Chapter 32

4.9K 80 5
                                    

**

Chapter 32

Matapos kong malaman ang buong katotohanan ay! Jusmiyo, nawindang ako ng sobra. All this time kakuntyaba pala nila ang mga parents namin. Tapos lahat ng pinapakitang kaOAyan ni Louise ay kasama sa plano nila.

"Hoy bes! Ayos ka na ba?" tanong ni Louise na nakaupo sa kama ko.

Magiging maayos pa ba ako sa lagay na ito? Dinaig ko pa ang naaksidente sa mga sinabi nila eh.

"Peace na Rika, eh kasi yun lang naisip namin eh." Palusot niya. Ay nako, kahit ano pa mang palusot iyan pinagtripan niyo buong pagkatao ko.

"EH PAANO NAGING GANUN?!" sigaw ko, naguguluhan pa kasi talaga ako eh. Ang accurate masyado nung mga nangyari. Pulidong-pulido yung mga nangyari tapos flawless pa ang ending na magkakagusto talaga ako sa pamangkin niyang dinaig pa ang menopause sa pagkasungit at pabago-bago nang mood.

"'ba malay. Basta ginawa naming iyong plano." Balewalang sagot ni Bes.

Tingnan mo ito parang hindi ako bestfriend.

"Hindi din naman namin inexpect iyon. Hehe! Si Kai at ang puso niya ang tanungin mo." Sagot naming ni Alexus.

Puso, pesteng puso niya! Hindi ko man lang malaman kung ano ba talaga!

Tiningnan ko lang sila na nagsasalit-salit ng paliwanag sa akin.

"Pero malay ba natin di ba? Nagkagusto siya sayo kasi magkasama kayo sa iisang bahay." Dagdag ni Alexus.

"Tama, tsaka sa ingay mo ba namin iyan... sino na lang ang hindi makakatiis dyan?" singit naman ni Bes. "Dinaig mo pa nga ang sirang megaphone sa sobrang ingay."

"Ay thank you ha!" sarcastic kong sagot. Supportive talaga ng mga 'to, grabe.

Lumipat si Alexus sa tabi ni Louise. Si Louise naman ikinapit ang braso sa braso ni Alexus. Okay? Weird?

Naningkit ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Paano si Louise may binulong kay Alexus at napangisi naman ito. Ang creepy! Jusko bakit biglang naging ganito ang sitwasyon?

"Bes, una na kami ha?" Tumayo ang dalawa.

"Saan naman kayo pupunta?" takang tanong ko.

"Puntahan namin si Ate." Ate? Ate niya o Ate ni Alexus?

"Okay?" Lumabas ang dalawa at nanatili lang ako sa kwarto ko. Mula sa bintana, tanaw dito yung harap ng ibang bahay, yung gate namin. Nakita kong nakalabas na ng gate yung dalawa.

"Hahahaha! Sa wakas! We're free." Sigaw ni Louise mula sa baba. Kita mo siya nga itong megaphone eh.

"Yeah." Matipid na sagot ni Alexus.

Masaya na silang dalawa at pwede nang maging sila ng walang prinoproblema.

Hays...

I dialed my mom's number. I want to hear it from my mom.

(A-Arika...) sagot sa kabilang linya.

"Ma, tell me. Bakit?" matapang kong sagot.

(Anong bakit?) Kunwari hindi niya alam, kunwari... lahat na lang.

"Tell me the truth, bakit mo ginawa iyon? Bakit pati si Louise kinuntsaba mo sa mga gusto mo?"

(Arik---) I cut her.

"Wag na pala, saka na tama na muna iyong nalaman ko. Bye Ma! See you!" saka ko ibinaba yung tawag.

Lumabas ako ng kwarto ko! Grabe nauhaw ako sa mga nalaman ko.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now