"Sabagay kung si Avey nga ganon din kay Kill. Bakit hindi ka na lang kaya kay Alexa? Tutal close naman kayo non." sabi ni Ate Juls at ngumisi.

"Lah? Si amazona talaga. Ayoko nga sa kanya. Baka kapag niyaya kong makipagdate 'yon dalhin nya lang ako sa gubat." sabi ko. Pero joke lang 'yon, hindi bagay sa kanya sa gubat idate.

Bigla naman silang tumawa na dalawa. Tawa siguro sa biro ko.

"Ah ganon?" naestatwa ako nang marinig ko ang boses nya. Bakit ba palagi na lang sya sumusulpot kada sya ang pinag-uusapan? hindi lang sya amazona, may lahi din kabute.

"A-aw aw!" bigla na lang nya ako pinilipit ang braso ko patalikod.

"Parang kang aso." natatawa pang sabi ni Ate Shiela. Grabe kitang nasasaktan ako, tinatawanan pa ako.

"Alexa masakit! Aray!" binitawanan nya nga ako tinadyakan pa. Hays. Ang sakit ah. "Ang sakit non ah." sabi ko sa kanya.

"So?" sabay ngisi nya. Ang sama talaga ng amazonang 'to. Ipatapon ko kaya ito sa gubat.

"Kaya ayokong makipag-date sayo eh nananakit ka." sabi ko. Inirapan nya lang ako.

"Bakit gusto rin ba kitang maka-date?" hindi ako nakaimik doon kaya natawa sila Ate Juls.

"Ano? Wala ka pala eh." asar ni Ate Juls. Napangisi na lamang si Alexa at nagpaalam na babalik sa room.

Nag-jogging din pala sya, bakit hindi ko sya nakita?

"Mauna na rin po ako." paalam ko sa kanila. Tumango sila kaya pumanik na ako sa room namin ni Japan.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang nagkusa na itong bumukas. Bumungad si Japan na halatang bagong gising lang dahil magulo ang buhok nya.

"Good morning." ngiting bati ko sa kanya. Tinignan nya lang ako at nilagpasan. Pumunta sya katapat na room namin at kumatok ng wagas.

Nagulat ako sa ginawa nya. Grabe makakatok parang sisirain. Sa pagkatanda ko room 'yon ni Jayden at Louise.

"Ano ba?! Kita mong natutulog pa yung tao, kung makakatok ka ay wagas!" sigaw sa kanya ni Louise pagkabukas nito ng pinto.

"Where's Jayden?" bagkus ay 'yon ang tanong nya. Nailing ako dahil mas lalong nainis si Louise sa kanya.

"Natutulog pa." inis na sabi nya at pumasok sa loob. Pumasok naman doon si Japan.

Naiwang bukas ang pinto nila kaya nasisilip ko kung ano ang nangyayari sa loob.

Kumunot ang noo namin ni Louise nung pumasok ng banyo si Japan at lumabas na may dalang timba.

"Anong gaga─" hindi na natuloy ni Louise ang sasabihin nya dahil bigla na lang binuhos ni Japan yung timba na may laman na tubig sa natutulog na Jayden.

"Fuck!!" natawa ako sa reaction ni Jayden, miski si Louise na badtrip kanina ay natawa eh.

"Sa susunod na ibigay mo sa mga babae mo ang number ko ay mas malala pa ang gagawin ko sayo." sabi ni Japan kay Jayden tsaka lumabas ng kwarto at bumalik sa kwarto namin.

Sumunod na lang ako sa kanya sa loob at hinayaan na mawalan ng hangin si Louise kakatawa. Lagot 'yan mamaya kay Jayden for sure.

Hinanap ko si Japan dahil wala sya sa higaan nya. May narinig ako kaluskos ng tubig na nagmumula sa banyo. Baka naliligo na sya.

Naghanda na lamang ako ng damit ko. Habang hinihintay sya matapos ay panay naman ang ring ng ring ng cellphone nya. Kada mamamatay ay agad din tutunog. Hindi naman naka-register yung tumatawag. Number lang 'yon. Baka ito ang tinutukoy ni Japan na babae ni Jayden na binigay ang number ni Japan.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon