Ika'y yamang mula sa kalangitan
Isang buhay na ebidensya ng kasaganahan
Naging isa kang mabuting sandalan sa oras ng kagipitan;
Kahirapan man o kagutuman.
Noong lumalaki ang iyong mga anak,
Natutunan nila kung paano ka mapasaya
Gamit ang imbentong mga makinarya at teknolohiya
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, na nasasaktan ka na.
Ina.
Hindi naman lahat ay linapastangan ka
Ang iba pa'y mangha sa angkin mong ganda
Ngunit sila ma'y nabubulag rin sa artipisyal na bagay.
Habang tumatagal, mas lalo silang nagiging gahaman,
Hindi nila alam na ikaw ang pinakanasasaktan sapagkat sila'y iyong iniluwal.
Hanggang kelan nila maiisip na ikaw man ay may damdamin din?
Hanggang kelan nila maiisip ang halaga mo sa kanilang buhay?
Ina, hindi ka sumusuko kahit pa'y kanilang sugat-sugatan.
Aming Ina, patawarin mo kaming mga anak mo,
Nagpabulag at bumaboy sayo; sa kaliwa't kanang basura,
Sa kalbong mga bundok na pilit ginawang patag at sa mga
Kemikal na lumalason sa tubig mula sa iyong mga mata.
Inang Kalikasan,
Malalaman rin nila kung gaano kaganda ang iyong kabukiran,
Kabundukan, at kagubatan
Kung gaano kamangha-manga ang karagatan at ang iba pang anyong tubig mong taglay.
Kung gaano kasarap mamuhay sa lugar na presko at tahimik lamang ─
Sa lugar kung saan hindi ka hawak sa leeg ng mga kamay ng orasan.
Ina,
Konti man kaming nagmamahal sayo, pumupuri sayo
Tatandaan mong... kaming lahat ang mga anak mo at kami'y babalik at babalik pa rin sayo.
Thursday, May 26, 2016
YOU ARE READING
I Don't Want To Forget
PoetryAnxiety leads to poetry and this is my only way presenting myself... naked.