Chapter 29

25.7K 487 6
                                    

"Gumising na kayo bad b*tches!! Huy." Nagising ako sa sobrang ingay. Kinusot ko mata ko at bumungad sakin ang nakatayong si Denise. Tiningnan ko ang buong paligid at napahinga ako ng maluwag ng napansin kong nasa kwarto na pala ako.

"What time is it?" I asked.

"9:30! Bangon na nga kayo diyan. Gabrielle! Gumising kana! Nagluto ako ng breakfast." Lumingon ako sa niyuyugyog ni Denise at katabi ko pala natulog si Gabrielle.

Later did I realize na may work pala ako. "Oh shit! May trabaho pa ako!" Tumayo agad ako at iniisip ko kung ano una kong gagawin.

"Hoy bruha, tinawagan ko na si Ate Steph. Okay lang after lunch kana pumunta sa office. Tsaka girlfriend mo kanina pa tumatawag, sinabi ko tulog kapa."

"Ano pa sabi?"

"Nagaalala sayo dahil hindi ka nagtext. Sabi ko nalasing kayong dalawa at nakipagaway!"

"Ba'y mo naman sinabi yon?!"

"Ano sasabihin ko? Na nagbibible study kayo sa isang club? Duh! Tingnan mo nga yang mukha mo! Makakapagsinungaling kapa ba diyan?!" Turo pa sa mukha ko. Tiningnan ko ito sa salamin at may maliit na sugat sa gilid ng bibig ko at konting gasgas sa baba nito.

"Salamat nalang Denise."

"Anong salamat?! May bayad 'to oy. Hassle kayong dalawa kagabi ha! Ano ba naisip ng mga kukute niyo? Mga basagulero! Kainis! Tumayo na nga kayo diyan at kumain na tayo." Naglakad na siya palabas ng kwarto at sumunod na ako at bumangon nadin si Gabrielle.

Pagkatapos kumain ay tinext ko lab ko para makapagexplain. Pero 'K' lang ang reply. Mukhang galit na talaga 'to.

Nakaligo na ako't nakapagbihis. Pagdating sa office ay sandamakmak na trabaho ang hinarap ko. Gaah, susunduin ko pa naman sana si Winona pero hindi kaya ng oras dahil kailangan ko pa mag OT. Tinawagan ko nalang si Gabrielle para siya ang sumundo.

Gabrielle's

Pagdating ko sa coffeeshop ay lumabas na ako sa sasakyan. Sumandal ako at nag hintay kay Winona na lumabas. Nagbabasa ako ng message ng napansin kong may lumabas na sa coffeeshop. Pero hindi ito si Winona.

"What are you doing here? Looking for another trouble?" Ang saya, sa lahat pa talaga ng pwedeng makita si Hailey Sandoval pa.

"Oh please, I'm here to pick up my friend." Walang interest ko na sagot.

Last night I just lost myself. Hindi naman talaga ako ang taong nakikigulo pero ang bastos lang kasi. I was in deep conversation with a friend at bigla nalang siyang sumingit at siniko pako. Buti nalang at inawat kami, nagblackout pa tuloy si Giselle.

"Can you please go away?!" This annoying girl, hindi padin umaalis sa harapan ko.

"What did you do to Belle?!"

"What the f*ck are you talking about? Let me remind you that we broke up because of you!" Sabay turo ko na sa kanya. Is she out of her mind?

"But she left me dahil mahal kapa niya!" Lumapit na siya sakin at galit na galit. Good! That's exactly what I want her to feel now, atleast we're even. Ganitong ganito ang naramdaman ko ng inagaw niya sakin girlfriend ko.

"You should ask her! Wala na akong pakialam sa kanya. Sa inyong dalawa actually."

"Tell me! Are you still talking to her? Seeing her?! I'm gonna knock the hell out of you if you do!" Hinawakan na niya ng mahigpit ang balikat ko.

"Are you out of your mind?! Or bingi ka? Wala nako pakialam sa inyong dalawa. Hell, I don't even want to see the both of you. Bitawan mo nga ako." Tinulak ko siya ng malakas. Buti nalang at umalis na siya.

"Gabrielle? Ano yun? Kilala mo siya?" Si Winona, nakalabas na pala siya.

"Oh hi there. Aww kilala mo yun? Wala. Just a stupid friend." Sabi ko habang inaayos ang suot ko.

"Frequent customer namin yun. Bakit ka nga pala naparito?" May kinukuha siya sa bag niya.

"I'm here para sunduin ka. Gabi na kasi makakauwi si Giselle, madami daw trabaho sa office." Sabi ko. Nagstart na siyang magtanong about sa nangyari kagabi, kinwento ko naman pero I made sure na hindi siya magagalit kay Giselle.

"Sakay kana Winona. Hatid na kita." Binuksan ko na ang pintuan para maka upo na siya.

While driving ay na remember ko na may bibilhin pala ako sa mall.

"Winona, pwede ba tayo magmall saglit? May bibilhin nga pala ako eh." Tumango naman ito.

Pagdating sa mall ay dumiretso kami sa National Bookstore, birthday ni Jane, I'll buy her a book dahil may nakwento siya na gusto niyang basahin, she'll be out of the country the next day eh.

"Winona, kain muna tayo ng dessert."

Nag start ako magkwento about kay Giselle at mga experiences namin dalawa. Pero natigil kami ng may dumaan na babae sa labas ng glass wall. I think I know her.

"Winona saglit lang ha, babalik ako may nakita lang akong kakilala ko."

Lumabas ako at hinanap yung babae pero nawala na siya sa paningin ko, siya kaya yun? Si Abigail, yung nakilala ko sa Cebu. Sayang naman at di ko na abutan.

Bumalik nalang ako kay Winona at nagkwentuhan ulit kami. Almost 8pm na ng inaya ko na siyang umuwi.

Habang nasa byahe. "Ahm, Gabrielle parang hindi naman eto yung daan papunta samin." Pagtataka nito.

"Sorry Winona, sabi kasi ni Giselle dun kana lang daw sa condo niya matutulog."

"Ehh. Nakakainis talaga yung babaeng yun. Hmp." Natawa nalang ako. Pasensya na Winona, sumusunod lang talaga ako sa utos.

This girl is nice, napaka genuine at kahit simple lang ay marunong makibagay. No wonder why my cousin fell inlove with her. Happy ako at bumalik na sa dating katinuan si Giselle because of her.

Hinatid ko na si Winona sa condo as requested at nagpasalamat. Ganun din siya.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now