7 Gusto kita.

8.6K 281 11
                                    

Nag umpisa akong may ngiti sa labi ng araw ding iyon. Hindi naman na ako pinag drive ni sir Lambert pagkatapos nang eksena kanina. Umalis nalang siyang naka simangot kanina sa harap ko. Wala akong paki, basta tinamaan na ako ni kupido sa lalaking may Lord ang pangalan.

Maglinis nalang daw ako sa kotseng may plate number na ganun, yun ang huling bilin ni sir. Pagkatapos kong mag lunch ay inumpisahan ko agad ang paglilinis. Wow lang ha, ang gara nung sasakyan. Itim iyon at masyadong tinted. Siguro big time talaga si boss.

Pero in fairness ha, batang bata pa ng amo ko para magkaroon nang anak at parang magkapatid lang sila. Siguro maagang naglandi? Syempre, sino ba naman kasi ang hindi maghahabol doon? Papabol at may dating talaga, siguro din ang gaganda at ang ga - gwapo nang angkan nila. Kasi nga ang gwapo talaga noong Lord, oh my god. Ang saya saya ko pa ng sabihan niya ako ng "Gusto kita."

Impit akong tumili nang masiguradong walang  tao sa paligid.

Siguro alagang gym yung katawan ni Lord. Ini - imagine ko kaagad kung gaano katigas iyon, siguro lahat nang babae at bading mapapatingin talaga sa kaniya kapag nagagala siya sa mall.

Shet! Ano kaya ang gusto niya sa babae? Sana naman makita ko siya ulit!

Patapos na sana ako ng may tumikhim sa likod ko. Napamura pa ako nang muntik ko nang mabitiwan ang box ng vacuum. Inis akong humarap, mabilis naman akong umirap nang si boss ang malingunan ko. Hindi naman siya ang gusto kong makita eh!

"Sir naman eh! Ginugulat mo ako!" Pabagsak kong nilagay sa likod nang kotse ang vacuum. At nang balikan ko siya ay nasa loob na siya nang kotse at kampanteng naupo.

Pinandilatan ko siya nang mata. Lintek naman oh! Kakalinis ko lang eh! Sinilip ko siya mula sa bintana nang kotse. Anong problema nang isang 'to? 

"Get inside and drive. I have an urgent meeting with the board." Anitong nasa papeles ang atensyon. "Hurry!"

"Yes sir." Wala akong nagawa kundi ang pumasok na at pinaandar ang sasakyan.

Sinabi niya sakin ang lugar at yun ay ang Lambert Industrial Inc. Alam ko yun eh, isang din ang kompanyang iyon na tinitingala nang bawat Pilipino ngayon. Aba, akalain mo yun? Edi, big time nga ang bossing ko. Kaya ba laging hard yung mukha niya? Iba ang mayaman eh, mayayabang! kaya laging mainit ang ulo!

Eh, big time pala, eh bakit walang sariling drayber? Kuripot? Umiling iling akong nagmaneho na. Pasado alas tres 'y medya nang marating namin ang kompanya. Ibinaba ko siya sa harap, pero my ibinigay siyang bagay na ipinagtaka ko, cellphone iyon. Iyong latest model ba na palagay ko ay  napakamahal nun.

"Keep that, I'll call you when I'm done."

Gusto ko pa sanang magsalita nang lumabas na ito agad. Napatingin ako sa bagay na yun na nasa kamay ko na. Bago at ang ganda, kaso nga lang hindi ko naman alam kung paano gagamitin.

Umiling iling akong  nag drive papuntang park area. Doon na din ako naghintay, nakatulog na nga ako dahil wala naman akong ibang gagawin.

Nang magising ako ay alas sais na nang Gabi. 

"Aba, dapat out ko na ngayon ah. Unang araw ko ngayon tas over time agad? Ang tagal!"

Nagulat naman ako nang tumunog yung cellphone.

+63932******* calling..

Sin - wipe ko iyon.

"Papalabas na ako."

Call ended. 

"Wow! Ang yabang! Tang ina, kala mo kung gwapo! Fwe, talaga!" Gusto ko pang sumigaw sa inis. "Wala man lang, hi, pasensya na kasi ginabi kami, gutom ka na ba? Alam mo sir? Ang pakyu mo!" Kausap ko sa sarili.

Mabilis akong pumarada kung saan nakatayo si sir. Hindi na din ako lumabas upang pagbuksan siya. Hinintay ko kung anong sasabihin niya nang maka upo na siya sa loob. Nakakainis eh, naghihintay na malamang sakin si Baste. Nasa locker pa naman ang cellpone ko!

"Why you're not driving?"

Nakasimangot akong humarap sa kaniya mula sa driver's seat. 

"Saan tayo, sir?" Madiin kong tanong sa kaniya.

Tumingin ito sa orasan niya at bumuga nang hininga. Lumabas sa kotse, nagtataka akong sinundan siya nang tingin at isang iglap lang ay nasa gilid ko na siya. 

"Let me drive."Binuksan niya ang pinto at pinapalabas ako. 

"Ikaw na ang magda -drive, sir?" Lumabas na ako at hindintay siyang makapasok sa driver's seat. Sinilip ko siya mula sa labas. "Uuwi na ba ako?"

"Tsk! bobo --- get inside." 

Nanlaki ang mata ko. Pucha! alam kong high school lang ako at bobo talaga ako pero, nak nang pucha! harap - harap ba naman akong sabihan nang bobo?!  Padabog akong pumasok sa likod.

"Dito kana sa harap, magmumukha akong driver mo."

Ang yabang yabang yabang! Lumipat ako sa tabi niya. Wala naman na din akong magagawa eh, amo ko siya. May naaninag akong ngisi sa mukha niya bago niya pinaandar ang sasakyan.

Akala ko deretso na kami ng Ricaforte building pero ibang direksyon ang pinuntahan namin. Huminto ang sasakyan sa harap nang isang kainan. Bigla akong nakaramdam nang gutom. A Taste of L.A, yun yung pangalan noon. Mahal siguro dito. 

"Come with me."

Napangiti akong sumunod sa kaniya, e -lilibre ako ni boss! wow sa unang araw!  Nilibot ako nang tingin kabu -uan nang restaurat, ang ganda. Feeling ko maganda dito kapag may nag de- date, napakamot ako nang batok, Hindi naman kasi kami mag de - date. Sinundan ko siya.

"Good evening Maam, Sir." May binigay yung waiter na menu at si sir na ang kumuha.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Napakatahimik niya, siguro boring yung asawa niya kapag kasama ang lalaking 'to? 

"Two Grilled Australian chops, grilled blue martin steak, plain steamed rice and Red wine.---"

Nanlaki ang mata ko. "Ang dami naman niyan, sir!"

"Alam kong gutom ka at malakas kang kumain. " sabi niya sabay ngisi nang kaunti.

Para akong naubusan nang hangin sa baga. Napapikit ako upang magpigil saka ako ngumiti nang matamis. Halata kong natigilan siya sa ginawa ko. Konting sweet pa, Ommie.

"Sir, ang bait mo naman pala. Nagpapakain ka ng trabahante mo. Alam mo, gusto kita." Ngumiti ulit ako nang matamis.

Alam na alam kong nabighani siya sa ganda ko. Nestatwa siya sa ginawa ko, eh. Lihim akong napangiti. Pero laking gulat nalang ko nalang nang bigla niyang hinampas nang malakas ang mesa.

"Shit! Will you please stop doing that!''

-----------

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Where stories live. Discover now