasakyan niya ay huminto siya at humarap sa akin saka ako tiningnan. Sout sout ko pa yung utility na uniporme ko, kaya nga dito lang kami kumakin ni sir Lorvin kasi ayokong lumabas nang naka ganito.

Hindi ko nga siya maintindihan kung gumaganito siya sa akin ngayon.

''Mag - oorder nalang ako nang pagkain. ''

Sabi niya agad saka lumakad pabalik. Hinintay niya ako sa harap nang elevator, sumunod ako at tumabi na sa kaniya. Tahimik siya. Sabay kaming pumasok sa elevator ng bumukas ito. Sa rooftop ang pindot niya.Nagtaka ako, bakit doon pa? Walang katao tao sa lugar na yun, anong gagawin niya sa akin? Ihuhulog niya ba ako doon, bilang ganti nung masakal ko siya?

First time ko sa lugar na ito at nakakalula. Tatlong po lang naman ang palapag pero mula sa kinatatayuan ko ay halos makita ko na ang boung syudad. Dinama ko ang hangin, hindi masyadong nangangamoy usok.

Mabilis kong inagaw sa kaniya ang kaniyang phone nang may tawagan siya dito.

''Hey!''

Ngumiti ako at kinuha ang paper bag mula sa kaniya. Nilapag ko lahat nang yun sa may mesang nasa sulok.

''Hwag ka nang umorder sir, may baon naman ako at sakto sa dalawa to.''

Hinintay ko siyang makalapit at umupo. Nakatingin lang siya sakin habang pinagsandok ko ang maliit niyang plato.

''Kumain ka ba nang tilapia? -- nga pala hindi kami nagkukutsara ni Lorvin. Naglalagay lang kami nang celophane sa kamay.''

''Lorvin?''

Napakagat ako nang labi.

''Sir Lorvin pala.''

''Sabay kayong kumakain? Kailan lang? I mean —''

Embis na sagutin siya ay sumubo na ako. Hindi ko na siya tiningnan nang sumubo din siya. Baka kasi mahiya pa siya at iwan na naman ako.

Narinig ko siyang tumikhim.

''How are you?''

Mahinang tanong niya pero rinig na rinig ko kaya nabigla ako at ano daw? Ang dati kong boss, nangungumusta? Haha!

''Aba, okay na okay ako sir!''

Sumubo siya nang Espasol ni lola.

''Naku sir, masarap yan. Ang lola ko ang may luto niyan at may gayuma pa kaya hwag --''

Bigla siyang umubo kaya binigyan ko siya noong juice na dala ko.

''You talked too much.''

Inirapan ko siya at kumain na din nang Espasol. Ano kayang naisip nang lalaking to, bakit bigla niya akong niyayang kumain? Namiss niya kaya ako? Hindi, siguro may kailangan siya sakin.

Umiling ako at niligpit na ang pinagkainan namin. Naka upo lang siya at alam kong nasa akin ang tingin niya. At nang matapos ako ay sinalubong ko ang tingin niya. Pero mabilis siyang nag iwas nang tingin at bumuntong hininga.

''Masarap ang pagkain.''

Napangiti ako sa sinabi niya. Bakit ba kasi noon ay di ko naisipang magbaon para matikman naman niya ang luto ko.

Sabay kaming tumayo at humarap sa kabuoan ng syudad.

''Maganda siguro dito kapag gabi, Iba't ibang klase ang kulay ng ilaw, maraming bituin at malamig ang hangin.'' Nakangiti lang ako habang pinapanoud ang mga sasakyan sa baba.

''Dito na tayo maghapunan mamaya.''

Bigla akong napatingin sa dereksyon niya. Tumalikod na siya at lumakad na papuntang pinto.

Ngumiti ulit ako, totoo kaya nilagyan ni lola nang gayuma yung espasol? siguro ito na yung pagkakataon para makita ko ang ngiti niya.

Sabay daw kaming maghapunan mamaya. Maayos na kami at sana dito na magsisimula ang pagkakaibigan namin.

------

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now