Chapter 59

23.2K 463 55
                                    


Pagkatapos ko kumain ay nilapitan ko si Denise at Jane na naguusap.

"Bakit wala si Abigail ngayon?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Unfortunately, Gab doesn't want to talk about it. Bigla na nga lang naglasing eh." Kwento ni Jane na tumitingin pa sa salamin.

Ilang sandali pa'y lumapit na samin si Giselle. "Lasing na talaga si Gabrielle. Patulong naman, i-aakyat ko sa taas."

"Si Winona nalang. Pauwi na kasi kami ni Jane eh." Suhestyon ni Denise.

"Oo nga, pinapauwi na ako ng asawa ko. Kaya niyo na yan, bye guys!" Paalam ni Jane at umalis na talaga yung dalawa. Naiwan kami ni Giselle ngayon sa table.

"Sige tulungan na kita."

Nakaakbay si Gabrielle saming dalawa ni Giselle habang inaalalayan namin siya papuntang kwarto. Sobrang lasing na talaga.

"Alam niyo, sobrang saya ko lang na nagkita na kayong dalawa. Hindi niyo ba naisip na meant to be talaga kayo? Hindi kagaya namin ni Abi, meant to separate?" Sabi ni Gabrielle na pautal utal ng magsalita at tumawa pa sa kalasingan. Parang gusto ko tuloy itulak tong isang to dahil sobrang awkward na nga dadagdagan pa. Ang nakakainis tahimik lang din si Giselle. Ano kaya iniisip nito?

"Hindi mo ba alam Giselle, nung birthday ko 5 years ago, andito si Winona, lasing! Nag drama pa nga eh. Pero syempre di mo alam yun." Dagdag pa ni Gabrielle.

"Gabrielle nakaka inis ka!" Sabi ko tuloy sa kanya. Sana di nalang ako pumunta dito, napasubok pa tuloy ako. Tiningnan lang ako ni Giselle ng nakakatunaw.

Buti nalang at umabot na kami sa kwarto ni Gab at inalalayan siya ni Giselle humiga. Pero pagkahiga niya agad siyang humikbi.

"Gab tama na yan, matulog kana." Sabi ni Giselle habang hinihimas ang likod niya. Iyak pa din ng iyak si Gab.

"Ang sakit Gi, sakit sakit. Matino naman ako, loyal tapos binigay ko naman ang dapat ibigay pero bakit ganun." Ang sakit din pala makita si Gabrielle na ganito. At the same time parang naramdaman ko yung sakit. Minsan talaga hindi natin nakukuha ang mga gusto natin kahit ginagawa na natin halos ang lahat.

Nakatayo pa ako ngayon habang si Giselle naka upo sa kama katabi si Gab. Napansin ko na umiiyak na din si Giselle. "Gab, kung ano man yung pinagdadaanan mo ngayon, you don't have to worry. Malalagpasan mo din yan. Andito lang ako, hinding hindi kita iiwan. Naalala mo yung umiiyak ako sa kotse? Dalawang beses yun Gab. Db nakita mo ko nun kung gano ako ka-wasak? Binitawan ako ng mga taong akala ko hinding hindi ako iiwan. At sa dami ng nangyari sakin, eto pa din ako ngayon. Kaya pakatatag ka Gab. Iwan man nila ako lahat, basta ikaw wag na wag moko iiwan, dahil ngayon isa ka sa mga taong yun lang ang meron ako."

Hindi ko maiwasang maluha sa narinig ko. Gustong gusto ko umalis sa kinatatayuan ko pero para akong statwa na hindi maalis alis. Dahan dahan ko nalang pinunasan ang mga luha na lumabas sa mga mata ko.

"Wag niyo kong iwan Gi, Winona. Ayoko pati kayo mawala sakin." Sabi ni Gabrielle. Lumapit ako at umupo nadin sa gilid ng kama opposite kay Giselle habang siya nagpupunas na ng luha.

Ilang sandali ay lumingon si Giselle sakin, pulang pula padin ang mga mata niya. "Mukhang tulog na siya. Hatid na kita sa inyo."

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα