19- Lie

45 3 0
                                    

Dylan's POV

Pumunta na ako sa sinabing lugar ng makikipag kita sa akin. True to his words, wala talagang katao-tao ang lugar na ito at alam ko kung bakit ganito ang set-up namin.

"Ezekiel." Sabi ko nang makababa na ako ng aking sasakyan. Tinignam naman ako nito pero blanko ang ekspresyon ng mukha nito. Nakapamulsa lamang ito.

"Dylan, nagkikita ba kayo ni Xia?" Seryoso niyang tanong sa'kin. Alam ko na kapag sasagutin ko ito, mawawasak nanaman lahat pero ayaw ko nang magkaroon ng isa pang kasalanan. Ayaw ko nang magsinungaling.

"Yes." Simpleng kong sabi at nakita kong kinuyom nito ang kanyang kamao.

"Fck. Kailan pa?" Masama ang tinatapon nitong tingin. If looks could kill, kanina pa ako patay.

"Isang beses lang. The first night na pinagbawalan niyo kaming magkita, tinakas ko siya at inuwi bago nag-umaga." Umigting ang panga nito at ako ay walang ideya kung bakit ganito ito umakto at kung bakit ganito ang mga tanong nito.

"I knew it." Tumalikod na ito at akmang sasakay sa kanyang sasakyan pero tinawag ko ito at tumigil.

"Anong ibig sabihin ng mga tanong na ito, Ezekiel? Kung magsusumbong ka, magsumbong ka pero sana isipin mo na mahirap ito para sa akin, para sa ating lahat. We we're friends,we treated one another as family pero hahantong lang sa ganito." Kinuyom nito ang kamao pero huminga ito ng malalim at kinalma ang sarili.

"These are all your fault, Moraleon. Kung hindi mo lang sana sinaktan ang nag-iisang diyamante ng mga Seidenfield, hindi sana magiging ganito kahirap. You left us with no choice." Sumakay na talaga ito sa sasakyan pero may tinanong ako.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko rito. Ngumisi lamang ito at umiling.

"Someday, you'll know at pagsisisihan mo ang lahat ng pasakit na binigay mo kay Xiamara." Tuluyan na itong umalis at sa pag-alis nito ang abg pag baha ng samut saring tanong sa utak ko.

Xia's POV

Kumakain na kami ng dinner at tahimik sina mom at dad.

"Ma, ba't ang tahimik niyo?" Pagtataka ko.

"We're leaving tonight. Pupunta tayong Italy." Simpleng sabi ni dad.

"Huh? Bakit? Paano na ang mga kaibigan ko?"

Hinawakan ni mommy ang kamay ko.

"Hija, this is for your own good. You need to unwind and relax. You need to find yourself, you need to stand on your own again and make a better version of yourself." Mahinang tugon ni mommy Angela. Tinignan ko naman si Ezekiel.

"Ezekiel? Sang-ayon ka dito? Paano na ang girlfriend mo? Ang kompanya?" Umiling lamang ito.

"Mas pipiliin kita, ang pamilya natin kesa sa girlfriend ko, and besides napag-usapan na namin ito and she agreed na LDR muna kami at about the company, I can still manage it kahit nasa Italy tayo." Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nila. Tila, ang bilis ng mga pangyayari.

"Wala na ba talaga kaming pag-asa?" Mahina kong sabi hoping na hindi iyon nila marinig pero mali ako.

"Wala na talaga kayong pag-asa dahil magpapakasal ma sina Kriella at Dylan." Matapang na sabi ni Ezekiel.

Naluluha akong tinignan sina mom at dad, naaawa sila sakin. Umiling nalang ako at naglakad patungo sa kwarto ko. Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap doon ang isang picture.

Ang picture na magpapaalala sa naging ugnayan namin ni Dylan.

Napabuntong hininga nalang ako habang umiiyak at niyayakap ang maliit na litratong iyon.

Wala ba talagang forever? How I wish I would end up like my parents' love story pero, masyadong malabo para mangyari iyon.

Sometimes, natatanong ko meron ba talaga forever ang bawat tao sa mundong ito, o sadyang pinipili lang talaga ang magkakaroon nito?

Does Forever Exist?Where stories live. Discover now