ENTRY #9: Ang Paniniwala Ko Sa Pag-ibig

21 1 0
                                    



Ikaw, Ako, Tayo


Lahat naniniwala sa pag-ibig.


Uulitin ko; ikaw, ako, tayo


Lahat naniniwala sa pagibig


Pero lahat ba ay pare-pareho?



Bayan, Pamilya, Syota, Kaibigan o Sarili


Ano nga ba ang pag-ibig para sa atin?


Tulad ba ng wagas na pagmamahalan ni Romeo at Juliet?


Tulad ba ng pagmamahalan bilang magkapatid nina Anna at Elsa?


Tulad ba ng pagsasakripisyo ng iba para sa mga kaibigan nila na itinuring nang ikalawang pamilya?


O tulad ng mga bayaning nag-alay ng sariling buhay para sa bayan?



Para sa akin,


Ang pagsisimula ng pag-ibig sa iba ay ang pagmamahal sa ating sarili.


Hindi mo maibibigay ang pag-ibig mo ng buo sa bayan mo, pamilya mo,


Kaibigan mo, o syota mo kung hindi mo kayang mahalin muna ang sarili mo.



Ako! Ako! Ako! Ako!


Oo, ako! Paano ko ba nasasabing mahal ko ang sarili ko?


Dahil ba ako ito? HINDI!


Dahil ba sa kadahilanang may mga nagmamahal sa akin? HINDI!


Alam kong mahal ko ang sarili ko dahil tanggap ko ito! Tinanggap ko ito!


At kahit anong mangyari, tatanggapin ko pa rin ito!



Tanggap ko na tao lang ako, anak ng nanay at tatay ko.


May buo ngunit hindi perpektong pamilya.


Tanggap kong nagkakamali ako, tanggap kong hindi ako perpekto;


Nililibag, bumabaho, umuutot, kinukuto, may mga peklat at kamot din ako!


Tao lang ako! Tao lang ako, katulad mo.


Tao lang ako, nagiging mahina rin ako.


Tao lang ako pero hindi ako nagpapatalo, magpapatalo.



Sarili ko ang Diyos ko


Dahil ako't ako lang ang kayang gumamot ng mga sugat ko.


Ako't ako lang ang tutulong sa sarili kong bumangon.


Ako't ako lang muna at ang sarili ko.



Hindi masamang mahalin ang ating mga sarili


Dahil kung hindi mo na kayang mahalin ang sarili mo,


Paano mo pa mamahalin ang ibang tao na mahalaga sayo?


Paano mo mamahalin ang ibang Diyos na tinitingala mo?


Paano ka magmamalasakit at mangangarap para sa iba kung hindi mo iniisip ang sarili mo?


Hindi ka makakatulong kung hindi mo kayang tulungan ang sarili mo.


Hindi ito pagiging makasarili,


Dahil hindi ako naniniwala na kailangan mong ibigay ang lahat ng pagmamahal mo


Para sa ibang tao.


Minsan, kailangan mo ring magtira para sa sarili mo.



Ikaw, Ako, Tayo


Lahat naniniwala sa pag-ibig


Pero lahat ba ng paniniwala ay pare-pareho?



- A.M.J. (Evanjelai)

Monday, October 5, 2015


This is an example of Spoken Word Poetry piece. 

I Don't Want To ForgetWhere stories live. Discover now