ENTRY #26: Ang Aking Pamamaalam

6 1 0
                                    


Una pa lang

ako na ang talo.

Hindi ko alam kung bakit,

anong nangyari o paano -

basta na lamang akong nahulog sayo.

Ang masakit pa dito

kahit anong gawin mong

pagpipilit sa sarili mo

hindi mo kayang saluhin

ang padausdos na puso ko.

Akala ko kaya kong tiisin lahat ng mga bagong damdaming pinaparamdam mo sa akin pero... nagkamali ako.

Hindi ko pala kaya dahil sa likod ng utak ko, alam na alam ko na hindi talaga ako ang gusto mo...

At tama nga!

Tama ang hinala ko mula nang inamin mo na hanggang sa kaibuturan ng puso mong pinilit maging bato, apektado ka pa rin sa presensiya ng dating mahal mo.

I Don't Want To ForgetWhere stories live. Discover now