20- Father

36 1 0
                                    

Dylan's POV

It's been 3 years magmula nang umalis ang mga Seidenfield. Walang nakakaalam kung nasaan sila pero patuloy pa rin ang paglago ng businesses nila kaya nga lang, walang nakakaalam kung sino ang nagtataguyod nito.

Isang taon na akong papalit palit ng mga private investigator para lang mahanap ang mga Seidenfield. Pero kahit anino man lang, wala akong nahanap.

"Papa." Napalingon ako sa batang nagsalita.

"Yes, baby?" Kinarga ko ito pinaupo sa lap ko. Ang cute ng batang ito, ang taba ng cheeks at mapupula pa. Kitang-kita din na nagmana ito sa ina.

Nilalaro lang nito ang necktie ko nang biglang pumasok ang asawa ko.

"Kriella." She just smiled at kinuha ang anak namin.

Oo, isang taon na kaming kasal ni Kriella at anak namin si Anna.

Paanong nangyari iyon?

Flashback

Matapos naming mag-usap ni Ezekiel, bumalik ako kaagad sa bahay namin.

Doon, natagpuan ko si Kriella na walang malay.

"Damn." Agad ko siyang binuhat at dinala sa ospital. Ilang oras ang paghihintay at agad din akong kinausap ng doctor.

"Are you her husband?" Umiling naman ako agad.

"I'm her friend."  Tumango naman ang doctor.

"Since, ikaw ang guardian ngayon ng pasyente ikaw na ang sasabihan ko. She's 1 month pregnant and her pregnancy isn't safe. Mahina ang kapit ng bata at kailangan nitong lumusog. The patient also isn't healthy, from the tests kamakailan lamang, she suffered a lot of stress and she has to stop that. Next week, kailangan niyang bumalik dito for further check ups at bukas, pwede na siyang makalabas." Tumango ako sa doctor at nagpasalamat.

Pumasok ako sa private room ni Kriella and there, I saw her on the hospital bed.

"Hey." Nilingon niya ako.

"I'm sorry naabala pa kita. May sakit ba ako?" Kalmang sabi niya.

"Y-you're a one month pregnant at hindi m-malakas ang kapit ng baby m-mo."

"Ako buntis? Anak ko? Anak mo rin ito, Dylan." Mangiyak-ngiyak na sabi niya. Inalo ko naman siya. She needs to stop stressing herself.

"I know na hindi ako ang ama niyan. Walang naganap sa atin for the past two months. But don't worry, kahit hindi man ako ang ama niyan I'll still take her or him as my own until makilala mo na ang ama niya.After all, you're my bestfriend."

"Marry me, Dylan." Bahagya akong napalayo.

"D-di pwede. Kailangan ko pang ayusin ang gusot namin ni Xia. And I want to marry her." Umiling ito.

"For the meantime only para hindi maging masama ang tingin ng mga tao sakin at sa pamilya ko." Mahinang tugon nito habang lumuluha.

Mahirap na makita siyang ganito. I still do love her, as a friend at may pinagsamahan din naman kami.

"O-okay." She smiled at me weakly.

"She missed her daddy daw." Nakangiting sabi ni Kriella.

"Talaga, baby? Gusto mo kumain sa Jollibee?" Mabilis naman itong tumango.

Inayos ko muna ang schedule ko bago kami nagtungo sa mall.

"Ako na mag oorder." Sabi ni Kriella. Tinanguan ko lamang siya at nilalaro ko si Anna at agad namang nakabalik si Kriella. Hindi naman kasi maraming tao.

"Here na baby, enjoy hour meal princess." Masayang sabi ni Kriella. Agad kinuha ni Anna ang burger at fries at agad itong nilantakan. Kinuha ko na rin ang pagkain ko at kumain na rin kami ni Kriella.

"May nahanap na akong lead kung sino ang totoong ama niya, and it seems that he's also finding his daughter." Natigil sa pag kain si Kriella at alam kong alam niya ang ibig kong sabihin.

"W-wag muna, Dylan. Bata pa si Anna hindi niya pa maintindihan." Napailing naman ako.

"I know Anna, matalino siyang bata at alam kong agad niyang matatanggap ang totoong ama niya." Hinawakan ni Kriella ang mga kamay ko.

"Ayaw mo na ba sa amin? Sawa ka na bang magpanggap na ama kay Anna?" Maluluhang sabi nito.

"I love Anna and as much as I want to be her father, nakokonsensya ako sa totoong ama niya. I don't want to rob his time and title as her father and as your husband." Umiling siya ulit.

"J-just...I need some time."

"I already gave you three years, Kriella and she's back." Nanlaki ang mga mata nito at unti unti na ring napaiyak. Napailing na lamang ako.

She's back.

Does Forever Exist?Where stories live. Discover now