Chapter 16

8.3K 119 19
                                    

✓ I never imagine myself to write a story.

**

Chapter 16

Panay irap at ismid lang ang binabatong tingin sa akin ni Leigh kanina pa. Para din siyang lintang hindi umaalis sa pagkakayapos kay Kaien. Kanina pa din sila nagtatalong dalawa. Batid sa itsura nito na naiinis na siya sa ginagawa ni Leigh.

"Leigh, ano ba." sabi ni Kaien habang inaalis ang kamay na nakakapit sa braso niya.

"Baby, why?" naguguluhan niyang tanong niya dito dahil pilit pa din nitong iniaalis ang nakakapit sa kanyang mga braso. And yuck? Baby? Brr. Ilang baby na ba ang binibaby nito? Nagpapadede din siguro 'to ng mga baby niya. Flirt!

"Why you're so arte. So arte talaga." Pabulong na sabi ko habang umiirap-irap.

"May sinasabi ka?" inis na tanong niya.

"Meron ba?" sagot kong pabalik.

"Rika, you know her?" tanong ni Alexus sakin.

"Yeah. Sa mukha niyang 'yan talagang kilala ko siya." sagot ko.

"Well, I don't know her." pagkukunwari niya. "Anyway, gaya ng sinasabi ko. Dito muna ako Kai ha. Please, pretty please baby." Aba't ang kapal nga ng mukha ilang alak ba ang nailaklak nito at ganun kalakas ang loob.

"I'll go upstairs." Sabi ko. Napapaenglish ako ng wala sa oras. Hindi ko matagalan na makita siya. Umiinit ang dugo ko.

"I'll go ahead na din. Hinatid ko lang talaga si Arika." sabi naman ni Alexus.

"Teka, hatid na lang kita sa gate." Iniwan namin sila dun at inihatid ko si Alexus sa may gate.

Bakit sa oras na okay ang araw mo ay hindi talaga maiiwasan na sisira pa din nito?

"You know her?" simula ko.

"A friend of mine?" Really.

"Really."

"Yup!"

"Ah, sige, ingat ka, ha. Bye." paalam ko.

"Bye. Ingat ka din Rika." Tapos pumasok na siya sa loob ng sasakyan niya at umalis na.

Bumalik ako sa loob at naglast look muna ako bago dumiretso sa kwarto ko. Nakita kong nag-uusap sila... Mahina lang pero si Bakulaw prenteng umupo lang sa sofa at iritang-irita na.

"Kai, bakit ka ba ganyan? Bakit? Hindi pa naman kayo kasal, ah? Pwede pa din ang relasyon natin." Confirm! Sya nga 'yung girl na kausap nito nung nakita ko sila.

Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang si Leigh sa pagsasalita.

"At isa pa, I want to stay here. I want a quality time with you, naging busy lang naman ako." Garalgal na sabi niya. Iiyak na din siya. Iyak na! Napakatagal.

"Break na tayo, bawal na. Engaged na ako. Napakakulit mo."

"NO! I won't. Hindi mutual ang break-up kaya kahit anong gawin mo, tayo pa din." Desperada niyang sabi.

"Bahala ka sa buhay mo!"

Parang lumiwanag ang mukha niya sa sinabi nito. "Baby, let me stay here... please. I'm begging you." lumuhod ito sa harap nito. So babae na ang lumuluhod sa lalaki ngayon? Ganyan na ba siya kadesperada? Oo maganda si Leigh pero hindi naman ata tama na para lang magstay sya sa bahay ng soon to be ex-boyfriend niya na kasama ang fiancée, eh, luluhod na siya. Such a desperate pathetic loser.

"Stand up..." Hindi ito tumayo. "I said stand up." Medyo may kalakasan na din ng boses ang pagbitaw niya ng salitang 'yun. Pero hindi pa din ito tumayo, sa halip may tumulong luha sa mga mata niya. 'Yung kilala kong Leigh na matapang ay umiiyak para sa isang lalaki? Not so her.

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon