9- Drunk

43 2 0
                                    

Xia's POV

Gabi na nang mahatid ako ni Kevin sa bahay. Gumala pa kasi kami at kumain ng dinner.

"Thanks for today Kev!" Masaya kong sabi.

"No prob! Masaya ka ba?"

"Yeah thanks for that. Sige alis na ako pagod na rin kasi ako eh."

"Alright. See you!"

Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok na ako ng bahay. Off na ang lights maliban sa lamp shade sa living room. Pupuntahan na sana ko ito para patayin pero may nagsalita.

"Ganitong oras ba umuuwi ang matinong asawa?" Napangiwi ako sa sigaw niya.

"Dylan. Nag-apply lang ako ng trabaho." Simple kong sabi habang tinitignan siya. Ayaw kong makipag-away pagod ako.

"Trabaho huh?! Baka naman date? Kay Kevin?" Sarcastic niyang sabi habang lumalapit sakin.

"Dylan di iyon ganon. Magkaibigan kami."

Nanginig ako nang magsalita siya sa aking tenga.

"You're all mine Xia. Simula nang mahalin mo ako, akin kana."

Umupo rin kaagad siya sa sofa. I could smell the alcohol all over him. Kaya pala nagkakaganito ito. He's drunk.

"Only me owns myself, Dylan. Paano mo nalamang mahal kita?"

"Shanaia told me. I should treat you well kasi kahit daw mahal ko si Kriella, minamahal mo parin ako!"

"Oo mahal nga kita! Isa iyan sa rason kung bakit ako nagpakasal sa iyo!" Umiiyak nanaman ako. Naalala ko kasi na hindi niya pala ako mahal. He's acting possesive just because he's drunk.

Ngumisi siya.

"Lumabas din ang katotohanan! Nilinlang mo ako! Nang dahil sa iyo di ko mapapakasalan si Kriella!" Galit niyang sabi.

"Ngayong alam mo na? Masaya ka na?" I tried my best na hindi humagulhol.

"Yeah! I'm fuckin happy! You know why? I now have a reason to make your life a living hell with me!" Ngumisi lang siya at di ko maiwasan humagulhol na. Mas dumami ang luhang tumulo sa aking mga mata.

"Tsk. Umiiyak ka? Di mo ma gustong makasal sakin? Well sorry, tali ka na sakin!" Ngumisi lang siya at sinamaan ko siya ng tingin.

Iniwan ko na siya doon at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Okay na pala na kahit kapatid lang ang tingin niya sakin, kesa ganito poot at galit ang nararamdaman niya para sakin.

Bumuntong hininga ako at tumigil sa pag-iyak. Pinunasan ko na ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko.

Bumalik ako sa living room para sana umakyat na sa hagdan pero nakita ko siyang nakatulog sa sofa. Tinignan ko ang maamo niyang mukha habang natutulog.
He really is perfect. Napa buntong hininga nalang ako at agad din siyang inalalayan para mahiga sa master's bedroom.

Kahit ang bigat niya ininda ko iyon. Muntik na nga kami mahulog sa hagdan.

Nilapag ko kaagad siya sa bed at kinumutan. Hiniwakan ko ang pisngi niya pero nagsalita siya.

"I love you...." nag-aabang ako sa susunod niyang sabihin pero gumuho ang mundo ko nangarinig iyon.

"Kriella." Sabi niya. Tumulo nanaman ang mga luha ko. Di ko kayang tumabi sa kanya ngayong gabi. Iiyak lang ako ng iiyak kaya naisipan kong sa guest room matulog. Hirap ng sitwasyon kong ito.

Does Forever Exist?Where stories live. Discover now