3- Arrangement

61 3 0
                                    

Xia's POV

"WH-WHAAT?" oops

Napalakas ang sigaw ko eh kasi naman diba? Nakakashock kaya!

"X-xia? Darling narinig mo lahat?"- Mommy Angela. Come on mag rereact ba ako kung hindi ko narinig?

"Y-yes. Sorry for eavesdropping."

"No. It's fine dear. Ngayon mo din naman ito malalaman eh." -Tita Bea

"Pero ano kasi may ano.." Dad cut me off at nagsalita siya

"Anong problema mi Xiamara?" I was stunned full name at hindi nicknames at galit ang tono.

"Hinahon muna Keith. Mas mabuti pa sabay na nating isabi kay Dylan at Xia." Tito Marion.

P-pero! Wait paano si Kriella? Diba sila ni Dylan? Ano na ang mangyaya----

"Let's go downstairs lets all talk about this arrangement."- sabi ni dad na hindi ako tinatapunan ng tingin. Si dad kasi eh isang salita lang dapat sapat na at susunod kana. No more buts dapat.

Lumabas na kami s library pero nagpahuli ako. May nakita akong papel sa table ni dad...

At napahikbi ako....lumulubog n-na ang kompanya namin at hindi na ito kaya pang salbahin.

K-kaya p-pala may Arrange Marriage sa mga Moraleon para may sustentuhan ang kompanya n-namin.

Napagisip-isip ako at isa lang ang naisip ko.

"Maam pinababa na kayo ng mama niyo."- kasambahay

"S-sige manang susunod napo."

Bumaba na ako at nakita ko ang mangiyak-ngiyak na ekspresyon ni Kriella.

Dylan's POV

"Anak, ipapakasal namin kayo ni Xia."- Mama Bea

Nagulat ako at napahigpit ang hawak ni Kriella sakin. T-teka bakit naman kami ipapakasal?

"Bakit ipapakasal niyo ako sa kanya? At isa pa girlfriend ko si Kriella."

"Huwag kang umangal! Ito ang utang na loob mo sa mga Seidenfield tinulungan nila tayo noon at ngayon tayo naman ang tutulong sa kanila!" Striktong sabi ni dad. Magsasalita pa sana ako ng magsalita si Xia.

"Please pakasalan mo na ako Dylan."

Tinignan ko siya at kitang-kita ko ang sakit sa mata niya. Hinawakan ko ang kamay ni Kriella para maging secure siya.

"Xia! Ginusto mo ito? Kapatid ang turingan natin sa isat- isa!"

"Per-pero m-mahal k-kita." Sabi niya na humihikbi pero hindi ako magpapadala hindi ko siya mahal. Si Kriella lang!

"Ano!? Alam mong mahal ko si Kriella noon pa pero pinagsiksikan mo ang sarili mo! Mag sayad ka ba sa utak at hindi mo yun naintindihan?!" Tinayuan ko siya at sinigawan pero isang malutong na sampal ang natanggap ko. At nung tinignan ko kung sino yun hindi ako makapag salita.

Si tita Angela ang sumampal sa akin at never pa niya nagawa iyon sa kahit sino.

"Wala kang galang! Pasensya nalang sa inyong mga Moraleon pero kung dito din lamang mapupunta ang anak ko, bahala nang maging mahirap kami huwag lang masaktan ang anak ko! Ikaw Dylan ipasok mo sa kukote mo ang nagawa namin noon sa inyo at isa pa ipapaalala ko lang wala pang nakagawa niyan sa anak ko, Ikaw pa!" Umalis na siya at sinundan na siya ni Angela. Nilingon ako ni Tito Keith.

"I'm very disappointed. Excuse us." Umalis sila at naiwan kami dito.

"Let's go home."- Mama Bea

"We're not done yet Dylan. We are all disappointed sa inasal mo." Nasaktan ako sa sinabi ni dad pero tama nga sila I am very disappointing.

"Uuwi na din po ako."- sabi ni Kriella.

"Huwag. Sumabay ka samin at mag-uusap pa tayo."- dahil sa seryosong tono ni das napasunod kaming lahat. Nag paalam na kami sa katulong ng mga Seidenfield.

Angela's POV

Natutulog na si Xia sa kwarto niya at nandito kami ni Keith sa kwarto namin.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ko sa asawa kong busy sa laptop niya.

"Tumingin ng ibang options."

"Ano pa ang ibang option? Ibenta ang kompanya?" Nakakunot ang noo ko habang sinabi ko yan.

"Yan ang hinding hindi ko gagawin. Matagal na ang kompanya na iyan at marami tayong pinaghirapan diyan." In-off na niya ang laptop at tumabi sakin.

"Makakahanao tayo ng paraan. Trust me." Hinalikan niya ang noo ko at nag goodnight.

Napabuntong hininga ako at natulog na.

----------

Sorry sa matagal na update! Huhu busy sa school eh!

Intense ang chapter na ito
Woohoo!

Does Forever Exist?Where stories live. Discover now