Chapter 66

26.2K 444 71
                                    

*** Warning: Mahabang update to pero masasarapan este masisiyahan kayo sa huli. Hindi nga lang ako sure, kaya kalma lang ha? Haha! ***

MORNING AFTER ay gumising ako ng may ngiti sa umaga. Paano ba naman kasi, dito na nakatulog si Winona kagabi, not that I insist but nung nag offer ako hindi naman siya tumanggi. Magkatabi kami natulog pero, we just slept the whole night. Behave ako eh, baka masapak ako ng wala sa oras pag gumapang pa ako.

I switched sides at nakaharap na ako kay Winona ngayon na mahimbing na natutulog. Kahit kailan hindi talaga ako magsasawang titigan siya, bukod sa maganda na, ang bango pa niyang katabi matulog. Sarap tuloy yakapin at amuy amuyin.

Habang natutulog pa siya ay tumayo na ako't bumaba para icheck ang twins ko. Naabutan ko silang nagaalmusal na. Ay! Naalala ko tuloy may swimming class pala sila ngayon. Buti nalang anjan yung yaya nila para asikasuhin sila ngayon.

"Good morning babies! How's your sleep?" Sabay halik ko sa kanila ng isa isa.

"Good Mommy!" Sigaw ni Luke. Nagsmile lang din si Leia dahil may nginunguya pa.

Iniwan ko muna sila dahil magbibihis ako para maihatid ko sa venue.

"Go-good morning Giselle." Lumingon ako habang nagbibihis para tingnan si Winona, gising na pala siya.

"Good morning lab. Ihahatid ko yung mga anak ko sa swimming class nila." Sabi ko na nakangiti.

"Si-sige magbibihis na din ako, sama ako para maka uwi." Sabi niya at nag-iinat pa ng katawan.

......

Pagkatapos naming maihatid yung mga bata ay dumiretso na ako ng pagda-drive papunta sa bahay ni Winona. Ng makarating ay inimbitahan niya akong pumasok para makapag breakfast. Hindi na kasi ako nakakain kanina.

"Lab, ako na magluluto ng itlog." Alok ko habang naghahain siya ng kanin.

Pagkatapos ay umupo na kami para kumain. Ang sweet niya lang ngayon dahil siya pa naglagay ng kanin sa plato ko, gaaaah! 😍

Kumakain na kami ng tumunog ang phone niya. "Hello? Oh? Kim? Talaga? Wait."

Tama ba yung narinig ko? Si Kim na naman? Tsk. "Giselle wait lang ha, nasa labas daw si Kim eh." Tumango lang ako at naglakad siya palabas. Ang aga aga ng iistorbo eh.

Ilang sandali'y parang nasira ang magandang araw ko ng makita ko ang nakangiting si Kim! Ano ba ginagawa niya dito?

"Giselle, si Kim. Ahh, sabay ka nalang samin kumain? Kuha lang ako ng plato, upo ka lang." Turo ni Winona sa bakanteng upuan at ng makaupo, nagtitigan lang kami, nataasan ko pa siya ng kilay. Tsssh! Nakakawalang gana tong taong to, ang lakas pa naman makangiti.

"Sige kuha ka lang." Alok ni Winona matapos paglagyan ng plato ang hapagkainan niya. Nagumpisa naman itong kumuha ng pagkain, kaloka! Ako pa nagluto niyan para kay Winona tapos siya kakain. Boshet lang ha.

"Si Giselle nga pala ng luto niyan." Turo ni Winona sa perfect eggs (sunny side up) na luto ko. Ako tahimik lang nagmamasid.

"Diba Winona you like scrambled eggs?" Nagsalita na si Kim.

Napakunot noo tuloy akong napaisip at di mapigilang makisawsaw sa usapan. "Lab, since when did you like scrambled eggs?" Ngiti kong tanong kay Winona.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now