Chapter 58

25K 392 19
                                    

Winona's

Nagising ako sa sinag ng araw at napakunot tuloy ang noo ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa may bedside table at tiningnan ang oras nito.

"Argh. 7:30 na pala."

Nag inat ako ng katawan at tumayo na para maligo. May pupuntahan ako bago ako lumawas ng Manila. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto.

"Good morning Ate!" Bati sakin ni Aries na kasalukuyang naghahain ng breakfast.

"Good morning din. Asan si Winston?" Tanong ko at umupo na para makakain.

"Maagang umalis Ate. Diba inutusan mo yun magdeliver?" Ay oo nga pala. Pinagsabihan ko nga pala yun kahapon.

Pagkatapos mag agahan ay umalis na ako. Sumakay ako ng tricycle papuntang café. Kukumustahin ko lang mga tao dun. Two years ago ay nalaman ko na namatay na pala ang Tatay namin. Kahit naman siguro matagal na siyang nawala samin ay Tatay ko pa din yun, nakaramdam padin ako ng sakit ng mawala siya.

Ngunit ang di namin alam ay may lupain pala siyang iniwan para samin. Yun nga lang nasa malayong lugar kaya napagdecisyonan naming magkapatid na ibenta yun. At ginamit ang pera pampatayo ng maliit na coffeeshop dito sa bayan at motorshop business para kay Winston. Kahit papano nakaahon din kami sa kahirapan.

"Dito nalang po Manong." Para ko sa tricycle driver. Bumaba ako at naglakad papuntang café. Mga ilang oras din ako dito, wala kasi si Aries kaya ako nalang muna ang dumalaw. Pwede naman ako dito nalang mamalagi pero maayos namin kasi ang pamamalakad ng kapatid ko kaya hinayaan ko na. Dagdag savings nadin yung kinikita ko sa Manila as QA Manager sa isang kompanya na pagmamay-ari ng mga Sandoval.

Hapon at nagpasiya na akong umuwi dahil babyahe pa ako mamaya pa Manila. Pagkadating ay napansin kong may sasakyan na nakapark sa tapat ng bahay. Siguro sa kapitbahay to.

Pagpasok ko ng gate ay nadatnan ko si Aries na may kausap na babae. Natigilan ako ng mapansin kong parang nakikilala ko kung sino yung nakatalikod. Lagot ka Winona. An tagal kong iniwasan tong babaeng to.

"Aries." Tawag ko sa kapatid ko. Kahit din naman ang kapatid ko hindi maipinta ang mukha sa gulat at tuwa.

Lumingon siya ng bahagya.

Ilang segundo ay tuluyan na talaga siyang humarap sakin. Agad na nagtama ang aming mga mata dahilan para malunok ko agad ang laway ko.

Winona wag na wag kang magpapadala. Please, inensayo mo nato dati pa kung sakaling magkita kayo.

Napansin ko namang para siyang bato na nakatayo ngayon. Hindi gumagalaw. Kaya pinutol ko na ang nakakamatay naming titigan.

"Giselle, ikaw pala yan. Naparito ka?" Sabi ko sa kanya na parang kaibigan lang (which is yun naman talaga ang totoo) at naglakad lagpas sa kanya at tumabi kay Aries. Sinundan naman niya ako ng tingin at halatang gulat na gulat pa.

"Ate baka andito si Ate Giselle para dalawin ka?" At tumawa si Aries. Siniko ko naman siya, may time pa talaga siyang magbiro. "Ay sige papasok na muna ako ng bahay."

Umalis na si Aries at naiwan kaming dalawa. Tulala pa din tong isa. Ngumiti nalang ako. I swear nakakatawa talaga itsura ng manyak na to ngayon.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now