Ito ka na naman, ginugulo ang aking isipan.
Isang ngiti mo lang, nabasag ang pader na pilit itinayo.
Bakit ka ba ganyan?
Napaka-unfair mo naman.
Sigurado akong hindi pa kita mahal
pero pinapakaba mo ko...
Hindi pa man kita mahal,
malaki na ang epekto mo.
Tinago.
Pinilit burahin.
Hindi binigyan-pansin
Pero bakit ganun?
Isa ngiti mo lang...
isang simpleng ngiti lang
parang mababaliw na ako.
Kaso lang
isa lang naman ang problema ko,
bakit nakikita ko
ang pagkakahawig
ng nakaraan ko sayo?
Halos pareho ang mga ngiti nyo
sa mga mata ko.
Napaka-unfair mo at napaka-gaga ko
at ayoko nito.
Please lang, wag ka nang ngumiti ng ganyan.
Gusto kita
pero ayokong maging dahilan ng damdamin ko
ang pagkukumpara ko sa inyo...
Oo magulo ako
pero maniwala kang
totoo ang nararamdaman ko
kung kaya't hindi ko kayang
saktan ang isang tulad mo.
Friday, June 17, 2016
YOU ARE READING
I Don't Want To Forget
PoetryAnxiety leads to poetry and this is my only way presenting myself... naked.