-= end of flashback =-

Winona's

Nakaupo ako ngayon habang hinihintay dito si Kim sa coffeeshop. Sabi niya kasi may paguusapan kami. Hindi ko alam kung ano pa paguusapan namin pero aalis na kasi siya bukas.

"Hi."

Medyo pamilyar ang boses kaya dahan dahan akong nag-angat ng tingin. Hindi nga ako nagkakamali, ang manyak na naman.

"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko. Sa laki ba naman ng lugar, nagkikita pa din kami?

"Sinusundo ka. Painom nga, nauuhaw ako eh." Hindi na niya hinintay sagot ko at kinuha yung frappe na inorder ko at ininom ito. Yung feeling na parang siya ang bumili, leche.

"Wag mong ubusin!" Sigaw ko.

"Hmmm? Hindi mo na kelangan to. Tara!" Sabay hablot niya sa kamay ko at agad naman akong napaalis sa kinauupuan ko.

"Giselle ano ba! Hinihintay ko si Kim, magkikita kami." Sabi ko habang inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak.

Tumigil siya sa paghila at humarap sakin. Nakasimangot naman akong tumitig sa kanya. "Hindi ba sinabi sayo ni Kim na ako ang kikitain mo?"

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Huh?"

"Tsk! Wag ka na umangal, tara na!"

Wala nakong lakas para pigilan siya kaya nagpadala nalang ako. Pinasok niya ako sa kotse at pinag seatbelt. "San mo ba ako dadalhin?? Pag eto talaga biro na naman, bibigwasan na kita, makikita mo!"

"Lab pwede ba?! Hindi na biro to, seryoso na to. Kaya ayusin mo seatbelt mo and just shut up."

Natahimik nalang ako sa sinabi niya. Nakakainis pag ganito siya, yung beastmode, kasi alam kong galit na talaga siya. Waaaa! Siya pa talaga may ganang magalit. Kidnapping na tong ginagawa niya. Arghhh! Nagdabog nalang ako at nag iwas ng tingin.

Fifteen minutes ang nakalipas at kanina pa kami nagbabyahe. Wala talaga akong idea kung san kami pupunta. Parang ang layo nadin kasi ng takbo namin. Konting konti nalang mauubos na pasensya ko. Ang tahimik pa naman niya tapos parang di mapakali. Kanina pindot ng pindot ng phone, ngayon naman tinatapik ang manibela. May binabalak atang masama tong manyak na to eh?

Naging pasensyoso pa ako at naka-cross arm na nakatingin sa labas ng window.

......

Another five minutes at wala padin. Kaya nagsalita na ako.

"Giselle! San ba kasi tayo pupunta!"

Lumingon siya sakin at ngumiti lang.

"Eto na."

Napasilip ako sa side view mirror at nakita ko ang daming motorbikes sa likod. Sobrang dami! Mga sampu siguro. Kaya kumalas ako sa seatbelt at tiningnan ito ng mabuti. Anong meron? Ba't ang dami? May parade ba?

Oh shit! Baka ano na 'to. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot.

 Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.
The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin